Chapter 4
Lawrence
Mahigpit kong hinawakan ang bag na nakasukbit sa likod ko ng maramdaman ang init ng Araw.
This is the day were we need to do our mission, Ang araw na makakasama ko ang pinaka Pesteng nilalang sa buhay ko.
"You're frowning, Why?"
Napabuga ako ng hangin at hindi na nag abala pang sulyapan ang lalaking kasama ko sa paglalakad papunta sa ika limang bundok.
Kanina pa kami nagsimula sa paglalakbay at kanina pa niya ginugulo ang Isip ko. Walang tigil sa pag sabi kung gaano niya ako kagustong pulbusin.
Tumatahimik nalang ako at hindi na nagsasalita dahil wala namang sense ang mga pinagsasabi niya, Talking to him is a waste of time.
"And now you're blushing"
Dagdag pa ng lalaki, Kaya naman naidilat ko na ang mga mata ko at tamad na tamad itong tinignan.
Yes Im blushing, But not because Im happy or Kinikilig. IM FUCKIN BLUSHING BECAUSE OF ANGER!
Naiinis na ako at konting konti nalang ang pasensyang baon baon ko, Akala ko Sapat na ang Tatlong oras na pag papakalma sa sistema ko pero hindi pa pala!
"I really hate your presence"
Tamad na tamad na asik ko sa kasama ko bago ko pinahinga ang parehas na palad sa magkabilang bulsa ng suot kong pantalon.
Kung hindi lang nakiusap saakin ang head mistress, Hindi ko pagtitiisan na makasama ang unggoy na ito sa ganitong klase ng mission.
Parang hindi ito seryoso at hindi ito kinakabahan sa pwedeng mangyari pag nakarating na kami sa tore, But Im not really nervous, As a matter of fact. I can't feel any emotions aside from irritation and anger.
Hindi ako natatakot sa mga nilalang na makakaharap namin, Hindi ako natatakot sa mga patibong o ano man na Magiging dahilan para pumalpak ang misyon.
"Then leave"
Kunot noo niyang sagot saakin bago ito humarang sa daraanan ko, Napatigil ako sa paglalakad at inis siyang tinitigan.
Ano nanaman bang gagawin ng unggoy na ito? He's interrupting our mission.
Kailangan nanamin makapunta sa tore ng mabilis!
"Get out of my way"
Madiin at nagtatagis ang bagang kong saad na ikina ngisi lang nito.
Hindi na ako nagulat pa ng palagutukin nito ang mga daliri bago pinagliyab ang kamao na tila ba tinatakot ako.
"Really? You do remember that we're in a serious problem, We need to Accomplish our mission Mr.Harriets"
Walang kabuhay buhay kong litanya kay shawn at akmang magpapatuloy na sa paglalakad ng bigla nitong patamaan ng bolang apoy ang daang lalakaran ko.
I felt something in my chest...Am I scared or Just shock? Basta napatigil ako at Nakakunot ang noong tumingin sa Daan na dapat ay pupuntahan ko.
Meroon ng apoy na nagkalat ngayon doon kaya naman dahan dahan kong tinignan si Shawn, There's no Emotions visible on his villainous yet perfect like face.
Muka itong Isang Kawal na nakakita ng Kaaway na pumasok sa teritoryo niya, Seryoso ba siya na gagawin niya ito?
I gritted my teeth before moving my hands to stop the fire from spreading, Hindi talaga nag iisip ang nilalang na ito.
Nasa gitna kami ng gubat at sa Oras na magpakawala pa siya ng apoy. Paniguradong madadamay ang mga kawawang Nilalang na nakatira dito.
Nakita ko ang pag labas ng usok sa bibig ko sanhi ng pag gamit ko sa mahikang taglay ko, Malamig ang Buong katawan ko yoon ang sabi ng iba pero hindi ko iyon maramdaman.
Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang Pamamanhid at sakit sa tuwing masosobrahan ako sa pag gamit nito. Iyon ang nagpapaaala na may limitasyon din ang bawat mahika na nakapaloob sa katawan namin'g mga wizards.
"Hindi ka ba talaga nag iisip Mr.Harriets?"
Pilit kong tinatago ang inis sa tono ng pananalita ko, Ayokong makita niya na tumatalab ang pang iinis na ginagawa niya saakin.
Pag pinakita ko yoon paniguradong sasaya pa ang unggoy na ito.
"Im thinking, Nag iisip ako kaya naisip ko na ito ang tamang panahon at lugar para tapusin ka"
Napakuyom ang kamao ko at mabilis akong umalis sa pwesto ko ng bigla nitong paapoyin ang kamao at nag bato ng sunod sunod na Pag atake saakin, Nasunog ang pwesto kung saan ako nakatayo kaya naman agad ko iyong pinatigil gamit ang yelo.
" You're not thinking right shawn!"
Sigaw ko sakanya ng muli itong magbato ng apoy---Umiwas ako dahilan para yung puno na nasa likod ko ang tamaan.
Ayokong may mangyaring masama sa paligid ko kaya naman agad ko muli iyong pinatigil gamit ang yelo, Ng matapos ako ay Hinarap ko si shawn at ginamit ko ang kapangyarihan ko upang gawing yelo ang tinatapakan niyang lupa.
Akmang ikukumpas ko na ang kaliwang kamay ko para ikulong siya sa yelo ng makita ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya.
Fuck! Kumagat ako sa pain niya!
Hininto ko ang gagawin ko na sana atsaka ako huminga ng malalim.
Im not going to fight, I need to Continue this mission.
Pikit ang mga mata kong pinalis ang kokonting apoy na nasa braso ko bago ako dumilat at nagpatuloy sa paglalakad.
You need to calm down Lawrence, Wag mo ng patulan si Shawn.
"Not so fast Ice s**t"
Rinig kong sigaw niya saakin bago ako napadapa dahil sa pagtama ng mainit na bagay sa likuran ko.
Sinalubong ng matigas na lupa ang muka at buong katawan ko bago ko naramdaman ang hapdi sa aking bandang likoran.
Fu-ck ang sabi ko ayoko na!
Hindi ako lalaban pero ubos na ang pasensya ko sa unggoy na ito!
Mabilis akong tumayo mula sa kinadadapaan ko at walang pasubali o pagdadalawang isip akong nagpakawala ng mga matutulis na piraso ng yelo, Madali niya iyong naiwasan habang nagliliyab ang mga kamao niya kaya naman bumwelo ako at malakas kong sinuntok ang lupa dahilan para yumanig ito at mabalot ito ng matutulis na piraso ng yelo.
Once he landed on this sharp Ice figures he'll definitely die!
Mamatay siya sa oras na bumaon sa katawan niya ang mga yelo, Kita kong nawala ang ngisi sa muka ni shawn at napamura siya ng makita ang ginawa ko, Akmang tatapak na siya sa matulis na yelong ginawa ko ng bigla nalang itong binalot ng apoy.
Napakalakas na apoy na nakapag paatras saakin at nagbigay ng init sa buong kapaligiran, Napakainit!
Para hindi ako tangayin ng malakas na pwersang nanggagaling kay Shawn---gumawa ako ng yelo na nakatanim sa lupa, pinakapit ko iyon sa mga paa ko at akmang gagawa na ako ng pader na magkukulong kay Shawn ng bigla itong mapunta sa harapan ko.
"Harriets!"
Malakas kong sigaw sa pangalan niya ng mabalot ng Napakainit na apoy ang paligid namin.
I can't use my magic, Hindi ko magawang Mag palabas ng yelo at nanghihina ako dahil sa sobrang init.
Gu-Gusto talaga akong patayin ng lalaking ito dahil kahit ang paligid ay dinadamay na niya!
Buong tapang kong Sinalubong ang nag aalab niyang mga titig at akmang ididikit na niya ang nagliliyab niyang kamao sa pisngi ko ng mapatigil siya.
Bakit siya tumigil?
Kita ko ang pagkunot ng noo ng kaharap ko at ang pagtatak ng Simpatya sa buong muka niya.
Hindi...Ayokong nakakakita ng ganiyang klase ng emosyon!
Hindi dapat siya naawa saakin!
"Damn you!"
Isang malakas na sigaw ang kumawala sa bibig ko at kasabay niyon ay ang pag labas ng napakatinding enerhiya galing sa katawan ko.
Kulay asul iyon at nagawa niyong gawing yelo ang lahat ng bagay na nasa paligid ko, Nawala ang apoy at lumamig ang paligid.
Nawala din ang apoy na bumabalot kay shawn---Pati narin ang mga nag aalab niyang tingin.
Kitang kita ko sa mga mata niya ang itsura ko...
Kulay asul na mga mata at nagyeyelong pisngi, Umuusok ang bibig ko dahil sa yelo at miski ang buhok ko ay tila ba nag yeyelo narin.
Sumobra ang pagkaka gamit ko sa kapangyarihan ko dahil miski si shawn ay nababalot na ng hindi kakapalan na yelo.
Hinihingal akong napaluhod sa harapan niya, Nawala ako sa sarili...
Nagpakawala ako ng ganoong klase ng enerhiya, Hindi tama yon!
Nanghihina akong nag angat ng tingin at napapikit ng sunod-sunod na bumagsak saamin ang mga snowflakes na gawa ng kapangyarihan ko.
I've been trying to hold my emotions, I shouldn't lose my control...but I already did.
Sa isang iglap lang at dahil sa Isang nilalang na hindi marunong mag Isip ng tama.
Naikuyom ko ng mahigpit ang mga kamao ko ng marinig ko ang malakas at Malalim na pag tawa ni Shawn.
Ang bwisit na ito, Akala ba niya na pwedeng laging ganito ang gagawin niya?!
Mas lalo pang bumigat ang aking pakiramdam ng makita ang nangyari sa paligid namin.
Everything is a mess...wala na ang kulay berde at payapang kapaligiran.
Hindi tama na pinagsama kami ng headmistress sa Iisang misyon.
"Masaya ba?"
Rinig kong tanong ni shawn pero Imbes na pansinin siya ay walang salita akong tumayo at patuloy na naglakad papunta sa destinasyon namin.
"I would love to alway see that part of you, Levriz"
Dagdag pa niyang saad at mukang nakasunod lang saakin ito, Hindi ko na siya papansinin dahil simula pa lang dapat yon na ang ginawa ko.
Pero ng maramdaman ko ang pag akbay niya saakin, Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"Your Anger makes every piece of me very exhilarating..."
Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang labi ko ng ibulong niya saakin iyon.
What the hell is he doing?!