"Gusto mo bang makipaglaro Zygfryd?"
Parang musika sa kaniyang pandinig ang mapang-akit na pananalita ni Adity. Talagang hindi na siya mapakali sa pagkakadikit dito pero kailangan niyang tatagan ang loob niya. Ilang ulit na siyang napamura sa isip niya. Halos tinawag na niya ang lahat ng santong kilala niya para lang humingi ng tulong at mapatigil na ang dalaga sa kapusukan nito pero habang tumatagal ay mas lalo lang itong nawawala sa katinuan. Mas lalo lang itong nagiging wild kaya sobra sobrang sakit sa puson na ang nararamdaman niya.
"May kinain ka ba ng wala ako? May ininom ka ba?" Hindi niya parin binibitiwan ang kamay ng dalaga. Sa tuwing gagawin niya kasi iyon ay kung saan saan iyon napapadpad.
"Uhmmm... Yes. Iyong dinner na binili mo. Atsaka... Iyong sleeping pills sa bag mo." Nguso nito sa bag niya na nasa ibabaw ng sofa.
Iyon ang bag na kinuha niya kay Hanzo na pinaglalagyan ng mga gamit na ni-request niya rito. Wala siyang natatandaan na humingi siya ng sleeping pills dito. Binitawan niya na si Adity. Nagmamadali niyang kinuha ang bag ay tinaktak ang lahat ng laman niyon sa sofa. Habang hinahanap niya ang sinabing sleeping pills ni Adity ay tumakbo naman ito palapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran.
"Mas mahalaga pa ba 'yan kesa sa akin. Tara na Zygfryd. Maglaro na tayo."
Napapailing lang siya sa naririnig niya. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa niya at hinayaan niya lang si Adity na nakayap sa kaniya. Nang makita ang bote ng sleeping pills na sinasabi nito ay titinitigan niya iyong mabuti. Yeah, sleeping pills nga ang pangalan na nakasulat sa katawan ng bote pero ng makita niya ang tableta ay agad niyang nakuha kung anong klase ng gamot iyon. Minsan na siyang binigyan ng ganoong gamot ni Hanzo. Iyong gamot na pinainom niya sa babaeng naka-s*x niya at nagpa-wild dito ng sobra. Ngayon ay alam na niya ang pinanggagalingan ng nangyayari kay Adity.
Ano ba ang iniisip ng gagong iyon at nilagyan nito ng drugs ang bag na pinaglagyan nito ng mga binili niyang gamit. That f*****g asshole!! Mapapatay ko ang tarantadong iyon!
Napatigil siya sa pag-iisip ng umikot si Adity at pumwesto sa harapan niya. Para na itong bata na nagmamakaawa na pansinin niya. Kahit nagulat siya sa paglapit ng mukha nito sa kaniya ay mabilis niyang naiwasan ang gagawin sana nitong paghalik sa kaniya. Pagod na siya sa pag-ilag at pag-iwas sa mga ginagawa nito kaya kailangan na niyang gumawa ng paraan para mapatigil ito. Or else, baka siya na ang hindi makapagpigil dito.
Hinawakan niya si Adity sa braso at hinila palapit sa kama. Balak niya sanang patulugin na ito pero pagdating doon ay bigla naman siya nitong itinulak kaya pareho silang napahiga sa kama. This girl is really messing my brain. Hindi niya ba alam na hirap na hirap ako sa pagpipigil ngayon.
"This is not you." Alam niya iyon pero tila ayaw ng magpakontrol ng katawan niya.
Dinaganan siya ni Adity. And then she gave him a seductive look. Pakiramdam niya ay busog na busog na siya sa kakalunok sa laway niya. Napakahirap ng pinagdadaanan niya ngayon. Imagine, may ganitong ka sexy at ka hot na babaeng nasa ibabaw niya. Impotent lang ang hindi tatablan dito. Sa madaling sabi, kanina pa siya tigas na tigas dito.
"Adity stop this ok. Damn. Your making me go crazy." reklamo na niya.
Ngumisi lang ang dalaga.
Half of his brain is telling him to stop her from what she's doing. Pero ang kalahati naman ay nagsasabing hayaan niya lang ito. He really wanted more of her.
"Come on Zygfryd. Paisa lang. Pagbigyan mo na ako. Hmmmm..."
Tuluyan na siyang nawala sa sarili at hinalikan ang dalaga. He kissed her intensely. Hinawakan niya ito sa ulo at halos ingudngod niya ang mukha nito sa kaniya. Katulad ng inaasahan niya ay napakalambot nga ng labi nito. Lasa iyong cherry. Imbes na kumalma ay lalo pa siyang binabaliw ng ginawa niyang iyon. Lalo pa ng maramdaman niya ang pagtugon ni Adity sa halik niya. Handang-handa talaga itong makipagsagupaan sa kaniya.
Nang maghiwalay ang mga labi nila ay napayuko siya. "I'm sorry." Itinulak na niya ang dalaga. Mula sa ilalim nito ay pwersahan niya itong ni-pwesto sa ilalim niya.
"Oh, you want to drive. Come on, do it. Ipakita mo kung gaano ka kagaling."
Napailing nalang siya. Wala talaga sa sariling katinuan ang dalaga. Sigurado siyang bukas ay pagsisisihan nito ang pinaggagawa at pinagsasabi nito ngayon.
"Stay here ok. Wait for me." Umalis na siya sa ibabaw nito.
Tinakbo niya ang sofa at kinuha ang dalawang posas na galing sa bag. Iyon lang ang naisip niyang magagamit niya sa dalaga para mapatigil ito. She left him no choice. Dahil kung hindi niya gagawin iyon ay baka siya na mismo ang maghubad sa natitirang saplot nito. Konting-konti nalang ang pisi niya. Alam niyang malapit ng sumabog ang bombang nasa loob niya na kanina niya pa nilalabanan.
Pagbalik niya sa kama ay nalaglag ang panga niya ng makita ang itsura ng dalaga. Wala na itong suot na kahit ano. Iyong kakarampot na telang nakatabon sa katawan nito kanina ay naroon na ngayon sa sahig. Sa sandaling pagtalikod niya ay nagawa nitong tanggalin ang natitirang suot nito sa katawan. Hindi tuloy siya makapaniwala sa nakikita niya.
"Ang tagal mo naman," anito.
Hindi na talaga niya iyon kinakaya. Isang diyosa ang nasa harap niya. Gusto na niyang sambahin ito. Gusto niyang ipatikim dito ang langit na hinahangad nitong mapuntahan. He wanted to praise every inch of her body. He wanted to lick every part of her. Damn it!
Makailang ulit siyang bumuntong hininga bago lumapit dito. Nang makatapat siya sa inuupuan nito ay agad niyang dinampot ang isang kamay nito at nilagyan ng posas. Ang kapartner ng posas ay ni-lock niya naman sa head board ng kama. Pagkatapos ay kinuha niya ang kumot na nasa lapag. Ibinalot niya iyon sa katawan ng dalaga.
Agad itong napasimangot. Susubukan sana nitong tanggalin ang kumot na nilagay niya gamit ang isa pa nitong kamay pero pinigil niya ito. Mabilis niya itong kinubabawan at kinuha ang kamay nito na malaya pang nakakagalaw. Katulad ng ginawa niya sa isa ay pinosasan niya rin iyon. That way ay hindi na ito makagagawa pa ng anumang ikakapahamak nito.
"I'm sorry. This is the only way to keep you safe from me."