18

2005 Words
"What that looks, Gorin? Para kang natuklaw ng ahas." Mapang-uyam na tanong ni Jessiebel. Dumoble pa lalo ang nararamdaman kong kaba. Hindi ko maintindihan... Bakit ginawa niya yon?! Ganoon ba siya kainis sa akin na pati ito kaya niyang sabihin sa lahat?! Mapahiya lang ako?! Naiinis na ako, ha! Mas lalong hindi ko siya nagugustuhan kahit sabihin ko pang magkamag-anak sila ni Judas! "H-ha? A-ano..." Nahuli kong lumunok nang sobrang bigat si Gorin. Siguro sinasalamin na namin ang mga nararamdaman ng bawat isa. "Luh? Bakit kayo nahihintakutan diyan?" Aniya sa mas malakas na boses. Nagtubig ang bawat sulok ng mga mata ko sa sobrang tambol ng puso ko. Pati nanginginig din ang mga daliri ko, at sa tingin ko isang maling buka pa ng bibig ni Jessiebel ay baka patulan ko na siya. "Y-yong sa tito mo----" "Ow?" Putol nito sa sasabihin pa sana ni Gorin. Seryoso ito ngayon habang nakatitig sa akin. Nakataas ang isang kilay. Saka siya umiling. Nagbara na naman ang lalamunan ko sa sobrang pagkabahala. Paano kung sabihin nga talaga niya ang lahat ng alam niya dito? Siguradong hindi matatapos ang araw na 'to na hindi ako ang tsinitsismis ng mga tao rito. Ayaw ko nang magulong buhay... Kaya nga hindi ako nakikipagkaibigan. Gusto ko lang mapag-isa. Gusto ko ako lang nakakaalam ng lahat ng mabaho kong sekreto... Dahil nakahanda na ako noong una pa lang bago ako pumayag ako sa ganitong set up. "She isn't literally living with my Uncle, Gorin. Praning! E syempre anong aasahan mo sa isang 'single man' na abogado ang trabaho? Pagkatapos ang mga kliyente ay nasa iba't ibang panig ng bansa? He moves a lot from one place into another. Plus... Amythyst was our distance friend. She needed a place to stay here in Manila. And my Uncle, a truly generous and GENTLEMAN, provided it for her." Ngisi nito. Napalunok ako... Dapat ba akong mapanatag do'n? Parang pinaglalaruan na lang ako ni Jessiebel. Mukhang tuwang-tuwa siyang nakikita akong namumutla at namamawis nang malamig. Narinig ko ang paghinga nang malalim ni Gorin. Para bang nabunutan ng tinik... "Why am I explaining myself, by the way? It should be for you to find out, Gorin!" Tawa nito. Bago naglakad patungo sa pintuan. Ni hindi na siya muling tumitig sa akin. "Baliw..." Bulong ni Gorin. Kinakabahan pa rin ako, pero atleast mukhang naging normal naman ang paligid. Bumabalik na sa ingay ang mga kaklasi ko tulad kanina. May mga kaklasi na ako na nag-uusap bilang magkaibigan o grupo. Kahit papa'no, nabawi niya naman ang binitawan niyang mga salita kanina. Pero ang mga eksplanasyon niya... Hindi nakakabawas sa inis na nararamdaman ko sa kanya. "So? Can I court you?" Nabulunan ako... Putangina? Pareho yatang may topak ang mga taong nakapaligid sa akin! Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil sa biglang pagdating ng guro sa unang klasi sa umagang yon. Kumaripas nang tayo si Gorin at lumipat sa unahan. Tumayo ang mga kaklasi ko na biglang naging pormal kaya sumunod din ako. Muntik pa akong bumati ng 'magandang umaga' kung hindi lang naging maagap ang pagkakapansin ko sa pananahimik ng mga kaklasi ko. Iba nga talaga kapag nag-aaral ka sa isang pretihiyosong eskwelahan... Masyadong pormal. "Miss So!" Napatalon ako, at muntik pang nahulog ang paper bag na nasa harapan ko. Kung hindi lang ako naging maagap. "Care to tell me why were you absent yesterday?!" Matigas na tanong nito. Halos malunok ko naman ang dila ko sa sobrang kaba... Masesermunan pa yata ako. Wala na bang katapusan ang nasasalo kong kamalasan ngayon? "A-ah, a-ano po... Nagkasakit po ako." Mariin niya pa rin akong tinitigan, na para bang inaalam niya kung nagsasabi ako ng totoo. At ginapangan ako ng takot dahil ako mismo alam kong nagsisinungaling ako. "We don't tolerate absences here in our school ground, Ms. So... For now, you are excuse for your suppose to be consequence. Okay, class. Sit down." Nangangatog ang mga tuhod ko habang papaupo. Kinuha ko naman ang paper bag at nilapag sa ilalim ng mesa. "Swerte mo at pinalusot ka. Hindi mabuting excuse ang pagkakasakit, Amythyst. Strikta si Ma'am Duma... Lahat ng mali para sa kanya ay may karampatang parusa." Napalunok ako at nilingon ang lalaking katabi ko. Nakasalamin ito, at medyo seryoso. Pero mukhang mabait naman. Tumango ako, at nakinig sa harapan. At halos magkauntugan ang mga kilay ko sa sobrang bilis ng mga inilabas na topiko. Wala akong maintindihan! Sumakit lang tuloy ang ulo ko! Gayon din sa mga sumunod na klasi... Walang mabuting naidulot ang pag-absent ko kahapon. Mabuti yatang kausapin ko si Judas. Sasabihin ko sa kanya na kung pwede bang tuwing Byernes at Sabado ng gabi na lang kami mag---- ah, basta yon na yon! O kaya kapag walang pasok. O kaya mas maaga para maaga rin ako makapagpahinga. Shit! Pakiramdam ko namula ang bou kong mukha dahil sa mga iniisip! Anong klasing pag-iisip ba yon? Parang polusyon! "I saw how you lost yourself in the topics. Ito, notebook ko. Hiramin mo muna." Ani ng katabi ko. Agad akong ginapangan ng hiya. Nakakapurwisyo pa tuloy ako. Pero dahil kailangan ko nga talaga yon, umoo na lang ako at inabot ang tatlong notebook na inabot niya. Kokopyahin ko ang mga sulat do'n mamaya, saka ibabalik ko rin naman mamaya. Sana lang ay hindi ganoon kadami. "And also, yesterday... Our Class President gave us our locker's key. You can pick yours on her..." Sabay turo niya do'n sa babaeng nakasalamin din na nakaupo malapit sa salaming pintuan. Tumango ako. Ang bait niya. Kahit na no'ng una nakakakilabot ang pagtawag niya sa akin ng 'Miss Beautiful'. "Salamat dito. A-ano, ano nga palang pangalan mo?" Nag-aalangan kong tanong. Ngumiti siya... Cute naman ng lalaking 'to. Nakaka-Anghel ang aura. "I'm Erik..." Sabay lahad ng palad niya. Naiilang na tinanggap ko iyon saka naman siya nagmamadaling umalis na... O hindi naman talaga kasi lumapit 'to sa Class President daw ng room. Nalaglag ang panga ko ng pagkatapos niyang kausapin 'to ay hinalikan niya sa sentido. Magsyota?! Ang weird ng mga tao. Kung makipag-usap kasi ay parang bang hindi gaanong kilala ang mga taong tinutukoy! Yon naman pala ay may namamagitan sa dalawa! "Selos ako..." Putangina?! Kadiri ang lalaking 'to a?! Hindi talaga ako nang-iirap ng tao kaya hinayaan ko na lang. Lalo na at sinesenyasan ako ni Erik pati na rin yong Class President daw, na lumapit sa kanila. Kinuha ko na muna ang wallet, cellphone ko at ang paper bag na bigay ni Jessiebel. At nagdesisyong lumakad patungo sa dalawa. Bagay na bagay ang dalawa. Parang Anghel na nagkatawang lupa. Kapag itinabi, para bang perfect match. Hindi dahil parehas silang may sout na salamin. Iba lang talaga ang dating ng mga aura nila. Siguro nga dahil ramdam ko ang kabaitan ng dalawa. Ramdam ko rin ang nakakainis na pagsunod sa akin ni Gorin. Kung hindi lang talaga masama ang sumabog ay baka sinermonan ko na ang taong 'to. Ngumiti ang Class President nang tuluyan na akong lumapit. Pareho silang may mga magagandang ngiti. Hindi ko mawari, pero sobrang gaan ng loob ko sa dalawa. Hindi tulad nang nararamdaman ko kina Jessiebel at Gorin. Masyadong nakakasakal ang kabaliwan at topak ng dalawa. May kinapa siya sa ilalim ng dala niyang maliit na bag. Saka nang makuha ay inabot niya sa akin 'to. "This is you locker's key." Wika niya, hindi pa rin nabubura ang ngiti sa labi. Ngumiti na lang din ako at inabot ang susi. Saka inilagay sa hawak ko na wallet bago ito isinilid sa paper bag. "I'm Ericka, by the way." Sabay lahad ng kamay nito. Napa'wow' ako sa hangin dahil pati pangalan ng dalawa ay magkamatch rin. Nagkamayan lang kami sandali, hanggang sa binasag ni Gorin ang katahimikan. "Tara..." Aniya. Sabay higit sa kamay ko na hawak-hawak ang paper bag na dala ko noon. Naiinis na tinitigan ko siya. Mabuti na lang din na mahina ang pagkakahila niya sa akin kaya hindi niya ako tuluyang nahila palabas ng silid. Narinig ko ang tawa ng dalawa. "Kawawa ka naman Gorin..." Tukso ni Ericka. "Sama kami, okay lang?" Tanong naman ni Erik. Agad akong ngumiti at tumango. Nagtanguan din ang magsyota. Kahit papa'no ang nararamdaman kong inis kay Gorin ay naglalaho na. Marahil sa magaan na pakiramdam na dala ng dalawa. "Can I come too?" Nakapangulumbabang tanong ni Jessiebel mula sa labas. Nangasim ako. s**t! Sana naman matapos na 'tong klasi at nang makauwi na ako... Hindi ko lang talaga kaya ang topak ng dalawang 'to... Parang silang parehong North Pole. Hindi nagtatagpo sa isang point pero parehong-pareho ang mga ugali. Baka naman, sila talaga ang para sa isa't isa? Napangisi ako sa loob-loob ko... Parang sa lahat ng mga naiisip ko tungkol sa dalawa dito lang ako natuwa talaga. "Ah! f*****g great! Do we have no privacy here?!" Inis na bulong ni Gorin. Hinila ko naman ang kamay ko at naglakad sa unahan, sumunod sina Erik at Ericka kaya pina-normal ko na ang paglalakad ko. Nakasunod naman ang dalawa sa likod. Saktong tumunog ang cellphone ko nang bumukas ang elevator. Napalunok ako. Shit! Ang hudas! Ano kayang kailangan nito? "You're not allowed to answer phone calls inside our school's elevator. Take that down." Bulong ni Jessiebel. Nanghihinang hininaan ko ang volume ng hawak kong Android device hanggang sa namatay na lang ang tawag. Seryosong tinitigan ko si Jessiebel at naalala ang pag-iingay niya noon sa loob ng elevator! No'ng unang nag-usap kami ng mga kung ano-anong bagay lang. No'ng siya lang talaga ang nagsasalita! Di'ba bawal? Pero bakit ang ingay-ingay niya noon?! Sumasakit ang ulo ko sa kanya. Hanggang sa bumukas ang elevator at bumulaga sa amin ang salaming pintuan ng cafeteria. Sa pagyuko ko, umiilaw na naman ang screen ng hawak kong Android. Napalunok ako... Nangangati akong sagutin yon kaso... Nandito ako. "Mukhang importante iyan, a?" Napansin din pala ni Ericka ang tumatawag sa cellphone ko. Mabuti na lang din at kasama ko ang dalawang couple. Nauuna sina Gorin at Jessiebel na nagbabatuhan yata ng mga maaanghang na salita. Noon pa man, may mga topak na ang dalawang yan. "Sagutin mo na... Akina ang paper bag mo. Hintayin ka na lang namin sa loob." Ngiti niya. Ang kaninang mabigat na loob ko ay biglang gumaan. Iba talaga ang hatid niyang gaan sa puso ko. Pareho silang nakakagaan ng loob. Tumango ako at inilagay sa kamay niya ang paper bag. Sandali lang naman, hindi naman siguro magagalit si Jessiebel? E ano naman kung magalit?! "Salamat, sandali lang 'to. A-ah. Restroom lang ako." Tinanguan naman ako ng dalawa. Hinanap ko ang restroom dito at saktong nasa gilid lang pala iyon. Himalang walang katao-tao ang restroom ng mga babae. Ako lang talaga. Napangiti na lang ako... Kahit papa'no pala may swerte ring dala ang araw na 'to. Pumasok ako sa isang cubicle at tinitigan ang cellphone ko na namatayan na ng tawag. Naalala ko na pinasahan nga pala ng load 'to ni Judas kaninang umaga. Unang ring pa lang ay may sumagot na kaagad sa kabilang linya. "Missing you out..." Bungad nito. Nalaglag ang panga ko. A-ano raw? Bangag pa ata 'to sa walang tulog mula pa kagabi. At syempre sa serbisyo ko kanina. Tumawa ako ng kaonti. Tumikhim siya sa kabilang linya. "Weh? Totoo ba? O gusto mo lang gumawa ako ng pilyong magugustuhan mo?" Humagalpak siya ng tawa. Ngumisi na lang ako. Total hindi naman niya nakikita... "What did you have this time? Bakit diyata'y parang nahahawaan kita ng kapilyohan ko?" Tawa niya sa kabilang linya. Pinaglaruan ko naman ang kulot na buhok ko. Nakagat ko naman ang labi ko. Ewan! Siguro nga medyo hinahayaan ko na ang sarili na maging bukas sa kanya! Syempre... Nakakailang naman na kahit na ngayon na may nangyayari nang kakaiba sa amin ay lilimatahan ko pa rin ang sarili... Kahit konti, siguro okay lang yon? "Hindi naman... A-ano. Hmm? Napatawag ka?" Pag-iiba ko. "I told you early this morning that I'll be gone for days, right? Actually, today is my flight... Patungong Iloilo. And I'll be staying there for two months." Two months?!! Pu.tang.ina?!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD