"Ayos ka lang ba?" May pag-aalalang tanong ni Zygfryd. Hinawakan siya nito sa magkabilaang balikat at tiningnan ang ilang bahagi ng katawan niya na parang may hinahanap na kung ano.
Tumango lang siya dito. Pagkatapos ng ilang minutong pag-iyak niya habang nakayap dito ay kalmado na siya ngayon at nahihiya na dahil sa ginawa niya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kaniya at nagawa niya itong yakapin kanina. Basta nang makita niya ito ay tila nag-alpasan ang dugo niya sa katawan. Sobrang saya niya dahil ito ang nagbukas ng kabinet na pinagtataguan niya at hindi ang dalawang naunang dumating sa bahay kaya nayakap niya ito.
"Kailangan na nating umalis dito." Tinalikuran na siya ng binata. Napamasahe ito ng sentido. Pagkatapos nitong isukbit sa bewang ang baril na hawak nito ay lumakad ito papunta sa balkonahe at sumilip sa ibaba.
"S-sino ba a-ang mga lalaking i-iyon? P-patay na ba sila?" Sa wakas ay nagawa narin niyang makapagsalita. Kahit pautal-utal ay nagawa narin niyang itanong ang mga bumabagabag sa isip niya.
"Mukhang tama nga ang hinala mo. Hindi lang basta aksidente ang nangyari sa pamilya mo."
"Iyong dalawang iyon ba?"
"Sa tingin ko hindi. Mukhang pinadala lang ang dalawang iyon para ipaligpit ka."
"I-ipaligpit?" Wala siyang idea kung sino ang naghahangad na mapatay siya. Ano ba ang nagawa ng kaniyang pamilya para isa-isahin nito?
Nanghihina siyang napaupo sa kama. Kahit anong pilit niyang isipin kung sino ang posibleng gumagawa noon ay wala siyang makuha sa sarili niya. Matinong tao ang ama niya. Kahit kailan ay hindi ito nasangkot sa anumang gulo. Ganoon din ang mama niya, palagi lang itong nakatuon sa business nila. Ni hindi nga ito nakikipagsosyalan katulad ng iba. Ang ate naman niya ay katulad niyang bahay-paaralan lang noong mga nag-aaral palang sila. Nang magkatrabaho naman ito ay naging bahay-opisina na ito.
"Iyan ang kailangan nating malaman ngayon... Sino ang gustong magpapatay sa'yo at ano ang kailangan nito."
Napayuko siya. Kabayaran na ba ito sa nagawa niyang kasalanan noon? Hindi niya naman iyon sinasadya. Ipinagtanggol niya lang ang sarili niya. Hindi niya naman ginustong mapatay ang manyakis na iyon.
Bumalik na sa loob ng kwarto si Zygfryd. Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa balikat.
"Kailangan na nating umalis dito. Iligpit mo na ang mga gamit mo."
Nanatili lang siyang nakayuko. Hindi niya gustong mandamay ng ibang tao sa problema niya pero ngayon ay siguradong sanggot narin ang binata sa kung anomang kahaharapin niya. Gusto lang naman niya ng hustisya. Hindi niya naman alam na magiging ganoon pala iyon kahirap na makuha. Bakit ganoon? Dapat bang itigil nalang nila ang ginagawa nila? Isusuko nalang niya ang lahat sa Diyos? Iyon naman ang tama. Dapat ay ipinagdarasal nalang niya ang may gawa noon pero... Hindi siya mapakali sa tuwing pumapasok sa isip niya ang pinagdaanan ng pamilya niya.
"Hey, magiging ayos rin ang lahat.. Don't worry. Nandito lang ako."
Napatingala siya para titigan ito. Nakapaskil sa mukha nito ang isang napakatamis na ngiti. Wala kang makikita na kahit kaunting pag-aalala. Parang wala nga itong ginawa kani-kanina lang. Hindi man lang nito alintana ang pakikipagbarilan nito.
"I'm sorrry, nadamay ka pa sa gulo ng buhay ko."
Naupo si Zygfryd sa tabi niya at kinuha nito ang kamay niya na nakapatong sa lap niya. Marahan iyong pinisil ng binata. "I choose this ok. Akala ko ba, bilib ka sa akin kaya mo ako nilapitan? Ano? Nagbago na ba ang tingin mo sa akin ngayon huh?"
Tipid na ngiti lang ang naging tugon niya dito. Tinapik-tapik naman nito ang kamay niya at tumayo na ito. "Sige na. Kailangan na nating umalis dito. I will wait for you outside."
Pagkalabas ng kwarto ng binata ay wala na siyang sinayang na oras pa. Pinulot niya kaagad ang mga nakaka-kalat na gamit niya at inilagay iyon sa kaniyang backpack. Tapos lumabas narin siya sa kwarto. Pagbaba niya sa hagdan ay hindi nakaligtas sa paningin niya ang maraming patak ng dugo na nakaka-kalat sa paligid. Sinubukan niyang hanapin ang dalawang lalaking pumasok sa bahay kanina pero hindi niya naman ito nakita.
Bagkus ay isang lalaki ang naabutan niyang kausap ni Zygfryd sa may sala. Kung gwapo si Zygfryd ay hindi rin naman papahuli ito. Maganda rin ang katawan nito. Bakat sa puting v-neck shirt nito ang pinaghirapan nitong abs. Nang mapansin ng dalawa ang presensiya niya ay tumigil ang pag-uusap ng mga ito at napagawi ang tingin sa kaniya.
"Wow. So this is your client ha. Hi I'm Hanzo." Salubong sa kaniya ng kausap ni Zygfryd. Dahil iniunat nito ang kamay ay tinanggap niya naman iyon ng walang pag-aalinlangan.
"Adity."
"Tama nga si Zygfryd. Napakaganda mo nga pala talaga." Nakangiti nitong sabi habang binibitawan ang kamay niya.
Hindi siya sanay na makarinig ng papuri kaya agad na nag blush ang pisngi niya. Lalo namang lumuwag ang pagkakangiti ni Hanzo. Pag tingin niya kay Zygfryd ay nakita niyang pinanlakihan nito ng mata si Hanzo. Parang gusto niya tuloy matawa dito.
"Let's go Adity. Si Hanzo na ang bahala dito." Medyo nabigla pa siya ng hawakan ni Zygfryd ang kamay niya at hilahin palayo kay Hanzo.
Tinawanan naman ito ni Hanzo at para itong nang-aasar pa na binulyawan si Zygfryd. "Oo na. Hindi ko naman aagawin ang kliyente mo!"
Napatingin lang siya kay Zygfryd habang hila siya nito. Talagang seryoso ang mukha nito. Para itong bigla nalang naasar kay Hanzo. Tinapunan pa nito ng dirty finger ang tumatawang binata. Siguro ganoon lang talaga sila mag lambingan.
Dinala siya ni Zygfryd sa isang mamahaling hotel. Isang kwarto lang ang kinuha nito. Dahil hindi pa nila kilala ang kalaban nila ay kailangan nilang maging maingat. Mas madali raw siyang mapo-protektahan nito kapag magkasama sila kaya pumayag narin siya. Gusto niya nga na kasama ito. Kapag nariyan kasi sa tabi niya ang binata ang pakiramdam niya ay ligtas siya. Wala siyang maasahan ngayon kung hindi ito. Natatakot rin siya na lumapit sa tito Franco niya dahil baka pati ito ay madamay sa gulong kinasasangkutan niya.
"Go, get yourself a good bath. You need to refresh," utos sa kaniya ni Zygfryd.
Pagkahagis nito ng dalang bag sa sofa ay muli itong bumalik sa pintuan. "Ako na ang kukuha ng dinner natin. Just stay here ok?" Bilin nito bago lumabas ng kwarto.
Siya naman ay kumuha ng damit na isusuot at dumiretso na sa banyo. Nang mapag-isa ay biglang bumalik sa isip niya ang nangyari kanina lang kung saan takot na takot siya. Iniisip niya lang iyon pero bigla ng nanginig ang mga kamay niya. Itinaas niya iyon at tinitigan.
Kung nahuli lang ng kaunti si Zygfryd ay baka nakasangkapan na niya ang mga kamay na iyon para gumawa ng masama. Masama? Malawak naman ang pang-unawa ng Diyos. Kung sakali ay alam niyang maiintindihan siya nito sa gagawin niya. Gusto lang naman niyang mabuhay pa. Katulad noon... Ipagtatanggol niya lang ang sarili niya.