19

2027 Words
"Ha?" Nagtatakang tanong ni Jessiebel halos idiin na ang sariling mukha kay Gorin na noo'y napaatras pa. "Ang pangit mo naman pala, kaya siguro ayaw sa'yo ni Amythyst." Ngisi nito at tuluyan nang bumalik sa dati nitong pwesto. Balahura! Anong pinagsasabi ng may topak na 'to? Uminom na lang ako ng tubig at muling kumain ng macaroni soup na na inihanda ni Manang. Masarap... Atleast parang napapagaan ang loob ko. Kahit papa'no nababawasan ang bigat ng loob ko mula pa kanina. "Baliw..." Wika ni Gorin at naramdaman kong tumitig siya sa akin. "Bakit?" Pansin ko sa kanya. Ngumisi ito at kinurot na naman ako sa pisngi! Kainis! Hinimas ko na lang ang parte ng pisngi ko na kinurot niya. Saka ko tinapos ang kinakain. Bago ko ito niligpit at inilagay sa paper bag. Dinukot ko naman ang cellphone ko sa loob at napahinga nang malalim nang makitang may isang text galing kay Judas. 'Hindi na ako makakauwi mamaya. Tell me if you need anything.' Kainis din ang isang 'to! Busangot na ibinulsa ko ang hawak na cellphone. "Sino yon?" Takang tanong ni Gorin na medyo malapit lang sa akin. Umiling lang ako. Noon ko naman nalingunan si Jessiebel na kumakain na naman ng mga dahong gulay. Nakamata ito sa akin kaya medyo napaatras ako sa bigla. Napalunok din. Alam ko kasi na nakokonsensya ako sa mga tingin niyang ganyan. Hindi ko lang talaga kaya na sundin ang gusto niya. Masama bang magkaroon nang sariling desisyon? Kagustuhan ko naman 'to e... Wala naman akong ibang sisisihin kundi sarili ko kapag nga nagkaroon na nang seryosong problema. "Tanga..." Aniya, sabay irap sa akin. Namutla na lang ako. "Jessiebel!" Inis na saway naman ni Gorin. Napatayo ako. Bago pa man magbangayan ang dalawa. Alam ko kapag nanatili pa ako roon, mas lalong gugulo. Mas lalong mauungkat ang sekreto ko. Ang hirap-hirap magtago... Lalo na at ang tanging taong nakakaalam nito ay isa ring malaking banta... Isang salita niya lang, siguradong pag-uusapan ako ng mga tao. "Una na ako..." Sabay lunok ko at kinuha ang paper bag. Tinitigan ko lang ang magsyota saka ko tinuro ang labasan. Kaso tumayo si Ericka, sumunod naman si Erik. Kinabahan ako... Sapagkat ito yong mga pagkakataon na gusto ko lang munang mapag-isa. Mapakalma ang sarili. "Samahan ka na namin..." Ani ni Ericka. "Sama na rin ako!" Biglang tayo ni Gorin. Tanging si Jessiebel na lang ang nakaupo roon. Umiling ako, gustong-gusto ko talagang mapag-isa! Mabigat kasi talaga ang dibdib ko. Sobrang bigat... At ewan ko nga ba kung bakit ganoon yon! Hindi ko naman alam kung ano talaga ang dahilan noon. "E... A-ano, titingnan ko pa kasi ang locker ko." Napalunok ako. "Samahan ka na namin..." Wika ulit ni Ericka. Shit! Wala na akong nagawa roon. Pinasama ko na lang sila kesa sa mas humaba pa ang usapan. Si Jessiebel naman, nag-angat lang ng kamay ng tinanong ko siya kung sasama siya o hindi. Apat kaming nakaantabay sa pagbaba ng elevator maliban sa mga mas nauna pa sa amin. Hindi pa kami nag-uugat do'n ay bumukas na iyon. At nalaglag ang panga ko nang iniluwa si Judas! Pu...tang...ina! Anong ginagawa ng hudas na 'to dito? Halos malaglag ang puso ko sa sobrang kaba... Hindi dahil sa takot... Hindi ko alam kung bakit. Natuyo ang labi ko dahil do'n. At ang hudas, mukhang nakabawi na nang tulog... Ngingisi-ngisi habang papalabas ng elevator. Ang ilang estudyanteng kasabayan namin doon ay natulala rin yata sa panauhin na nasa harapan namin. Shit! Bakit kaya napaka-unfair ng buhay? "Damn... Hot. As in hot Papa." Bulong ng isa sa mga katabi ko. Sigurado akong narinig niya iyon. Mas lalo kasing lumapad ang ngisi ng hudas. Kahit na nakatitig siya sa akin, alam ko na yon ang dahilan ng ngisi niya... "You're not answering my texts." Aniya, diretso sa pagkakatanong sa akin. Napalunok at hindi nakasagot sa kanya... Hudyat yon para bumaba ang mukha niya at nilamukos ako ng halik. Napasinghap ako... Hindi dahil do'n... Kundi dahil sa pagkakabigla ko nang may tumapik sa balikat ko. "Are you okay, Amy?" Napalunok ako... s**t! Nakatulog ba ako sandali? Kakaiba naman yata yon! "H-ha? Oo!" Sagot ko kay Gorin at halos mapapikit. Sinubukan ko nang buksan ang locker at napaawang ang mga labi ko nang may mga nalaglag na papel. "What the f**k?! Letters?!" Gulat na tanong ni Gorin. "Hala... Love letters nga!" Ani ni Ericka. Napalunok ako at napatingin sa ilang papel na nakatupi pa nang maayos na nasa paanan ko na. Nagsiyukuan kami at pinulot ang mga yon... Binuksan ko ang isa para naman mapatunayang hindi sa akin yon pero gulantang ang bou kong pagkatao nang makitang lahat yon may pangalan ko... Ang iba kompleto pati Middle Name! Anong kalokohan na naman kaya 'to? Tumawa si Ericka at inabot sa akin ang isang kulay pulang cards. Kaya kunot noong binasa ko yon. At napatawa na rin ako... Paano naman ako nakilala ng Vigel na 'to? Hindi ko alam kung saan ang elementary department kaya paano nga kaya? Wala pa naman akong nakikitang elementary na naggagala rito kaya paano? "Mga manyakis 'to! Tapon mo na lahat ng yan, Amy!" Inis na wika ni Gorin. Kinunutan ko siya ng noo. Bakit ko naman itatapon 'to? Ang cute ngang basahin e! Nakakatawa na nakakatuwa... Saka minsan lang naman ako nakakatanggap ng ganito... Sayang naman kung itatapon ko lang. "Hindi na Gorin, itatago ko na lang ang mga 'to." Inagaw ko ang papel na hawak-hawak niya. Halos ayaw niya ibigay kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata. Binitawan naman niya kaya nakuha ko. Inabot din sa akin ni Erik at Ericka ang mga nalikom nila. Ang dami no'n! Paano ko kaya iuuwi 'to? Naitigilan ako nang tumunog ang cellphone ko. Tunog na para sa tawag. Inilagay ko nang mabilisan sa locker ang mga sulat at walang sulyap na sinagot ang tawag. Napalunok ako nang marinig ang boses ni Judas... Madaming lunok na halos magbara na naman ang lalamunan ko. "Can you come down at lunch?" Tanong niya. Shit! Mukhang ang nangyayari sa akin ngayon ay parang sa mga anime na napapanood ko noon... Gumagapang ang pag-iinit ko mula sa leeg patungo sa bou kong mukha. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili baka sinapo ko na ang bou kong pisngi. "O-opo... Pwede. Bakit po?" Tanong ko, sabay titig sa mga kasamahan ko na nakatutok sa akin. Si Gorin na magkasalubong ang mga kilay. Sina Erik at Ericka na nagpipigil ng ngiti. Mukhang may ideya ang magsyota. "Susunduin kita sa tapat ng school niyo. We'll gonna have our lunch date." Aniya, halos tunog papangisi na naman ang hudas. Nawindang naman ako roon. "H-ho?!" Pasigaw na tanong ko. Napatalon ang mga kasamahan ko. Napahiya naman ako dahil do'n kaya medyo napaatras ako. Ni-lock ko na muna ang locker ko saka inayos ang sarili. Ngumiti ako ng hilaw sa tatlo... Nakakahiya! Bakit naman kasi may ganoon? Date? Tulad ng sinabi niya. Lunch date? "Lunch date. I'll be gone for two months... Might as well spend my remaining time with you... More... And accurate... Not the way I always did, or we always did. Yong magkantutan sa ibabaw ng kama at sofa." Putangina!! Kainis ang hudas na 'to! Ang bastos ng bibig! Akala ko pa naman okay na kasi iba ang dating ng mga sinabi niya no'ng una. Kaya naman pala... Biglang bawi sa huli. Kung wala lang akong malay sa mga taong nasa paligid ko ay baka may mga sinabi na ako tungkol sa mga kabastusan niya. Parang hindi abogado, para bang tambay sa kalye kung magsalita... Lahat ng mga mababastos na salitang lumalabas sa bibig niya, gamit na gamit ng mga tambay. "G ka!" Inis na akusa ko. Hindi ko alam kung naintindihan niya yon, pero mukhang hindi naman naintindihan ng mga kasama ko. Tumawa siya, nagpipigil naman ako ng ngiti. Dapat naiinis ako, hindi tulad nito na parang natutuwa pa. Wala namang nakakatuwa. "Gago ako? Hm, sabihin mo... Malibog." Napaawang ang labi ko! s**t na hudas! Kung ganoon nga... Totoo ang imahinasyon ko kanina! Nakabawi na nang tulog ang hudas kaya ang lakas na naman ng trip. "S-sige na po... May pasok pa po ako." Kagat labing paalam ko. Kapag di ko ginawa 'to, hindi ako titigilan ng hudas na 'to. Kahit nga siguro lumubog ako sa kahihiyan, hindi pa rin niya ako tatantanan. Para siyang virus, nagpupumilit pumasok kahit masikip. Ay s**t! Bakit ang bastos naman yata pakinggan no'n? "Oh right! Okay, I'll fetch you later." Tumango ako kahit hindi naman niya makikita yon. Pinatay ko na ang tawag saka inilagay sa loob ng bulsa ko. "Sino yon?" Kunot noong tanong at biglang lapit sa akin ni Gorin. Tinitigan ko siya at sabay iling. "Sino nga yon?" Kulit pa niya. Shit! Nanlalamig ang tiyan ko sa gagong 'to. Yon bang kapag may isang tao kang ayaw na ayaw pagkatapos nagpupumilit pa rin... Parang nakakasuka. "Wala ka na ro'n..." Sagot ko. Ngayon pa lang iniisip ko na ang paraan kung paano makakatakas mamaya. Lalo na dito kay Gorin at syempre kay Jessiebel. Ano kayang excuse ang sasabihin ko mamaya? Walang akong maisip! Pero sige, bahala na. Kahit wala akong maintindihan sa dalawang sumunod na klasi, mas komportable na ako. Marahil dahil panay ang isip ko sa mangyayaring lunch date mamaya. Kung iisipin kasi... Sa lahat ng mga nangyari, ito lang ang magiging pormal na gagawin namin. Na syempre hindi hahantong sa ibabaw ng kama. At least... Mukhang okay naman. "Aalis ka?" Nakataas kilay na tanong ni Jessiebel nang datnan niya ako sa labas ng classroom. Okay na sana... Mukhang pwede na akong pumuslit habang wala sa akin ang atensyon ng apat... Pero ito na nga. Huli ako sa akto. "Ah, may bibilhin lang ako sa ibaba." Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Napalunok ako. Wag mong sabihin na ngayon pa ako mabibisto? "Okay... Hihintayin ko na lang ang tatlo." Aniya at sumilip sa loob. Walang lingong-likod na naglakad ako patungo sa elevator. Mabuti na lang din na pag-apak ko sa tapat no'n ay agad na itong nagbukas. Pumasok na ako kaagad bago pa man ako mahabol ng apat. Saka pinindot ang Lobby. Shit! Nangatog ako ro'n a! Para naman akong kriminal na tumatakas. Tinakbo ko na ang distansya patungo sa labas ng building. Palingong-lingon ako sa paligid hanggang sa may tumigil sa tapat ko. Yong puting sasakyan ni Judas. Di na ako naghintay pa, agad ko nang binuksan ang front seat at umupo na kaagad doon. Sinulyapan ko si Judas na mukhang bagong ligo, amoy after bath... Saka nakalalaki ang amoy nitong perfume. Mukha na rin siyang may tulog. Ang lapad ng ngisi e! Pilyong-pilyo ang datingan. "May tinatakasan ka?" Aniya sabay silip sa labas. Napalunok ako... Wala naman akong balak na sabihin ang tungkol kay Jessiebel. Kasi sa oras na mabanggit ko si Jessiebel sa kanya... Wala na akong pagpipilian kundi sabihin sa kanya ang sinabi sa akin kahapon ni Jessiebel. Akin na lang siguro iyon. Kaya mananahimik ako. Hindi ko idadamay ang pangalan ni Jessiebel. "Wala..." Tumango siya. At napaatras ako nang bigla siyang dumukwang sa tapat ko. "Relax..." Aniya tsaka tinapik niya ang kaunting balat na sumilip sa skirt ko, kaya hinila ko yon pababa. "Seatbelt first..." Pagbibigay impormasyon niya. Napalunok ako nang maamoy at malasahan ang mentol na hininga niya. Pagkatapos tumunog ang pagkakaayos ng seatbelt, itinuko niya ang kamay sa likod ng upuan ko, ang isa nama'y idinantay niya sa ibabaw ng hita ko. Napalunok ako. s**t! Kaparehong kapareho nito ang imahinasyon ko kanina. Hindi ang pwesto, o posisyon. Itong hotness na nasa gilid ko lang... Gwapo ang hudas! Nakakainis ang kagwapuhan niya... Nakakapang-uto! "I'm sure I'll gonna miss you on those 2 months." Seryosong saad niya. Napalunok lang ako. At nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman ang mga labi niyang lumapat sa mga labi ko. Hindi iilang segundo ay ibinuka niya ang mga labi niya, kaya napasunod ako. Ramdam ko ang init noon, sobrang init. Na pati ako napapaso na rin. Ang sarap talaga ng halik ng hudas... Kahit walang mapagkumparahan, masasabi kong natatangi ang kanya. Dumaing ako at namungay ang mga mata. Hindi ito tulad ng mga kusang ginagawa ng isang tao. Nakakaantok lang talaga ang halik niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD