Chapter 3
Lawrence
Hindi maganda ang pakiramdam ko sa usapan na ito, Sa tingin pa lang ng Head mistress mukang may binabalak na sila.
"Im irritated again"
Matalim na asik ni Shawn bago ako nito nakakamatay na tinignan, Lagi ka namang Naiirita pag nakikita mo ko.
Wala ng bago.
"Parehas kayong pinagmamalaki ng School of Elements, Ang top 1 at top 2 ng buong Elementia"
Pagsisimula ni Headmistress Fauna, Mukang hindi maganda sa pandinig ni Shawn ang Sinabi ng matanda.
Mas lalo kasing nagsalubong ang kilay nito bago kumuyom ang kamao, Looks like someone can't accept his defeat.
Doon palang sa sinabing iyon ni head mistress fauna talo na si Shawn, I am the first and he's the second.
Damn kailan pa ba naging big deal saakin ang ranggo?
"Kailangan ng Buong eskwelahan ang tulong niyo, Hindi pwedeng makialam ang mga Professor sa bagay na ito. Kaya kayong dalawa ang Naisipan namin na sumabak sa misyong Ito"
Isang misyon, Matagal tagal narin simula nang Mag bigay sila ng misyon saamin.
Mukang malaki nga ang kinahaharap na problema ng buong eskwelahan.
"Alam niyo na ang mundo nating ito ay napapalibutan ng barrier upang hindi makapasok ang ibang mga Nilalang maliban sa ating mga wizard.
Ang Elementia na mundo natin ay may Limang Bundok na Pinagkukuhanan ng lakas ng barrier.
Kanina habang nagaganap ang Unang Palaro para sa Unang araw ng pasukan, May nagpasabog sa tore na nasa ikalimang bundok"
Napakunot ang noo ko at hindi ko maiwasang kabahan dahil sa Sinabi ng matandang babae, May nag pasabog sa tore na nasa ikalimang bundok?
Damn sino naman iyon?! Alam ba niya na sa oras na sumabog ang mga tore sa bawat bundok, Hihina ang Barrier at maaring makapasok ang ibang mga nilalang na gustong sakupin ang Elementia?!
"Kataka taka na napagdesisyonan ng council na ipagsawalang bahala ito, Ang mga nandito sa Eskwelahan ay hindi mapakali sa nangyaring insidente"
Dagdag pa ng headmistress bago ito naglakad palapit sa bintana.
Ang mga council na pinamumunuan ng anim na Makakapangyarihang wizard ang nagpapatakbo sa buong Elementia.
Sila ang nagdedesisyon at Gumagawa ng batas para sa lahat ng mamamayan sa mundong ito, tulad ng sa mundo ng mga tao ang elementia ay may mga eskwelahan, pagamutan at iba pang mga establishimento na matatagpuan sa mundo ng mga tao.
Ang pinagkaiba lang ay ang pamumuno, Imbes na Isang leader lang ang namumuno.
Ang mundo namin ay meroong council para mamuno, Sumunod sakanila ay ang Headmistress at ang mga professors at panghuli ang mga Tiga pagbantay na nasa bawat bundok dito sa Elementia.
"Bakit nila ipagsasawalang bahala yon?"
Tanong ni shawn na mukang seryoso sa misyong ito, Mukang pati siya nakakaramdam ng takot tulad ko.
Kailangan kong matanong kila mama kung bakit napag pasyahan nilang ipagsawalang bahala ang nangyari---Kabilang sila sa mga council kaya paniguradong makakakuha ako ng sagot.
"Hindi rin namin alam"
Sagot sakanya ng headmistress bago muling natuon ang tingin nito saaming dalawa ni Shawn, Kasalukuyang malalim ang Iniisip ko ng Biglang Mapahampas sa lamesa ang lalaking galit na galit saakin.
"I will accept that mission...alone"
Sin'g talim ng mga titig niya saakin ang mga salitang lumabas sa bibig niya.
Tsss alone? Baka Hindi na siya makabalik ng buhay dito kung Mag-isa niyang gagawin ang misyon?
Pinag-ekis ko ang mga hita ko at prenteng pinanood si Shawn na nagtatagis ang bagang at kulang nalang ay umusok ang ilong habang nakatitig saakin.
"Kailangan niyong mag tulungan Mr.Harriets, Hindi mo makakaya ng Mag-isa ang misyong ito!"
Sanay na yatang nasisigawan ng headmistress si shawn dahil hindi man lang natakot itong kaharap ko.
"I don't wanna be with him! Alam niyo kung gaano ako kainis sakanya kaya bakit niyo ko Ipapares sa gagong yan?!"
Napairap ako ng mata bago ko tinanguan ang Headmistress.
Wala siyang magagawa kung ayaw ni shawn na makasama ako sa misyon.Ganoon din ako na walang magagawa kung pipilitin
Ng headmistress na magsama kami sa Iisang misyon.
Kaya pipiliin kong tumahimik nalang dito habang pinagmamasdan silang magdebate.
"Hindi kayong dalawa ang pinag uusapan dito Mr.Harriets, Ang kapakanan ng buong Elementia ang Topic natin dito! Ngayon kung mag mamatigas ka at hindi susunod saakin mapipilitan akong gamitin ang Red Card para Matuto ka ng leksyon!"
Mahina akong napatawa ng makagat ni Shawn ang ibabang labi niya bago ito Sunod sunod na napalunok.
Red card lang pala ang katapat niya...Tsk
Sa oras na makatanggap siya ng Red card galing kay head mistress fauna, Paniguradong babalik siya ng Fourth year.
Kawawa naman, nakagraduate na kaming mga kaklase niya habang siya Nag aaral muli para makagraduate.
"But..."
Mahinang Usal ni Shawn bago ako nito matalim na tinignan, Nawala ang ngisi sa muka ko at napasipol ako.
Wala akong kasalanan sa desisyon ni headmistress.
"You. bubugbugin kita hangang sa maging abo ka!"
Singhal nito saakin na ikinakibit balikat ko lamang, I'll wait.
Hihintayin ko ang pambubugbog na sinasabi niya.
"Mr.harriets!"
Asik ni Headmistress fauna kaya naman muling umamo ang muka ni Shawn.
Damn para siyang tigre na naging pusa, Tigre na takot sa Red card.
"When will the mission starts?"
Tanong ko sa headmistress, Ngumiti ito saakin bago inilapag sa harap namin ang Isang mapa.
"Bukas niyo sisimulan ang pag punta sa Ika limang bundok, Ito ang mapa para maiwasan niyo ang mga patibong sa daan"
Akmang kukunin ko na ang mapa ng unahan ako ni shawn na pasimple pang dinunggol ang kamay ko.
"Alam kong makakaasa akong dalawa sainyo"
Tumango ako sa headmistress habang si Shawn naman na wala talagang modo ay Padabog na Naglakad paalis sa opisina.
Ipapaalala ko sa sarili ko na mag baon ng Isang dosenang pasensya at pag unawa.
Damn this mission, Pakiramdam ko napakabigat nito dahil sa Kapartner ko na daig pa ang babae kung umakto.
"Mas inaasahan kita sa sitwasyon na ito Lawrence"
Asik ni Headmistress fauna bago nito kinuha ang kamay ko at inilapag ang Isang kwintas.
Kwintas na sa tingin ko ay Isang Mapa.
"Alam ko na kukunin agad ni shawn ang mapa kaya yoon ang una kong inilapag, Kung sakali man magkaroon ng Emergency itong Kwintas na ito ang gamitin niyo para malaman niyo ang daan"
Mahigpit kong hinawakan ang kwintas na binigay niya bago ako tumango at Inayos ang salamin kong bahagyang Nagalaw.
"We will make sure that the Information that is needed will be collected harmoniously, Hindi kami mananakit ng Wizard kung hindi naman kailangan"
Asik ko sa Headmistress na sinagot lang ako ng ngiti bago tumango saakin, Kinakailangan ko ng umalis dahil mukang wala naman ng sasabihin sakin ang matanda.
Tinago ko sa bulsa ko ang kwintas bago lumabas ng tahimik sa opisina ng matandang babae.
Hindi narin masama para sa unang klase ngayong taon, At least hindi Boring at nakakaantok ang Unang Sumalubong saamin.
Wala ng masyadong mga estudyante sa hallway kaya paniguradong mga nasa classroom na sila, Naglakad narin ako papunta sa Classroom ko.
Nang makapasok ako ay nagsisimula na ang klase at dahil malakas ako sa mga professor na nandito, Hindi ako nito pinagalitan at pinaupo nalang sa bakanteng upuan.
Bakanteng upuan na nasa tabi ni Shawn, Oo kaklase ko ang lalaking ito.
Wala akong pakialam, Ang mahalaga makapag aral ako ng matiwasay.
"Umalis ka sa tabi ko"
Asik ng katabi ko pero imbes na pansinin siya ay tinuon ko nalang ang pansin ko sa professor na nagtuturo sa harapan.
"Bingi ka ba?"
Tanong pa nito, Tsk napaka daldal ng lalaking to, Tinignan ko ito at sinagot ang tanong niya.
"I can hear you but, I don't wanna waste my time on you"
Napakuyom ang kamao ng lalaki, At akmang magsasalita itong muli ng mapahikab ako at nakapangalumbaba na humarap sa professor.
"Damn you! Tutustahin talaga kitang yelo ka"
Lihim akong napangisi sa Sinabing iyon ni shawn, Tutustahin?
Is it a joke? Maybe it is...saan ka nakakita ng yelong natutusta?
Tumuon ang buong klase tungkol sa History ng buong Elementia, kalahati non ay napakinggan ko pero kalahati ay hindi dahil iniisip ko parin kung bakit hindi pinakialamanan ng council ang Problemang ito.
Bakit pinagsasawalang bahala nila ang ganito kalaking problema?
Kilala ko ang mga magulang ko at kahit na magulang ko sila hindi ko gusto ang ugali at pananaw nila sa buhay.
Hindi naman siguro tama ang Iniisip ko na baka may ginagawa nanaman silang hakbang na makakasama sa buong Elementia.
"Para sa mga nanalo kanina sa palaro, Magkakaroon kayo ng dagdag puntos at exempted sa mga susunod na exams. Yoon ang bilin saamin ng headmistress"
Naputol ang iniisip ko ng biglang may sumipa sa bangkuan ko,Walang emosyon kong binalingan ng tingin si shawn.
"Kung natapos ang laban natin kanina paniguradong ako ang panalo"
Puno ng pagmamayabang niyang
Litanya na ikinatango ko lang, Mukang tapos na ang Klase kaya naman tumayo na ako at akmang aalis na ng Marinig kong nagtanong si Shawn.
"Where are you going?"
Tamad ko itong tinignan bago nagsalita.
"Mind your own business"
Kahit na alam kong sasabog nanaman ito sa galit, Hindi ko siya pinansin nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi pa man ako nakakalayo ng marinig ko na ang Nakakabingi niyang sigaw.