Oo nabobore ako habang tumatagal ang araw... Pero hindi ko rin ipagkakaila na nakakapag-isip ako nang maayos. Kahit papa'no kasi gumagaan na ang loob ko. Hindi ko na masyasong iniisip ang problema ko kay Judas. Si Jessiebel naman, madalas na nakikitulog sa unit ni Judas. Si Manang madalas din kaming binibisita. Si Tito Alexis naman hindi ko na nakita simula no'ng hinatid kami rito. Wala namang nagbago. Kinukulit pa rin ako ni Judas. Balahura pa rin ang bibig. Di na siguro magbabago yon. Nakakainis pa nga dahil kung minsan pag umaapaw ang kapilyuhan niya... Nag-aaya ng SOC... Sabi niya SOC daw ang tawag do'n sa s*x na gagawin daw namin sa chat. Hindi ako pumayag, syempre! Manyakis yon e! Hindi naman ako manyakis... Kaya wala sa isipan ko na patulan yon. "Ito o..." Abot ni Jessiebel sa

