Napakasarap ng tulog ni Adity. Ang ganda ng panaginip niya. Para daw siyang baliw na inaakit si Zygfryd. Hindi niya napigilang mapangiti ng maisip iyon. Kahit kailan ay hindi niya iyon gagawin. Babangon na sana siya ng may malakas na pwersang pumigil sa kaniya. Doon niya lang namalayan na nakaposas pala ang mga kamay niya.
Sino ang may gawa nito sa akin? S-si Zygfryd ba? M-may ginawa ba siya sa akin? Mahabaging langit. Ano ba ang nangyari?
Nang mapagawi ang tingin niya sa katawan niya ay halos manlaki ang mga mata niya sa tumambad sa kaniyang mga mata. Wala siyang suot na damit. Nakalabas mula sa kumot ang isang dibdib niya. Hindi niya naman iyon magawang tabunan dahil nakaposas ang mga kamay niya.
Dahil sa nakita ay hindi niya napagilang mapasigaw. Maya maya lang ay tarantang lumabas ng banyo si Zygfryd. Basang-basa ang katawan nito. Ang malala pa ay nakasuot lang ito ng boxers shorts. May pag-aalala itong lumapit sa kaniya.
"What happened?"
"Bakit ako nakaposas?" Tinapunan niya ito ng nagdududang tingin.
"Wala ka bang naaalala?" Lumakad ito palapit sa lamesang nasa uluhan ng kama at kinuha nito ang nakapatong na susi roon.
Nang hawakan nito ang braso niya ay nararamdaman niya ang napakalamig nitong kamay. Hindi lang ang kamay nito. Maging ang buong katawan nito ay may sumisingaw na kakaibang lamig. Parang naligo ito ng yelo. Matapos nitong matanggal ang pagkakaposas ng isang kamay niya ay dali-dali niyang hinila ang kumot na nakabalot sa katawan niya para itaas iyon at itago ang lumantad niyang dibdib. Nahihiya man siya na makita siya ng binata sa ganoong sitwasyon ay wala siyang choice kung hindi ang tanggapin ang tulong nito dahil hindi naman niya mapapakawalan ng mag-isa ang sarili niya.
Nang tuluyan na siyang mapakawalan ni Zygfryd ay tumalikod narin ito kaagad. Tinahak nito ang pintuan at tuloy tuloy na lumabas ng unit. Baliw ba siya? Bakit lumabas siya ng ganoon ang itsura?
Nang maisara na ni Zygfryd ang pinto ay binalik niya ang atensiyon sa sariling katawan. Wala nga siyang anomang saplot pero wala naman siyang nararamdamang kakaiba. Walang masakit sa kaniya. Ano ba ang nangyari?
Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya para balikan ang mga nangyari kagabi. Ang natatandaan niya ay nagising siya dahil sa isang masamang panaginip. Pagkatapos noon ay uminom siya ng sleeping pills para...
Napatakip siya ng bibig ng manariwa sa kaniya ang lahat ng kabaliwang ginawa niya kagabi. Hindi iyon panaginip. Diyos ko, ano po itong nagawa ko?
Umiling-iling siya pagkatapos ay naiinis niyang ginulo ang buhok niya. Pakiramdam niya ay ang dumi na tuloy ng katawan niya. Bitbit ang kumot na pinambalot niya sa katawan ay tinakbo niya ang banyo. Kailangan niyang maligo ora-mismo. Pagdating doon ay tumambad sa kaniya ang napakalamig na tubig na nasa bathtub. Bigla niyang naalala si Zygfryd. Naligo ba ito gamit ang tubig na iyon? Halos hindi niya nga iyon mahawakan sa sobrang lamig. Saglit niya palang na isinawsaw ang daliri niya roon pero nagtayuan na ang mga balahibo niya sa katawan, ano pa kaya ang binata na mukhang nagbabad doon.
Dahil ba iyon sa kaniya? Naramdaman niya ang pag blush ng pisngi niya ng maalala ang ilang beses niyang pagtatangkang dakmain ang alaga ng binata. Bakit niya ba naaalala iyon? Kahit iyong pakiramdam nang paglalapat ng mga katawan nila ay malinaw sa kaniyang memorya. Naapektuhan ito sa ginagawa niya pero nagawa siya nitong iwasan.
Nakakahanga iyon.
Pero siya naman ay nakakahiya. Ano ba kasing mayroon sa sleeping pills na iyon? Hindi naman siya pinatulog ng bagay na iyon e. Binaliw siya niyon.
---×××---
Katahimikan. Iyon ang namagitan sa kanila ni Zygfryd habang sabay na nanananghalian. Wala siyang mukhang maiharap dito kaya hindi niya magawang makapagbukas ng kahit na anong klase ng usapan. Sa tuwing tinititigan niya kasi ito ay palagi nalang sumusulpot sa isipan niya ang mga nangyari sa kanila kagabi. Hindi niya talaga ito kayang harapin. Ayaw niya kasing pag-usapan ang ginawa niya. Ayaw niyang mas lalo pang mapahiya. Nagpapasalamat nalang siya at hindi rin naman nito binanggit ang tungkol doon.
"May kilala ka bang Edgar Manobos?" tanong ni Zygfryd. Napatitig ito sa kaniya. Agad siyang nag-iwas ng tingin dahil hindi niya talaga kayang salubungin ang mga titig nito.
"Wala. Bakit?"
"Pwede bang tumingin ka sa akin kapag kinakausap kita?"
Mukhang napansin na ng binata ang ginagawa niyang pag-iwas dito. Ayaw niya sanang ipahalata na nahihiya siya dito pero nahihirapan talaga kasi siyang maging komportable sa presensiya nito lalo pa at malinaw sa kaniya ang mga pinagagawa niya.
"Sorry." Iyon nalang ang nabanggit niya.
"You sure, wala kang kilalang Edgar Manobos? Subukan mong alalahanin. Baka na meet mo na siya somewhere?"
Napakunot ang noo niya. Sino ba ang lalaking iyon? Wala talaga siyang natatandaan e.
"Hindi ko talaga siya kilala. Sino ba iyon? May kinalaman ba ang taong iyon sa nangyari sa pamilya ko?"
"Sort off. Huwag mo nalang iyong masyadong isipin. Ako nalang ang bahala na alamin kung sino ang lalaking iyon."
"Teka pwede ba akong lumabas? Gusto ko sana kasing magtungo sa simbahan."
"Alright. Let's go." Agad nitong ibinaba ang hawak na laptop at tumayo.
Hindi niya pa nga sinasabi na gusto niya itong isama pero mukhang ganoon kaagad ang iniisip ng binata. Hindi niya naman ito kailangan dahil sa simbahan lang siya pupunta at ayaw niya rin itong isama dahil siguradong hindi siya makakapag concentrate sa gagawin niyang pagkukumpisal.
"NO! A-ako nalang ang mag-isang lalabas. K-kaya ko na ang sarili ko. Sa simbahan lang naman ako pupunta e," nauutal niyang sagot dito.
"Hindi kita pwedeng hayaan na mag-isang gumala, lalo na at hindi pa natin kilala kung sino ang gustong manakit sa'yo. So it's a no! You'll have to deal with me. Kung gusto mo talagang magsimba, I'll be on your side. Hindi iyon pakiusap Adity. Isa iyong utos, to make it clear."
"Pero..."
"Ano makikipagtalo ka na naman ba? Tell me, ano ba talaga ang gusto mo ha? I'm taking the risk para lang masiguro na ligtas ka tapos simpleng kahilingan ko lang ay hindi mo magawa? Damn... Ano ba ang gusto mong mangyari ha? Do you really want me to continue or you think you can handle everything? Like what you were saying." Pagtataas nito ng boses.
Ngayon niya lang nakita na dumilim ang mukha nito kaya para siyang bigla nalang natahimik. Galit ba ito sa kaniya? Gusto lang naman sana niyang mapag-isa. Alam niya naman na nag-aalala lang ito sa kaniya pero bakit naman kailangan pa siya nitong pagtaasan ng boses.
"I'm sorry. Hindi naman iyon ang gusto kong sabihin e."
"But your always doing it. Your giving me a headache. f**k!" Medyo nagulat pa siya ng bigla nalang itong nag walk out. Tuloy-tuloy itong lumabas ng unit nila at pabalibag pa nitong isinara ang pinto na bahagyang nakapagpapitlag sa kaniya.
Talagang nagalit yata ito dahil sa mga sinabi niya. Gusto lang naman niyang magkumpisal.