bc

THE BILLIONARE'S ESCORT

book_age18+
102
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
arrogant
badboy
sweet
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

BABALA: SPG story po ito. Sa ayaw, wag na po basahin kaysa awayin ang Author. Love you all!

Sinikap ni Sofia Andres ang makapagtapos ng pag-aaral dahil ayaw niyang matulad sa inang bayarang babae. Ngunit ang pagnanais niyang maiba ang landas ay hindi naging madali. Nagkasakit ng malubha ang kanyang anak, at ang tanging paraan niya upang maipagamot ang pinakamamahal na anak ay ang maging isang Escort ng isang bilyonaryong lalaking mas malamig pa sa bakal kung iturin siya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
SOFIA “Ang gandang bata talaga ni Sofia ‘no, sana lang talaga eh hindi siya matulad sa kanyang ina pagdating ng araw.” “Naku. Sana nga, sayang naman ang pagod at oras niya sa kanyang pag-aaral kung magiging katulad lang siya ng kanyang ina na isang kalapating mababa ang lipad.” “Ano ba naman kayong dalawa, ano bang malay natin kung may kasintahan na ‘yan si Sofia sa school. Sa ganda n’ya, malabong walang umaaligid at nanliligaw sa batang ‘yang sa eskwelahan na mga lalaki. Nalimutan n’yo na ba, noon si Selena, pinag-aaral ng tatay at nanay n’ya. Hayun at inuna ang pakikipag nobyo. Nagpabuntis at pagkatapos ano? Hiyan, nauwi sa pagiging parausan ng mga lalaki.” “Kaya nga sana, sana talaga eh maging matalino ‘tong si Sofia. Sana ‘wag n’yang gayahin ang kanyang ina. Tutal naman eh, nag-aaral siya.” Narinig kong pag-uusap ng mga tsismosa naming kapitbahay habang naglalakad ako pauwi sa aming bahay at yakap ang aking mga libro. Maliit lang ang isla na ito, kaya naman wala atang balita na hindi pag-uusapan ng mga tao. Yumuko ako at patay malisya na hindi ko narinig ang pagtsitsismisan nila tungkol sa buhay namin. Isa pa. Sanay na ako sa kanila. Binging bingi na nga ako sa topic nila kasi bata pa lang ako ay palagi ko nang naririnig na bulong-bulungan sa bibig ng mga tsismosang naming kapitbahay kung gaano karumi at kababa ang trabaho ng nanay ko. Si nanay daw ay kung sino-sinong lalaki ang nakakasama sa kama. Noon, tinanong ko si inay tungkol sa bagay na ‘yon. At ang sabi niya sa akin ay parte lamang ‘yon ng trabaho niya. As long as binabayaran siya ng tama, responsibilidad niya na gawin ang trabaho niya sa bawat lalaking kumukuha ng serbisyo niya. Tinanong ko muli siya. Kasi. Curious ako sa serbisyo na tinutukoy niya. Ang sabi kasi ng mga kapitbahay namin. Nagbibigay daw si inay ng aliw sa mga lalaki. Ang sabi naman ni inay, pinapasaya lang niya ang mga lalaki na gustong sumaya. Iyon lang daw ‘yun at walang mali roon. Noon, hindi ko maunawaan ang mga tao sa paligid namin. Kasi, para sa kanila. Mali at hindi makatao ang trabaho na meron si inay. Pero ngayon na 17 years old na ako, nauunawaan ko na kung bakit masamang babae ang tawag ng mga tao kay inay. Nung mga panahon na 8 years old pa lang ako. Masaya ako kasi yung mga lalaki na pumapasok sa bahay namin eh palagi silang may dalang pasalubong para sa akin. At habang abala akong kumain ng mga pasalubong nila sa akin, papasok naman sila sa kwarto ni inay. Sakto naman na tapos na akong kumain ay saka naman sila lalabas ni inay na parehong pawisan ang mga katawan at pagkatapos ay mag-aabot ng pera kay inay. After that, hindi ko na ulit makikita ang mukha nila. Mmm… may mga iilan naman na paulit ulit na pumupunta sa bahay pero kalimitan talaga ay isang beses lang pupunta sa amin at pagkatapos ay hindi na babalik. Binilisan ako ang aking paglalakad upang makalagpas na ako sa gawi ng mga tsismosa naming kapitbahay. Sawang-sawa na ako sa bunganga nila dahil hindi na sila napagod na pag-usapan kaming mag-ina. Malayo palang ako ay natanaw ko na ka agad na may naka-paradang kulay itim na kotse sa harapan ng aming bahay. Ibig sabihin lang niyon ay may bisita na naman si inay. Binuksan ko ang gate namin na yari sa kahoy at pumasok. Nang nasa pinto na ako ay siya naman bukas nito at niluha ang lalaking kasama ni inay sa loob. Nasa late 50’s na ang edad nito. At first time ko palang makita ang mukha nito. Mukhang siya na yata ang big time sa lahat ng lalaki na pumunta dito sa aming bahay. Kasi siya palang ang pumunta na may kotse. “Oh, nariyan ka na pala, sofia.” wika sa akin ni inay nang makita ako. Tumingin ang lalaki kay inay at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. “Maganda ang anak mo, manang mana sa ‘yo.” ngisi nitong sabi at napatitig sa labi ko. Akama sana nitong hahawakan ang hibla ng buhok ko pero mabilis kong inilag ang sarili ko dahil natakot ako sa kanya. Narinig ko naman nagsalita si inay. “Hoy, loko ka, anak ko ‘yan. Hindi ‘yan pwede!” ani inay sa lalaki. Pumalatak naman ng tawa ang lalaki sa sinabi ni inay. “Maganda siya, interesado ako sa kanya.” Napakurap ako naman ako sa sinabi nito. Si inay naman ay agad na lumapit sa akin at tinabig pa ang lalaki palayo sa pinto dahil nakaharang ito sa daan. “Sige na anak, pumasok ka na sa loob. ‘Wag mo na lang pansinin ang matandang ‘yan,” utos sa akin ni inay at hinalikan pa ako sa aking ulo. Tulad pa rin ng dati, pawisan pa rin si inay at ang lalaking kasama nito. “Opo Nay,” sagot ko kay inay at pumasok na ako. Napapalunok ako nang dumaan ako sa gawi ng lalaki dahil halos tumagos sa kaibuturan ko ang init at lagkit ng paninitig niya sa akin. Sa laylayan ng suot kong palda. “Sige na, tapos na ang serbisyo ko sa ‘yo Mr. De Jesus. Makakaalis na kayo.” narinig kong pagtataboy ni inay sa kausap. “Okay, sige. Sige. I’ll go ahead, pero ‘wag mong kalimutan ang sinabi ko sa ‘yo, ha. Interesado ako sa anak mo. Ano nga ang pangalan niya, Sofia? Ang ganda n’ya, kahit magkano kaya ko, basta siya.” Nahigit ko ang aking paghinga at sinadya ko talagang bagalan ang paglalakad dahil gusto kong marinig ang isasagot ni inay sa lalaki. Mapang insulto na tumawa si inay sa kaharap saka nagsalita. “Gago ka ba Mr. De Jesus? 17 palang ang anak ko kaya ‘wag mong pag-interisan. Tsaka, hindi siya matutulad sa akin dahil pinag-aaral ko siya para pagdating ng araw, makahanap ng marangal na trabaho. Alis na Mr. De Jesus. Kung ayaw mo na mapadali ang pagkikita n’yo ni Jesus. Gago!” wika ni inay. Hindi naman nagpatalo ang lalaki. Tumawa rin ito kay inay. “Relax ka lang, Selena. Sinabi ko lang naman na interesado ako sa anak mo, at handa akong magbayad kahit magkano. Kaya kong bilhin ang buhay niya para gumanda, at hindi matulad sa ‘yo. Well, ‘yon ay kung papayag ka. That’s a good offer if you want to secure your daughter’s future. Sa akin, hindi siya maghihirap.” wika nito kay inay. “Anong palagay mo sa akin Mr. De Jesus? Tanga? Para maniwala sa sinabi mo? Uulitin ko sa ‘yo ‘to. Kaya ako nagpapakahirap na pagtapusin ng pag-aaral ang anak ko para hindi siya maging bayaran babae na tulad ko. Sa tingin mo ba hindi ko alam na ginawa mo na rin bayarang babae ang anak ko once na patulan ka niya kapalit ng yaman mo? Mahirap lang ako, alam ko ‘yun. Pero hindi ako mangmang at tanga.” matapang na sagot ni inay. “Sige na Mr. De Jesus, makakaalis na ka na pamamahay ko!” narinig ko na taboy muli ni inay sa kausap pero this time ay madiin na ang kanyang boses. “Kakainin mo rin ‘yang sinabi mo,” makahulugan na wika ng lalaki at lumabas na ito ng pinto namin na napapailing. Mabilis akong lumakad pa punta sa kusina pagkatapos ni inay na makipagtalo dun sa Mr. De Jesus na ‘yon. Ang ganda ng pangalan, tunog santo. Pero satanas naman pala in real life. “Wala pa nga pala tayong hapunan, anak.” awtomatiko akong napalingon sa aking likuran nang marinig kong nagsalita si inay. “Oh, heto ang pera, bumili ka na lang sa tindahan dahil pagod na ako para magluto.” kumuha si inay ng 500 sa bulsa. Bigtime nga ang lalaking kasama ni inay dahil nakita kong may lilibuhin siyang pera sa wallet. “Ano po ang bibilhin ko Nay?” tanong ko at napatitig sa 500 pesos na nasa palad ko. Simula pa noon ay matipid ako sa paggastos ng pera dahil alam kong pinaghihirapan ni inay ang bawat sentimo. Kaya mali talaga ang sinasabi ng mga kapitbahay namin na si inay daw ay kumikita ng hindi nahihirapan. Dahil hihiga lang raw si inay ay magkakapera na. Instant money ng walang kahirap-hirap. Pero akala lang nila ‘yon. “Ikaw na ang bahala anak, basta bumili ka ng hapunan natin at pang almusal na rin bukas.” ani inay at hinalikan ako sa ulo. “Tulog muna ako, ha.” “S-sige po Nay,” napatitig na lamang ako nang lumapat pasarado ang pinto ng kwarto ni inay. Ang pinto ng kwarto na hindi ko na mabilang kung ilang lalaki na ang pumasok roon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.4K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.3K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.0K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook