Chapter 36 Lawrence We're doing our best to make this a mission accomplish. Lahat kami ay tahimik habang nakatitig sa malaking bahay na nasa harapan namin. Patay ang lahat ng ilaw ng bahay at halata dito na walang nilalang sa loob. Maybe the headmistress is busy doing her job or maybe she's busy bombing the second tower. "Are we sure about this?" Rinig kong tanong sa akin ni luke kaya naman tinignan ko siya at tinanguan. Sigurado ako na magiging mabilis ang pag-alam namin sa katotohanan kung dito kami sa bahay ng headmistress pupunta. Parang alam ko na ang nangyayari pero hindi pa rin ako sigurado dahil wala akong maayos na ebidensya. Ang meroon lang ako ay hinuha at mga hint na mismong ang headmistress ang nagbigay sa akin. "This is scary geez..." nanginginig ang boses na asik ni

