20

2217 Words
Nakakailang... Ang weird naming dalawa... Walang ilang minuto na umaangat ang mga paningin namin para lang sulyapan ang bawat isa. Para bang may gusto kaming sabihin pero nag-aalangan... At hindi naman namin alam kung bakit ganoon. "I regret not asking you to change." Aniya sa gitna ng kinakain naming dessert. Nakapagpahinga na kami mula sa nakakabusog na pananghalian at ngayon nga'y may bagong hinatid na dessert. Bahagyang ngumuso ako at lumingon-lingon. Tama nga siya, dapat nagbihis na muna ako. Yan tuloy, pinagtitinginan kami ng mga tao. Sobrang layo naman kasi ng mga sout namin. Siya na nakabutton down long sleeve samantalang ako naka uniporme pa. Ano na lang ang iisipin ng mga tao? Na mukha kaming magkapatid? Na nagde-date kami rito sa mamahaling restaurant para lang sa bonding na tinatawag? Sino namang maniniwala roon? Kung titingnang mabuti, ang layo-layo naman ng itsura namin sa isa't isa. Kaya paano? Hindi ako kinakabahan sa mga iniisip ng mga tao... Wala akong pakialam doon. Nakakahiya lang dahil baka anong isipan ng mga tao kay Judas. Sugar daddy? Nakakatawa naman yon. "I'm sure I will really miss you..." Aniya habang umiinom ako ng tubig. Nabulunan ako kaya tinawanan na naman niya ako... Ako rin, mamimiss ko siya. Siya kaya? Anong klasing pagkamiss yan? Yon bang lagi naming ginagawa o ako talaga? Napalunok na lang ako, hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin. Mas mabuting ganito... Kesa naman may masabi ako na pareho namang magpapahiya aa sarili ko. Pagkatapos tumawag ni Judas ng waiter ay tumayo na kami. Pagkatulak pa lang niya sa pintuan palabas ay sinalubong na kami ng mga matang palipat-lipat ang mga titig sa aming dalawa ni Judas. Para bang nagtataka sila kung bakit ganito... At bakit magkasama kaming dalawa? Alam ko kung bakit. Kanina ko pa nga talaga napapansin na iba ang titig ng mga tao. Ngayon lang kasi talaga kami nagkasama sa publiko, na kakain... O date, at nakauniporme pa ako. Para siyang matandang manyakis na naglalabas ng bata. Napatawa ako. Kaya napatitig siya sa akin. Tinubuan naman ako nang hiya kaya napalingon ako sa paligid. Napalunok na lang ako... Dahil nahuli niya akong tumatawa nang mag-isa. Nang walang pisikal na dahilan. "Were you thinking naughty?" Aniya, pagkabukas ng pintuan ng sasakyan. Para namang nilanggam ang pisngi at leeg ko dahil ramdam ko kung paanong gumapang ang pag-iinit doon. Umiling na lang ako. Wala akong masabi, hindi ko maidahilan ang mga iniisip ko. Dahil talagang tutuksuhin niya lang ako, napakapilyo pa naman ng hudas. "Hindi... Ano... Anong oras po flight niyo?" Tanong ko habang binabaybay namin ang daan pauwi sa eskwelahan. Medyo matraffic pa naman, pero mukhang tama lang para hindi ako ma-late mamaya. "Alas sais... Papahatid ako mamaya kay Alexis. Can you come? I'll fetch you with Jessiebel." Parang namungay ang mga mata ko nang nilingon siya. At napagtanto ko na kailangan ko nga yon. Syempre, dalawang buwan ba naman? Parang ang hirap... Parang nakakabored. Kung noon mas sumasaya ako kapag malayo si Judas, ngayon... Parang ang hirap. At hindi ko alam kung bakit ganoon yon. Siguro ay dahil gumagaan na ang loob ko sa kanya. "Okay..." Ngumiti siya, kaya napangiti na lang din ako bago ko nilipat ang mga titig sa labas. Ay, s**t! Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Nasapo ko naman ang mga pisngi ko, ramdam ko talaga ang pang-iinit at pangingilabot doon. Para bang kinuryente yon sa pinakamahinang boltahe. Pero ang lakas nang sipa sa bou kong pagkatao. Shit! Hindi ko talaga maintindihan! Kinakabahan ako. At nakakaputangina... At hindi ko rin alam kung bakit naiiyak ako! s**t! Ang lakas-lakas at ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko. Parang gusto akong patayin nang paunti-unti. Magkakasakit na yata ako sa puso. "Take care always, Amythyst. I will check on you from time to time so do not get your battery empty." Tumango ako, habang sumasakit ang puso ko sa hindi malamang bilis nang pintig ng puso ko roon. Hindi ako makahinga. Parang namamaga ang tapat ng dibdib ko. Parang masusuka ako... Dumukwang siya kaya nanlaki ang mga mata ko... Lalo na dahil pilyo itong nakatitig sa akin, nakangisi ng bahagya. Namutla ako, o namula. Pwede ba yon sa iisang pagkakataon? Parang sasabog ang ulo ko... Bakit ganito? Hindi ko maintindihan... "I love you..." Dumoble ang panlalaki ng mga mata ko... Biglang bumagal ang t***k ng puso ko, gayon din kung gaano ito kalakas na sa tingin ko pareho naming naririnig yon. Shit! Hindi ako makahinga... Ang hirap huminga... Parang pinapatay ako sa bawat mabibigat na hininga kong yon. Totoo ba? "... Amythyst." Aniya at dumukwang sa dibdib ko. Shit! s**t! s**t! Hindi ko maintindihannnnnn! Putangina! Masakit! Masakit ang paghinga ko at ang t***k ng puso ko. Mahihimatay yata ako dahil sa ginawa niya. Umawang lang ang mga labi ko nang lumapat ang labi niya sa mismong tapat ng puso ko. At bakit naman niya ginawa yon?! Nang bumaba ako, halos matisod ako sa paglalakad. Nanlalambot ako. Mas malambot pa kesa do'n sa pagkatapos naming magsex. At pakiramdam ko nasunog yong mga pisngi ko sa sobrang pamamanhid at pag-iinit. "Amy?" Gulat ako nang may tumawag sa akin mula nang makalabas ako ng elevator... Si Ericka! Mabuti na lang din at si Ericka, at kung si Jessiebel pa iyon... Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Alam ko namang may mapapansin siya sa akin kahit anong iwas ko. "May nangyari ba?" Aniya, habang tinititigan nang mariin ang mukha ko. Mas lalo yatang nag-init ang mga pisngi ko kaya napababa ng kaunti ang mga mata ko. Siguro ay dahil sa kahihiyan, o sa konsensya. Wala naman kaming ginawang masama... Kaya bakit? "H-ha... A-ano... W-wala..." Napahinga ako ng malalim at napasandal sa pader na malapit sa classroom. Nangangatog pa rin ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung paanong nakaya kong umakyat dito ng hindi bumigay. Ngumisi siya, at alam naming pareho kung bakit. Siguro ay may ideya siya... O alam niya naman talaga. Maaari... Si Jessiebel nga, may alam. Di na nakakapagtaka kung dumadami ang mga nakakaalam. "You look so inlove..." Wika niya. Nalaglag ang panga ko... Ako inlove? Ha? Seryoso? "H-hindi... A-ano. Hindi!" Iling ko. Saka nilapat ang isang kamay ko sa ilalim ng pader. Imposible. Ang bilis naman yata? Kumunot ang noo niya at napakamot pa sa pisngi gamit ang isang daliri niya. Parang nagtataka siya... Parang ganoon. "Bakit ganoon? Ganyan din ang itsura ko noon nang nalaman kong inlove na pala ako kay Erik." Nalaglag ang panga ko... Inlove? Katulad nang sa kanya? Ganoon ba talaga ang mukha ko ngayon? Ang bilis naman kasi masyado... Sobrang bilis. Mag-iisang buwan pa lang kaming magkakilala. Gusto siguro, oo... Mukhang gusto ko nga si Judas. Pero sa puntong mahal ko na? Parang, mahirap paniwalaan. "Is it your first time?" Napalunok ako. Maaaring nalilito lang ako kasi sa totoo lang, sa boung buhay ko noon lang talaga ako nagkagusto sa isang lalaki. Hindi ko maalala na nagka-crush o nagkagusto ko sa iba. Dahil nga, boung buhay ko nasa puder lang ako ni Tiya. Wala akong inalalang ibang bagay noon kundi kung paano ako mabubuhay. Kaya ito... Hindi ko alam. "It's okay Amy if you're still confuse..." Tinuro niya ang pintuan na ilang metro lang ang layo sa amin. Tumango ako. Halos mamutla. Napahawak pa ako sa dibdib ko kaya lang ibinaba ko nang nahuli siyang nakangisi at nakatitig do'n... Para namang hindi anghel ang isang 'to. Dahil sa simpleng ngisi niyang yon, napagtanto ko na hindi lahat ng nagbabalat kayo na anghel ay ganoon din talaga. Para kasing habang tumatagal mas lalo akong pinapalibutan ng mga taong komplikado at mapagmatyag. "Amyyyy!" Gulantang ako nang naramdaman ang daluhong at sobrang higpit na yakap ni Gorin. Naitulak ko kaagad siya pero ang hirap kasi sobrang higpit no'n na parang gusto niya akong pisatin. "G-gorin... Tama na." Hirap kong sabi. Mabuti na lang at agad niya akong binitawan. Napahinga ako ng malalim at may sasabihin pa sana kung hindi lang dumating ang guro sa unang subject para sa hapong yon. Naging lutang ako sa boung topiko na nangyari sa hapong yon. Wala akong maintindihan! Tulad lang din sa kanina... Mas malala lang ngayon dahil naidagdag sa isipan ko ang mga nangyari kaninang pananghalian. At kung sa tingin ko ay yon lang ang problema? s**t! Putangina! Hindi ko napaghandaan na ihahatid nga pala namin si Judas! At syempre, ang pinakamalaking sampal sa akin ngayon ay ang katotohanang kasama nga pala si Jessiebel... Siguradong may masasabi na naman siya mamaya. Hindi ko kaya! s**t! Napalunok ako habang sinisilid ang mga sulat sa bag ko bago isinara yon. Napatalon ako nang may nag-abot ng mga notebook sa harapan ko. Nakangiti si Ericka, gayon din si Erik. Para bang napagplanuhan na nila ito. "Alam ko na kulang ka sa kopya, Amy. Ito... Kaonti lang naman ang mga nakasulat diyan. Ibalik mo na lang bukas ng umaga..." Bakit kaya may mga mababait na taong kahit hindi mo naman hiningan ng tulong ay handa pa ring magbigay? Sa tingin ko, sina Ericka at Erik ang mga anghel ko na nagkakatawang lupa. Sa sobrang bait nila hindi ko mapigilang mas lalong gumaan ang loob ko sa kanila. Nakakalungkot na nakakahiya dahil talagang noon lang din ako nagkaroon ng mga kaibigan. Noon kasi, madalas binubuska ni Tiya ang mga kaklasi ko na lumalapit sa akin. Sa takot nila kay Tiya ay nilayuan na lang nila ako. Imagine kung gaano kaimpyerno ang buhay ko noon? "Let's go?" Ismid ni Jessiebel. Nangatog na naman ang mga tuhod ko sa kaba. Hindi ko alam kung paano magrereact, o kung paano ko kakausapin ng maayos si Jessiebel. Alam ko kapag nagkamali lang ako ng isang kilos, pagsasabihan niya na naman ako. Ayaw ko na no'n. Kuta na ako! Pagkabukas ng elevator, grabi-grabing panalangin ang ginawa ko para lang maging maayos ang lahat. Ayaw ko na talaga... Napalunok ako, at namula nang nakitang nakatayo si Judas sa labas ng puting sasakyan niya. At hindi lingid sa kaalaman ko ang pagkakatigil ng ilang estudyante para lang pagtakhan siya. Nakakainis! Nakakapanlinlang ang kagwapuhan niya! Kung hindi lang din manyakis, e! "Hi..." Aniya, nakangisi at palipat-lipat ng titig sa aming dalawa ni Jessiebel. Lumunok lang ako, rinig ko pa ang tunog no'n. Binuksan niya ang pintuan sa likod, nauna si Jessiebel. Sumunod naman ako. Sa harapan si Judas at nasa driver's seat yong isang lalaki na bago sa mga mata ko. Hindi ko kilala... Medyo may pagkahawig kay Jessiebel. Siguro Kuya niya at ito siguro yong Alexis... Saka mukhang magkasingkatawan din sila ni Judas. Malayo lang sa itsura. Medyo tigasin kasi ito, si Judas mukhang mestisuhing Brazillian----nang kaonti. "Dad, you didn't tell me..." Nguso ni Jessiebel. Nalaglag ang panga ko. Lalo na do'n sa lalaking tumatawa habang nakalingon sa amin. Shit! Totoo nga? Daddy 'to ni Jessiebel? Yong Alexis? Mukhang bata pa naman 'to a? Napakaimposible naman! Mas matanda lang ng kaonti 'to kay Judas, a?! "Ito na ba si Amythyst?" Tukoy niya sa akin. Parang gusto ko namang magtago. Narinig ko lang na tumawa si Judas. "You know?!" Gulat na tanong ni Jessiebel. Halos mailuwa ang ngala-ngala sa pagkakasigaw. "Naikwento lang..." Itinuro niya si Judas, na ang manyak-manyak ng pagkakatitig sa akin mula do'n sa salamin. Napagilid tuloy ako, para lang hindi niya matitigan. "That's new!" Gulat na tanong ni Jessiebel at napadungaw sa harapan, literal na sinilip niya si Judas. Saka niya tinitigan si Judas, na medyo nakaharap sa akin, dito sa likod. Napalunok ako. Natatawa itong napabalik sa likod. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang tawa niya. Para bang mas malala pa 'to sa lahat ng tawa niya. Hanggang sa makarating nga kami sa airport tumatawa pa rin siya pag may pagkakataon... Parang nabaliw na. "Let's go out, Dad..." Ngiti nito, napangisi na lang yong Alexis. Naiwan kami sa loob, ako na nasa likod at si Judas na nasa driver's seat. Anong nangyari? Anong nangyari kay Jessiebel? Akala ko ba ayaw niya? Lumipat si Judas mula sa harapan patungo sa likod. Nakangiti ito sa akin, ako naman sobrang nahihiya. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin makalimutan yong sinabi niya kanina. "Hintayin mo ako, ha? Wag magpapaligaw." Napasinghap ako, ano ba naman yan? Bakit? Hayyy naku! Ewan ko. Nakakakaba na 'to... "Kiss nga..." Napa-'ha?!' ako sa isipan ko. Ngumisi lang siya at mas lumapit pa sa akin, para ilapat ang mga labi niya sa labi ko. Napalunok ako bago ibinuka ang mga labi ko at napahawak sa balikat at hita niya. Ikinawit naman niya ang braso sa bewang ko para mas mapalapit ako sa kanya. Napaungol ako at dumiin ang halikan namin. Labi sa labi. At dila sa dila. Napapisi na lang ako nang naramdaman ang isang magaspang na kamay niyang umaakyat sa hita ko, sumisingit na sa maiksi kong skirt. "J-juddd..." Napadaing ako nang naramdaman ang halik niyang gumagapang mula sa puno ng tenga ko patungo sa leeg. "T-tama na..." Napapahingang malalim na saway ko sa kanya lalo na at humahaplos ang kamay niya sa hita ko. Tumigil naman siya at hinalikan ako sa pisngi . Saka niya kinuha ang kamay ko na nakadantay sa hita niya para ilagay sa tapat ng kanya. Napabawi kamay ako at nag-init ang bou kong mukha... s**t naman na hudas 'to! Kahit kailan talaga ang manyak-manyak! Tumawa lang siya at maraming beses na hinalikan ang pisngi ko. Nagpipigil naman ako ng ngiti. Kainis ang hudas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD