Chapter 37 Lawrence Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko habang abala kami sa paglalakad papunta sa kilalang knowledge of wizard ni carina. Hindi namin alam kung anong klase ng mga gamit ang nakita namin sa bahay ng headmistress kaya naman mas mabuti ng kumunsulta kami sa Isang eksperto. Isang wizard na nabuhay noon pa man. Iniisip ko nga na dahil matagal na siya dito baka kilala niya si Vincene levriz?baka alam niya kung ano ang nangyari noon? Sana nga... "Are you okay?" Rinig kong tanong ni shawn kaya naman tinapunan ko siya ng tingin, kunot ang noo ng lalaki habang titig sa hita ko, Dahil sa ginawa niyang iyon ay naalala kong meroon pala akong sugat na natamo ko noing umakyat ako sa gate ng school of elements. Mukhang natutunaw na ang yelo kaya naman napatigil ako

