Palipat-lipat ang titig ni Gorin sa aming dalawa ni Judas. Para bang hindi siya makapaniwala... Sa hindi ko naman malamang dahilan. "Kaya naman pala..." Ngisi ni Ericka at tinuro nang palihim si Judas. Na noo'y nakaharap sa akin at parang baliw na ngumingisi kada minuto. Nasa likod niya naman si Jessiebel na nakayukyok na lang do'n at halatang di na kinaya ang kalasingan. May kasama siyang lalaki, at hindi ko kilala. Pero mukhang kilala naman ni Judas. "Bawal." Aniya pagkaturo ko pa lang do'n sa maliit na entablado na kinatitirikan ng mga inumin. Napanguso ako... Kung kailan ko naman talaga kailangan doon pa hindi pwede. Nangangatog kasi ako sa kaba. Lalo na at ganito kalapit sa akin si Judas. Na kulang na lang magdikit na ang katawan namin. Wala man lang tinatawag ma privacy space? "J

