KABANATA 17: Boni

1283 Words
Dahil nagalit sa kaniya si Zygfryd ay naisipan niyang manatili nalang sa hotel. Ayaw niya naman kasing mas painitin pa ang ulo nito. Lalo pa at parang may kasalanan siya dito. Nang makaramdam siya ng gutom ay napilitan siyang lumabas sandali para humanap ng makakain. Hindi na siya lumayo sa hotel na tinutuluyan nila pansamantala. Doon sa maliit na grocery store sa tapat niyon na siya bumili ng makakain. Habang nagbabayad sa cashier ng binili niyang cup noodles ay may kumalabit sa kaniya. "Adity, ikaw ba talaga 'yan?" Kung gaano na sorpresa sa kaniya si Boni ay ganoon din siya dito. Si Boni ay ex-boyfriend niya. Ito ang huling naging boyfriend niya bago siya pumasok sa kombento. Ang tagal narin nang huli nilang pagkikita. Hindi masyadong naging maganda ang paghihiwalay nila noon pero mukhang ayos naman na ito ngayon. Nakakangiti na kasi ito sa kaniya. Hindi tulad noon na halos hindi siya nito kausapin nang sabihin niya na gusto niyang mag madre. "Oh my God. You look great! So ano, tatawagin na ba kitang sister Adity ngayon huh?" "Sa totoo lang hindi pa ako ganap madre. Medyo napaaga lang ng konti ang pagkikita natin." Nakangiti niyang sagot dito. "Ohhhhh... I'm excited to call you sister Adity pa naman. Anyway, nagkita na ba kayo ng tito mo? Recently kasi ay hinahanap ka niya. Narinig kong nagbayad daw siya ng mga tao para hanapin ka. Nag-aalala daw kasi siya sa'yo, lalo na sa lalaking kasama mo." Maliit lang ang bayan nila kaya hindi na siya nagtataka kung bakit marami itong alam sa paligid nito. Noon pa naman ay ganoon na sa lugar nila. Bawat umpukan sa kanto ay punong-puno ng mga kwento. "Si uncle?" Hindi niya nga pala ito natawagan katulad ng pinangako niya kaya malamang ay mag-alala ito sa kaniya. Lalo pa at hindi niya naipakilala ng maayos dito ang binatang kasama niya ng magkita sila. Talagang mahal na mahal siya dito. "Ito ba si Adity? Aba, halika ka nga dito." Kahit unang beses palang niyang makita ang tito Franco niya ay hindi siya nakaramdam ng kahit kaunting pagkailang dito. Kamukhang-kamuha naman kasi ito ng kaniyang ama. Ang pinagkaiba lang nito sa kaniyang daddy ay ang mabango at kakaibang amoy nito. Para sa kaniya ay napakasarap nitong yakapin. "Nasaan na si Frank?" Pagkatapos siya nitong yakapin ng mahigpit ay tsaka nito hinarap ang mommy niya na hila naman ang ate Aryanna niya. "Bukas na daw siya ba-biyahe. May tatapusin pa raw kasi siyang importante e." Nang marinig iyon ay nakangiti siyang binuhat ng tito Franco niya. "Kung ganoon, ako nalang pala muna ang magiging daddy ng cute na batang ito." Pinisil pa nito ang ilong niya. "Franco." Sinamaan naman ito ng tingin ng mama niya kaya natatawang sumagot ang tito Franco niya. "Ito naman, napakasungit. Haha. Tara na nga sa loob at ipaghahanda ko kayo ng mainit na tsokolate." Buhat siya nitong ipinasok sa malaking bahay nito. Simula noon ay palagi niya ng tinatanong kung kailan nila ulit bibisitahin ang tito Franco niya. Natutuwa kasi siyang makalaro ito. Hindi katulad ng daddy niya na palaging seryoso sa trabaho. "Don't tell me, hindi pa kayo nagkikita? Gusto mo bang samahan kita sa kaniya. Alam mo ba ang tinutuluyan niya?" "Hindi ko pa siya nabibisita. Pero tatawagan ko na lang siya para sabihin na ayos lang ako. Anyway, salamat sa pagpapaalala." "Sandali, nagmamadali ka ba? Gusto ko pa sana kasing makipagkwentuhan sa'yo e. Pwede ka ba? May malapit na coffee shop diyan. I'll treat you." "Alam mo kasi, baka hanapin ako ng kaibigan ko e. Hindi kasi ako nakapag-paalam sa kaniya e." "Oh come on. Ngayon nga lang tayo nagkita e, tatanggihan mo pa ako." Malungkot nitong saad. Sa kakapilit ni Boni ay napilitan nalang sjyang pagbigyan ito. Tutal naman ay sa malapit lang sila magkakape. Isa pa ay nabo-bored siyang mag-isa sa hotel kaya gusto niya rin ng makakausap. ---×××--- Hindi alam ni Zygfryd kung ano talaga ang ikinaiinis niya. Ang nararamdaman niyang pagmamatigas ni Adity tungkol sa mga desisyon niya o ang nangyari kagabi. Basta ang alam niya ay pinapasakit noong pareho ang ulo niya. Ayaw niyang makipagtalo nang makipagtalo kay Adity kaya naisipan niyang lumabas nalang muna. Nakipagkita siya kay Hanzo para maumbagan ito sa ginawa nitong pangti-trip sa kaniya. Hindi naman siya nag-aalala sa kalagayan ni Adity dahil may ilang hidden camera siyang inilagay sa loob ng unit nila at isang motion sensor na naka-konekta sa cellphone niya na tutunog kung sakaling lumabas ang dalaga. Dahil hindi siya pwedeng lumayo sa hotel ay doon lang sa malapit niya pinapunta ang kaibigan. "Tarantado ka talaga! Ano bang iniisip mo at nag-ipit ka ng s*x pills sa bag na ibinigay mo sa akin ah?" Asik niya kay Hanzo pagkasalubong na pagkasalubong niya dito. Napakamot lang ito ng ulo. "So, nasa iyo pala iyon? Kahapon ko pa hinahanap iyon eh. Akala ko ay nawala ko na. Where is it?" "Nasa bowl, dukutin mo kung gusto mo." Naupo siya sa makulay na bench na naka-pwesto sa labas ng isang coffee shop. Pagkatapos isandal ang likod sa matigas na kahoy na upuan ay minasahe niya ang sentido. Pakiramdam niya ay magkakasakit siya. Dahil siguro iyon sa pagbababad niya sa may yelong tubig. Kahit ginaw na ginaw siya kagabi ay talagang inilublob niya ang katawan sa bathtub na nilagyan niya ng yelo upang matanggal ang init ng katawan niya. Hindi niya naman alam na makakatulog siya doon. Nagising lang siya ng marinig ang sigaw ni Adity, kaninang umaga. "What? Tinapon mo lang? Alam mo ba kung gaano iyon kamahal ah?" "Alam mo rin ba kung ano ang tiniis ko dahil sa demonyong droga mo ha? Gusto mo bang ako na ang dumukot niyon sa inidoro at nang mapainom ko sa'yo." "Ito naman... Galit na galit, gustong manakit? Ano bang nangyari? Bakit tinapon mo iyon? Pwede mo naman sanang isauli nalang sa akin e." "Adity drink it. f**k! Demonyo ka kasi." Halos lumuwa naman ang mata ni Hanzo dahil sa narinig. Naupo ito sa tabi niya. Halatang excited na marinig ang kwento niya. "Talaga? So may nangyari na sa inyo? Dapat pala e nagpapasalamat ka sa akin ngayon." "Gago walang nangyari! I am not like you na may babae lang na nagpakita ng konting interes sa'yo e titirahin mo kaagad." "Ow. So you manage to control yourself huh? Hindi ka man lang ba tinigasan?" Dinagukan niya ito. "Ano ba ang gusto mong gawin ko ha? Patulan ko si Adity?" He really wanted to do that pero... Kapag ginawa niya iyon ng wala sa katinuan ang dalaga ay para narin niyang ginahasa ito. He is not a rapist. May respeto naman siya sa mga babae kahit papaano. Gusto niyang may mangyari sa kanila ng dalaga pero gusto niya rin na aware ito sa ginagawa nito. Gusto niyang gawin ng dalaha ng bukal sa loob nito. In that way ay mas magiging memorable iyon. Mas masarap balikan at paulit-ulit na alalahanin. Gusto niyang batukan ang sarili niya. Masyado siyang attracted sa dalaga na kahit iniisip niya lang ang itsura nito habang nakatitig ito sa kaniya na punong-puno ng pagnanasa ay tinitigasan na siya. Ramdam niyang sumisikip na naman ang pantalon niya. Nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya ay bigla siyang napatigil sa pag-iisip. Agad niya iyong kinuha sa bulsa niya. Nang makita niya ang pulang warning sign na naka-flash sa screen niyon ay bigla siyang napatayo. Lumabas si Adity kaya kailangan niya itong puntahan bago pa ito makalayo. "Oh aalis ka na? Hindi mo muna ba ako ile-libre ng kape?" Hindi na niya ito pinansin. Tuloy-tuloy na siyang lumakad palayo dito. Damn! Saan na naman ba pupunta ang babaeng iyon? Sinabi ng huwag lalabas e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD