Ngumingiwi na nga ako ay para pa ring walang pakialam si Jessiebel. Pati sina Manang ay naweweirduhan na rin sa ginagawa niya. "Lumabas ka ba kagabi?" Bulong niya. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto kung bakit niya ginagawa yon... Inaamoy niya ako kasi alam niyang may kakaiba sa amoy ko. Napalunok ako at tinanaw si Judas na mariin ang pagkatitig sa akin habang nakalublob sa gitna ng pool. Shit! Paano malalaman yon? Maaari ba? Naligo naman ako nang mabuti... Kinuskos ko lahat ng pwedeng maging ebidensya. Namutla yata ako. "So? Lumabas ka nga?" Aniya at muling umayos sa pagkakahiga sa lounge. Ako nama'y nakaupo lang dahil medyo naiilang ako sa sout kong one piece bikini. Medyo masikip kasi... Saka pula? Talagang pula talaga? Pinilit kasi ako ni Jessiebel kanina na ito yo

