Naging normal naman ang buhay ko, kahit papa'no. Kahit namimiss ko na si Judas. May mga araw na hindi siya nakakatawag, pero kahit gano'n hindi naman niya nakakalimutang magtext... Para magpaalam. Sa tingin ko okay lang naman iyon... At habang tumatagal mas lalo akong nalilito sa nararamdaman ko. Lalo na at sa tingin ko hindi na lang pagkakagusto sa kanya itong nararamdaman ko. Maaaring mas malalim pa roon pero ayaw ko namang pangunahan ang lahat... Dahil kahit saang anggulo tingnan parang kulang pa, hindi pa sapat. Para masabi kong mahal ko na siya. "Amythyst, habang tumatagal mas lalo kang gumaganda." Ngisi ni Gorin habang nakapangalumbaba sa harapan ko. Nasa cafeteria kami ngayon at manananghalian. Sina Erik at Ericka nama'y may kinuha lang sa Lobby. Si Jessiebel nama'y nasa itaas pa

