Napalunok ako at tinitigan ang mukha niyang mukhang pagod. Nakakapagtaka na hindi nakaplaster sa mukha niya ang pilyong ngiting lagi niyang ipinapakita sa akin noon.
"K-kain na po..." Wika ko sabay turo sa likod ko, na dapat hindi naman doon dahil wala ro'n ang daan patungo sa ibaba.
"Okay, just wait a sec." Saka tumalikod siya... Na hinayaang bukas ang pintuan.
Napalunok ako at halos namutla nang makita ko kung paanong gumalaw ang mga muscles niya sa likod habang inaabot ang t-shirt na nakasampay sa sofa'ng naroon. Naalala ko... Ganoon din kaya ang ayos no'n kapag siya ang nasa ibabaw?
Napangiwi ako. Ano ba naman, Amy? Kung ano-anong iniisip mo!
Pagkalabas niya sa pintuan nang silid na yon, na noon ko lang napagtanto na isa palang library, ay kaagapay niya akong bumaba at tumungo sa kusina.
Amoy na amoy ko ang niluto kong adobo, gayon din siya na lumingon pa sa akin. Parang nagpipigil nang ngiti. Napanguso ako at hinayaan ko siyang mauna.
Kumuha siya nang kutsara't tinidor pati pinggan para sa aming dalawa. Pumwesto ako sa upuang lagi kong inuupuan simula pa noon. Tumabi siya sa akin.
Nakakailang ang sobrang katahimikan nang hapag. Nakakapagtaka. Hindi ko alam kung may problema ba ito sa trabaho o sadyang ganoon lang talaga ito kapag nasa trabaho. Ewan! Hindi ko naman alam.
Nauna akong natapos, busog pa kasi ako kaya kakaonti lang ang nakain ko ngayong pananghalian. Nililingon ko siya kada minuto kapag may pagkakataon. Nasa punto na ako na umiinom nang malamig na tubig habang tinitingnan ang malapad niyang likod na noo'y pumipiksi kapag nag-iibang pwesto ang paghawak niya sa kutsara't tinidor na ipinapangkuha niya sa kanin at ulam. Napalunok ako, at nabulunan. Mabuti na lang at naagapan ko kaagad ang pag-ubo. Kung hindi, siguradong lilingon siya dito at magtataka sa inaasta ko.
Inilapag ko sa sink ang baso at medyo humilig do'n. Inekis ko ang mga braso sa tapat lang ng dibdib ko. Napalunok na naman ako at minabuti na lang na titigan ang wall clock pampawala sa pagkabahalang nararamdaman.
Ilang minuto pa ay narinig ko ang pag-usog nang upuan niya kaya bumaba ang mga mata ko roon. Nililigpit niya ang mga pinagkainan. Namula ako nang humarap siya sa sink.
Nahuli ko ang pagkislap ng mga mata niya nang titigan ako. Kung tama pa ang hula ko... Baka nga totoong namumula ako ngayon kaya natutuwa siyang ganoon ang estado nang kulay ng pisngi ko ngayon.
"You look glowing and beautiful, Amy." Aniya pagkatabi sa akin.
Nangatog ang binti ko at lumuwang ang pagkakaekis ng mga braso ko sa harap ng dibdib ko.
Pinagluluko yata ako ng hudas!
"Usap tayo mamaya... Do'n lang sa sala." Aniya pagkalipas ng ilang segundo.
"Ha?" Nagtatakang reaksyon ko. Ano namang pag-uusapan namin? Yong nangyari kagabi?
Nakakahiya naman kung yon nga talaga.
"Just random things... I felt like I lost years because of a case." Aniya at tumalikod.
Naiwan akong nakatanga sa pinaglabasan niya kanina.
Weh? Anong nangyari do'n? Mukhang bumait nang kaonti at lumihis sa madalas niyang gusto naming pag-usapan.
Kinabahan ako at lumilipad na naman ang isipan ko sa kung ano-anong bagay habang naghuhugas nang mga pinagkainan namin.
Nang matapos ay nagbukas ako ng refrigerator at naghanap nang pwedeng kainin doon. Sakto na may mga donuts na nakalagay pa sa kahon ang hindi pa yata nabubuksan. Binili niya yata kahapon, o kung ano. Wala pa namang bawas.
Kumuha na rin ako nang juice pack na nandoroon bago tuluyang lumabas.
Akala ko ba mag-uusap kami? Bakit bakante naman ang sofa?
Humugot ako nang hininga bago naupo roon at nilapag ang mga pagkain sa katapat na mesa. Pinindot ko ang remote at agad na nabuhay ang telebisyon.
Nakakaantok, at ang tagal niya. Sana pala pumasok na lang ako kanina... Kahit abutin pa nang dalawang oras ang traffic... Kahit late. Kesa nandito nga ako sobrang boring naman.
Humikab ako at dinungaw ang kahon nang donut. Binuksan ko ito at kumuha nang tsokolateng donut do'n.
Sobrang tagal! Naiinis na ako ha!
Sumakit ang batok ko kaya medyo tumingala ako para maihiga ang likod no'n sa sandalan nang sofa.
"Amythyst, masakit pa?"
Nagitla ako sa tanong ni Judas! Bakit kasi namimigla?! Gulantang naman ang bou kong pagkatao.
Umikot siya at tumabi sa akin. Tinitigan niya yong kahon ng donut kaya ginapangan ako nang hiya... Dapat hindi ako nangunguha nang mga pagkain nang basta-basta lang! Dapat nagpapaalam.
Nasanay kasi ako noon na malayang-malaya na kumukuha lang doon.
"You eat a lot... But, hindi ka naman tumataba." Kunot noong wika niya.
Hindi ko na alam kung saan ba dapat ako mahiya, sa ideyang kumuha ako ng pagkain na hindi nagpapaalam o sa ideyang sinabihan niya akong pala-kain pero hindi naman tumataba.
E sadyang masasarap ang mga pagkain niya rito sa unit. Hindi ko mapigilang matakam at kumain nang kumain.
"E-ewan ko po." Ani ko, halos malunok na ang dila. Mas pinili kong panatiliin ang mga mata sa telebisyon para naman hindi ako mailang.
"But that's good anyway. Para palagi kang seksi."
Agad akong napalingon sa kanya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang makitang nakatuko ang siko niya sa sandalan ng sofa at nakahilig naman ang ulo niya sa kamay na kumukonekta sa siko na yon. Dahil do'n malaya nang nakaharap siya sa akin.
Nanindig ang mga balahibo ko. Kinilabutan sa pagkakaayos niya sa sarili niya para makaharap ako.
Grabi! Seryoso?!
Hindi ko alam kung dapat na ba akong tumayo o ano. Nakakailang 'to! Sobra! Na gusto ko na lang tumakbo palayo.
"Are we cool?" Tanong niya, bahagyang nakangiti.
Gulat naman ako sa tanong niya. Anong cool? Itong set up namin?
Nga naman, grabing panlalaban ko noon sa kanya. Takot din ako sa kanya. Pagkatapos sa isang iglap parang naging magcasualties na lang ngayon at nag-uusap na parang normal na magkaibigan.
"Are we cool? You aren't against for it, right?" Aniya.
Napalunok ako. Kinapa ko naman ang sarili. Mukhang normal... Tinanggap ko na lang kasi. Saka nag-eenjoy naman ako.
Tumango ako. Mas lumawak ang ngiti niya. Naging dahilan yon para mas lalo siyang lumapit sa akin. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko! s**t! Ang hirap lumunok.
"Masakit pa?" Tanong niya pagkalapag ng kamay niya sa ibabaw ng legs ko. Napalunok ako dahil do'n. Wag naman sana. Kailangan ko nang pahinga, ano!
"H-hindi na gaano. Medyo ngalay nga lang ako."
Tumango siya at tinatapik-tapik ang hita ko. Nakakailang naman 'to...
Naglalaro lang ang mga daliri niya sa ibabaw ng hita ko. Hindi ko mapigilang titigan siya na may pagtataka. Ayaw pa akong lubayan nang ganyang titig niya. Para bang pinag-aaralan niya ang bou kong mukha. Ako naman palipat-lipat ang atensyon sa palabas na nasa tv at sa kanya na nakahilig doon at nakatitig lang sa akin.
"J-jud, tigil na." Ani ko, halos mamanhid na ang mukha sa sobrang kilabot na nararamdaman.
Ngumisi siya at mas lalo pang lumapit at binistahan ang bou kong mukha. Pakiramdam ko pinaglalaruan na naman ako ng hudas.
"Maganda ka nga talaga... Your beauty is a tease." Aniya, hinugot niya sa kung saan.
Parang nasusunog na naman ang pisngi ko. O parang sasabog na sa sobrang hiya. Kung makabukas 'to ng bibig niya ay para bang simpleng bagay lang iyon. Yong kamay niya ang likot-likot. Nakakalito kung saan ako magpopokus.
"But..." Biglang bawi nito.
Nangasim naman ang pakiramdam ko. Ano kayang kadugtong niyan? Kinakabahan ako kasi ibang bagay ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Tulad nang mga bakbakan namin sa ibabaw kama... Kahit hindi naman dapat.
"A-ano?" Tanong ko. Bahagyang nanginig ang boses.
Ngumisi siya, at halos dumikit na sa akin. Yong isang tuhod niya tinatamaan na ang gilid ng hita ko na pinaglalaruan niya noon.
"You don't know how to kiss."
Nalaglag ang panga ko... Sa dinarami-rami nang pwedeng sabihin ay yon pa talaga! Hindi ko inasahan...
"We should get more kisses than sex." Aniya, na parang normal na bagay lang yong pinag-uusapan namin. Napatanga ako.
Shit! Ang straightforward nang hudas! Walang paligoy-ligoy.
"I wanna kiss you... Can I? Pampawala nang sakit ng ulo."
Ano r-raw? Talagang kailangang tanungin sa mismong mukha ko? Parang sinampal niya na rin ako nang katarantaduhan niya.
"Okay lang?" Aniya medyo nag-angat nang isang kilay. Tuluyan nang nalaglag ang panga ko.
Tumawa siya at inilapit pa lalo ang sarili, at naramdaman ko ang tigas nang dibdib niya na tumama sa puno nang balikat ko. Napalunok ako... Gagawin nga nang hudas.
"Sige na. Para naman mas masarap sa susunod kapag nagkantu----"
"J-jud! Ang bastos-bastos ng bibig mo!" Ani ko, na pakiramdam ko noo'y sumabog ang ulo ko sa mga pinagsasabi niya.
Humagalpak siya nang tawa kaya tumatama ang mala-mentol niyang hininga sa tapat nang mukha ko. Nasamyo ko na 'to noon, pero ganoon pa rin ang epekto sa akin. Ang bango, ang sarap nang tama. Napalunok ako.
"Gusto mo?"
Namutla ako. Naalala ko yang tanong niya na yan no'ng may nangyari sa amin dito sofa. Naaalala ko pa rin lahat ng mga sinabi at ungol niya noon.
Tumawa siya. Napalunok ako at tinitigan ang mukha niyang tatawa-tawa.
"Kiss. Halik. Gusto mong matuto?"
Mula sa pamumutla'y nanindig ang mga balahibo ko. Medyo naningkit ang mga mata ko nang nilingon siya. Hindi ko alam kung para-paraan niya lang ito o gusto niya talagang matuto ako...
Tumawa siya at nilipat ang kamay niya na mula sa hita ko na ngayo'y nasa likod na nang bewang ko. Dahil do'n mas lalo kaming nagkalapit na dalawa. Nandoon na pa rin ang siko niyang nakatuko sa sandalan. Kaya medyo nakahilig siya sa kanan.
"J-judas... A-ano..."
"Why am I asking anyway?" Pilyong ngisi niya at medyo dumukwang sa akin kaya napaatras ako. Lalo naman siyang lumapit kaya atras ako nang atras.
Naalog yata ang utak ko nang biglang hinigit niya ako patungo sa kanya. Tumama ang dibdib ko sa dibdib niya kaya napasinghap ako.
Bumaba ang mga mata niya sa pagitan namin. At lalo pang lumawak ang ngisi. Bago muli akong tinitigan na noo'y siguradong namumutla na.
"Lambot." Aniya. At tatawang-tawa na idinikit ang noo niya sa noo ko. Ang isang kamay niyang iginamit pangtuko kanina ay nasa balikat ko na.
Napalunok ako kahit natutuyuan na nang lalamunan.
"Kapag hinalikan kita, stay still, just move when I say so."
Lunok ang naging sagot ko sa kanya.
Nanlaki na lang ang mga mata ko nang naaninag na medyo umawang ang labi niya kaya nasilip ko ang dila niya roon. Agad na dumapo yon sa nakaawang kong labi.
Napasinghap ako nang tumikom ito sa bou kong labi, tumama pa ang dulo nang dila niya sa tapat nang labi ko kaya nanginig ako.
Mainit sa pakiramdam. Ngayon ko lang napagtanto na ganito pala ang pakiramdam nang totoong halik.
Ginalaw niya ang labi niya, bubuka saka titikom nang bou sa labi ko. Tila nauuhaw, at paulit ulit na sumisipsip. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko kaya hindi maiwasang magkatitigan kami ni Judas na noo'y dilat na dilat ang mga mata.
Humiwalay siya sandali.
"Now, just open your mouth and push your tongue a little bit on outside."
Ha?
Napatanga ako sa utos niya. Ngumiti siya at hinawakan ang panga ko gamit ang kamay niyang nakadantay sa balikat ko kanina.
"Open your mouth."
Awang ng mga labi ang naging sagot ko.
"Wider."
Tulala pa rin ako. Umiling siya at ngumisi bago pinisil ang pisngi ko. Medyo umawang pa lalo ang bibig ko.
"Your tongue." Aniya.
Nang hindi ko sinunod ang utos niya ay nagitla ako nang biglang kinalikot nang daliri niya ang dila ko. Napaatras ako. At mas lalo pang nanlaki ang mga mata.
Salaula ang hudas!
Tumawa siya at binawi ang daliri niyang nakatambay sa labas ng pang-ibabang labi ko.
"I told you to get your tongue out."
Pulang-pula siguro ako habang naiilang na inilabas ang dila ko. Nahuli kong lumunok siya at muling dumukwang sa labi ko. Ramdam ko ang pagtama nang dulo nang dila niya sa dulo rin ng dila ko. Napapiksi ako, halos mapatalon, at napahawak ako sa sa balikat niya. Bago tuluyang naramdaman ang dila niyang paikot-ikot sa katawan ng dila ko.
Napalunok ako at napadaing. Namungay ang mga mata ko bago pumikit iyon at sinalamin ang ginagawa niya.
Nadarang na naman ako! Patay kang Amy ka! Ipinalangin mo lang sana na wag humantong sa ibabaw ng kama---- o sofa. Dahil kilala mo ang sarili mo. Kapag nagkahubaran na, siguradong magpapadala ka na naman!
Putangina! Ang sarap humalik ng hudas!