Chapter 2

1007 Words
SOFIA “Pabili nga po ng corned beef at meatloaf, samahan niyo na rin po ng limang itlog.” ani ko sa may ari ng tindahan na si aling Melda at inabot ko ang 500 pesos na bayad ko. “Aba! Mukhang bigtime ang lalaki ngayon ng nanay mo sofia, ah. De-kotse pa!” sa halip na ang total ng presyo ng bibilhin ko ang isasagot sa akin ni aling Melda, tsismis na naman tungkol kay inay. Kinuha ko ang supot ng mga binili ko at hindi na ako sumagot pa sa sinabi ni aling Melda. Ganito naman palagi ang routine sa tuwing bumibili ako dito at may nakita silang lalaki na lumabas sa pinto ng aming bahay. “Magkano po lahat, aling Melda?” paglilihis ko ng topic. “Alam mo bang medyo matagal ang oras na pinamalagi ng de-kotseng lalaking ‘yon sa bahay n’yo? Sa tingin mo Sofia, siya na ba ang lalaking mag-aalis sa inyo sa hirap? Siya na ba ang lalaking mag seseryoso sa inay mo?” ani aling Melda habang kinu-compute ang presyo ng aking binili. “95 lang lahat,” sabi ni aling Melda na halaga ng binili ko. “Mukhang ang lalaki na ‘yon ang swerte ng nanay mo Sofia sa tagal niyang nasa ganoon trabaho.” panay ang salita ni aling Melda habang nagbibilang ng isusukli sa akin. “Salamat po,” sagot ko nang ilapag ni aling Melda ang sukli sa aking palad. Tatalikuran ko na sana ito pero muli na naman humirit ng salita at pinigilan akong umalis gamit ang palad kong may hawak na pera. “Pero teka, Sofia. 17 ka na ha, mag-iingat kang mabuti sa lalaking ‘yon, kung ‘yun man ang one time bigtime ng nanay mo. Or kahit na kanino pang lalaki, maganda ka at kaakit-akit. Kaya mahirap na. Basta mag-doble ingat ka palagi.” wika pa nito sa akin na akala mo naman e concern talaga sa akin. Kahit alam ko naman na tsismis pa rin ang gusto nito. Nginitian ko si aling Melda. “Huwag n’yo po akong alalahanin aling Melda, hindi po ako pababayaan ni Inay,” sagot ko at tinalikuran ko na ito ka agad. Kahit ilang beses akong tanungin ni aling Melda or ng mga kapitbahay at kabaryo namin. Wala silang makukuhang sagot mula sa akin. Tikom ang bibig ko pagdating sa trabaho ng aking inay. Kahit anong gawin nila ay wala silang makukuhang tsismis mula sa bibig ko. Pagdating ko ng bahay ay agad kong niluto ang corned beef para sa aming hapunan. Tulad ng dati, ako ang magluluto mag-isa at ako lang rin ang kakain mag-isa dahil for sure ay tulog na tulog si inay. Pagkatapos kong kumain at ligpitin ang hapagkanan ay hinugasan ko na rin ang mga dapat hugasan sa kusina. Nang matapos ako sa kusina ay ang homework ko naman ang pinag-ubusan ko ng oras. Maya-maya ay nakarinig ako ng katok sa pinto. “Sofia! Halika dito dali, may iku-kuwento ako sa ‘yo!” tinig iyon ng kaibigan kong si Myrtle. Agad akong tumayo mula sa silya na kinauupuan ko at pinagbuksan ng pinto si Myrtle. “Girl! May gwapo tayong kapitbahay, yung apo ni Aling Evelyn,” kinikilig na masayang sabi nito sa akin. Napakunot noo ako. “So?” tipid na sagot ko. Tinalikuran ko si Myrtle at lumakad pabalik sa lamesa namin kung saan ako gumagawa ng aking assignment. Sumunod sa akin si Myrtle, humila siya ng silya at naupo sa kabilang bahagi ng lamesa namin dito sa kusina. Maliit lang kasi ang bahay namin. Ang lamesa na kinakainan namin ay siya na rin nagsisilbing receiving area or sala kapag may bisita. “Anong ‘so?’ hindi mo ba natatandaan si Axel? ‘Yung kababata natin?” pilit na pagpapaalala sa akin ni Myrtle sa tinutukoy nitong si Axel. Pero wala naman sa Alex na ‘yon ang isip ko kung ‘di sa assignment na tinatapos ko. Ano naman ang pakialam ko sa Axel na ‘yon. “Hindi ko siya maalala,” tipid na sagot ko. Naka-focus pa rin ako sa assignment ko. Habang nagsusulat ako ay biglang inagay ni Myrtle ang ball pen ko kaya naman napatigil ako sa aking pagsusulat at napatingin sa kanya. “Ang gwapo niya ngayon best! Crush ko!” namumula ang mukha na sabi ni Myrtle sa akin. Inagaw ko ang ball pen ko sa kamay niya. “Okay,” tipid na sagot ko. Akala ko naman kung ano na, iyon lang pala ang sasabihin niya sa akin. “Nagawa mo na ba yung assignment natin?” pag-iiba ko. Napanguso si Myrtle. “Hindi pa,” kamot ulo na sagot niya. “Ang hirap kasi ng Science, eh!” “Ayon na nga, sa bibig mo na nanggaling ‘di ba? Mahirap ang science tapos mas inuuna mo pa ang Axel na ‘yon kaysa ang gumawa ng assignment natin ‘di ba po?” nakataas ang kilay na panenermon ko sa kaibigan ko. “Hindi kita papa-kopyahin sa assignment natin, kaya gumawa ka Myrtle.” hindi sa pagiging madamot or makasarili ako. Hindi naman ata tama na habang ako nagsisipag gumawa ng homework namin tapos siya eh inuuna ang Axel na ‘yon tas ang ending sa akin kokopya ng sagot sa assignment? No way. Tumayo si Myrtle. “Oo na nga po, gagawa na ako ng assignment ko!” sabi nito at lumakad papunta sa pinto. “Bye na, uwi na ako!” Tumango ako at kumaway. “Bye!” napapailing na binalik ko ang atensyon ko sa aking ginagawa. Hay naku. Si Myrtle talaga. Inuna pa ang kilig kilig niya kaysa ang gumawa ng assignment. Kinaumagahan, habang naglalakad ako papasok sa gate ng school na pinapasukan ko ay agad na napakunot ang noo ko nang mahagip ng paningin ko ang lalaking nakatayo at nakasandal sa hood ng itim na kotse nito. Si Mr. De Jesus iyon. Ang lalaki na nanggaling sa bahay kahapon. Napalunok ako at mabilis na kinabahan dahil kay Mr. De Jesus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD