Past Meets Future Dona's POV NAPAIGIK ako pagkagising ko dahil sobrang sakit ng aking likod. Natameme ako nang makita ko si Tangerine na tulog na tulog sa'king gilid. Padapa ang aking posisyon lalo na't paniguradong may sugat ako dun. Bakas ang lungkot sa mukha nito at kahit natutulog ito ay alam kong malungkot ito. Malungkot kaya 'to dahil sa nangyari sa'kin? Ayoko naman maging ilusyonada at manguna sa mga nais nito. Habang tumatagal ay lalong nahuhulog ang puso ko dito ngunit paano ko naman masasabi 'yun kung maraming humahadlang sa'min? "Mahal kita pero 'di tayo pwede sa isa't-isa.." bulong ko at parang pati ang dibdib ko'y kumikirot dahil dun. "Hmm.." naalimpungatan ito at unti-unting binuksan ang mga mata. Agad naman itong umayos nang makita ako nitong gising na. "Anong gusto

