Kabanata 14: Sleeping Pills

1085 Words
Nang maramdaman ni Adity na may sumasakal sa kaniya ay biglang napadilat ang kaniyang mga mata. Gulat na gulat siya nang makitang may nakadagan sa kaniya. Sinubukan niya itong itulak pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa leeg niya. Galit na galit ito. Nahihirapan na siyang huminga. Halos lumabas na ang ugat niya sa leeg dahil sa kakahabol sa hininga. "Zygfryd..." Naiusal nalang niya. Sa sulok ng kaniyang mga mata ay may luhang bigla nalang kumawala. Masyadong tahimik ang paligid at alam niya na walang darating para tulungan siya. Kahit ang lalaking inaasahan niya. Hindi ito darating dahil hindi naman ito isang superhero na palaging nariyan para iligtas siya. Mamamatay na ba siya? Bakit palagi nalang siyang nasa ganoong klase ng sitwasyon? Napabalikwas siya ng bangon. Tagatak ang pawis niya. Napakalakas rin ng kalabog ng dibdib niya. Taranta siyang nagpalinga-linga sa paligid. Kinakabahan niyang kinapa ang switch ng lampshade na nasa uluhan niya. Nang bumaha ang liwanag sa paligid ay muli niyang sinuyod ng tingin ang lugar. Mag-isa parin siya. Hindi pa dumarating ang binatang kanina niya pa iniintay. Tumingin siya sa orasan. Kalahating oras palang ang nakalilipas simula ng makatulog siya. Napakasama ng naging panaginip niya. Dahil iyon sa kaiisip niya sa taong gustong pumatay sa kaniya. Ayaw niya sana itong masyadong isipin pero hindi sang-ayon dito ang utak niya. Talagang paulit-ulit nitong isinasaksak sa kaniya ang tungkol sa taong iyon. Gusto niya lang sana ng isang mahimbing na tulog para kahit papaano ay may lakas siya kinabukasan pero mukhang hindi niya iyon magagawa dahil sa mga nangyari kanina. Walang gana siyang tumayo. Naisip niya na baka may sleeping pills sa lagayan ng mga gamot. Gusto niyang uminom noon kahit isa lang para naman makapagpahinga na ang utak niya. Inisa-isa niya ang mga kabinet. Nakaramdam siya ng panghihina nang walang makitang kahit na ano roon. Nang mapatingin siya sa bag na inihagis kanina ni Zygfryd sa sofa at nilapitan niya iyon. Naupo siya sa sofa at nilagay sa lap niya ang bag. Maingat niyang binuksan iyon. Hindi na siya nagulat ng makitang may laman iyong baril. Isa-isa niyang nilabas ang laman ng bag. Napakaraming abubot doon na hindi niya alam kung para saan. Hindi naman iyon ang pakay niya kaya ipinagpatuloy niya ang paglalabas ng mga laman ng bag. Nang may nakita siyang plastik na bote ng gamot ay sumilay ang ngiti sa labi niya. Agad niyang binasa ang nakasulat sa itiketa ng bote. Kung sinu-swerte nga naman siya. May sleeping pills na dala si Zygfryd. Siguro ay nahihirapan din itong matulog? Dali-dali siyang kumuha ng isang tableta at ibinalik ang lahat ng inilabas niyang laman ng bag. Tapos tumungo siya mesa na nasa harap ng TV at kinuha niya roon ang isang bottled mineral water. Pagkatapos uminom ay bumalik siya sa kama at humiga. Inintay niyang umepekto ang gamot na ininom niya. Pero imbes na antukin siya ay iba ang nararamdaman niya sa katawan niya. Para siyang nag-iinit. Sa hindi niya mawaring dahilan ay parang may kumukulo sa loob niya. Aircon naman ang kwarto kaya nagtataka siya at bigla nalang siyang pinagpapawisan. Dahil doon ay muli siyang tumayo para palakasan ang aircon. Pagbalik niya sa kama ay hindi muna siya humiga at patuloy na pinakiramdaman ang sarili niya. Sinalat niya pa ang sariling ulo para alamin kung may lagnat siya. Hindi naman siya mainit. Pero ang pakiramdam niya ay sinisilaban siya. Bukod doon ay kakaiba ring hinahanap ang katawan niya. Ano ba ang nangyayari? Sleeping pills lang naman ang ininom ko ah. Paulit-ulit siyang nagpaypay. Nang hindi makuntento ay naghubad na siya ng suot na tshirt. Ano ba kasi ito? Bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon? ---×××--- Maingat na isinalang ni Zygfryd ang card key na hawak sa pasukan niyon. Kahit ang pagtulak niya sa pinto ay dinahan-dahan niya upang hindi na niya magambala pa ang babaeng inaakala niyang natutulog na. Pagbukas ng pinto ay agad napagawi ang tingin niya sa kama para tingnan ang dalaga. Halos lumuwa ang mata niya sa bumungad sa kaniya. Makailang ulit pa siyang kumurap-kurap dahil hindi siya makapaniwala sa nabungarang tanawin. Prenteng nakaupo si Adity sa kama. Nakasuot lang ito ng puting bra at panty na animo'y ready ng mag swimming. Damn she's f*****g hot. Hindi niya inaasahan na makikita ito sa ganitong kalagayan. Napaka konserbatibo kasi nito sa pananamit. Palagi lang itong nakapantalon at t-shirt. Kapag nasa bahay ay pajama at t-shirt naman ang suot nito. Kaya ano ang nangyayari? Nang mapansin nito ang presensiya niya ay sinalubong siya nito ng ngiti. Agad siyang nakaramdam ng kakaiba. Oo, nagugustuhan niya ang nakikita niya pero parang may mali. Adity wouldn't do such thing. Hindi pa nga niya ito nakakasama ng matagal pero wala talaga sa karakas nito ang maghubad at magpakita ng balat lalo na at alam nito na doon rin siya matutulog. What the hell? "Zygfryd nandito ka na..." Lumapit sa kaniya ang dalaga. Tumayo ito sa harap niya dahilan para mas matitigan niya ng buo ang hugis ng katawan nito. Hindi gaanong malaki ang dibdib nito. Tama lang iyon sa mga palad niya. Tila nga tinatawag siya niyon at inaayang magpamasahe. Napalunok siya. Parang sinisilihan ang mga mata niya. Never in his whole life na makaramdam matinding pagnanasa sa isang babae. Hindi naman siya inutil para hindi maapektuhan sa nakikita niya. He can feel his manhood is getting hard. Tila gusto na niyong lumabas sa pantalon niya. This is wrong... Alam niya iyon pero kating-kati na ang kamay niya na hawakan ang dalaga. f**k! Pinipigil niya lang ang sarili niya dahil iniisip niya ang pagiging madre nito. Bilib din siya sa sarili niya. Ngayon lang kasi niya nagawang kontrolin ang naghuhumiyaw niyang alaga. Usually, he grab all the opportunity. Kapag may babaeng lumapit sa kaniya at tinangka siyang pag-initin ay ikinakama niya kaagad ito. But Adity is different. Kahit ganito ang itsura nito ngayon ay alam niya na wala iyon sa loob ng dalaga. "Do you like it?" Pinagapang ni Adity ang kamay nito sa braso niya. This is it! This is too much torture on his part... Dadakmain sana ni Adity ang p*********i niya pero mabilis niyang sinalubong ang kamay nito. Mariin niyang hinawakan ang braso nito. "Ano bang ginagawa mo?" Inamoy-amoy niya ito. Hindi naman ito amoy alak. "Come on Zygfryd. Hindi ba ako kaakit-akit para sa iyo?" malambing nitong sabi. Damn! Your too hot handle Adity! Pero hindi ikaw ito. He need to know, if what is happening to her bago pa siya madala ng tuluyan sa ginagawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD