Magang-maga ang mga mata ko nang magising ako kinaumagahan. Nawalan ako ng gana sa lahat. Kahit ang panghapunan ko kagabi ay binaliwala ko. Napaiyak na naman ko nang maalalang wala na nga palang pakialam sa akin si Judas. Hindi man lang niya inalala na baka gutom ako... Kahit sana yon na lang. Nakatulala lang ako sa kama at hindi makakilos. Masakit pa rin ang puso ko at parang may nakatali do'n na sobrang nagpasikip sa puso ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa isang iglap ganito ang mangyayari. Akala ko ba? Akala ko... Napahagulhol na naman ako at napatakip ng mukha... Gago! Gago! 'Amy, di kita nadatnan sa unit ni Tito Judas.' Chat galing kay Jessiebel. Napatikhim ako at namimigat ang mga mata nang uminom ako ng kape kaso nailuwa ko ito at napaubo ako. Kinuha ko naman ang nakahan

