bc

Baby Nemesis ✓ (Tagalog | SPG)

book_age18+
6.5K
FOLLOW
28.2K
READ
fated
comedy
sweet
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

R-18 (SPG)

(Spin-off of Touch Me, Knott and Ravishing Wife)

Aso't pusa man at laging asar na asar sa isa't-isa. May pag-asa bang mapalitan ang pagiging enemies patungong lovers?

Donacelyn Gutierrez, ang babaeng medyo astig kung pumorma pero may pagkapusong mamon lalo na sa mga mahal niya sa buhay. Hanggang sa mapunta sila ng kanyang ina sa bahay ng pamilya Rocero dahil nagkaroon ng lamat ang relasyon ng kanyang mga magulang dahil sa bisyo ng kanyang ama na pagiging sabungero.

Magiging mortal niyang kaaway ang anak ng kanyang Ninang Orange na walang iba kundi si Tangerine Rocero, ang lalaking palikero at lagi siyang ginagawan ng mga kabalbalan na lalong ikakagalit niya.

Ngunit may mangyayaring talagang magpapabago sa kanilang dalawa at 'yon ay ang pagdating ni Baby Nemesis. Sundan natin ang istorya ng dalawang mortal na magkalaban na uuganayin ng isang sanggol na magiging susi ng pagiging malapit nila sa isa’t-isa.

chap-preview
Free preview
Prologue
Note: Plagiarism is a crime. All of the scenes, names and dialogues are pure fiction and imagination of the author. If there is any resemblance in reality it is only a pure coincidental. This story contains scenes that are not suitable for very young readers. ⚠️ All rights reserved ©2020 ▪️▪️▪️ Dona's POV BAGONG SALTA lang kaming dalawa ni Mama sa loob ng subdivision ng  King Fruit Star. Napakaganda ng paligid at naghuhumiyaw ang karanyaan kahit saan man mapadako ang paningin mo. Tanging  mayayaman lang ang may kayang tumira dito pwera lang sa'ming dalawa ng aking Nanay na saling pusa. "Grabe! Napakaganda naman dito! Buti nalang talaga at libre tayong titira dito!" bulaslas ng aking ina na si Dina, may bitbit pa kaming dalawang bayong at mga panabong na manok ni Tatay. Lumayas kami dahil mas pinili ng magaling kong ama ang mga panabong nito kaysa sa'min. Ang saklap 'di ba? Nagkandaletse-letse na ang negosyo namin at nalugi dahil pinapambili pala ni Tatay ang kita namin sa grocery kaya't bilang ganti ay dinekwat namin ni Mama ang dalawang panabong na manok ni Tatay para naman may dagdag kaming kita o 'di kaya'y ulam. "Kaya naman kapag nag-asawa ka Dona pumili ka ng walang bisyo kundi sasakit lang ang ulo mo. Grabe! Nakakagaga talaga kapag walang kwentang lalaki ang kinasadlakan ko! Tandaan mo, ang bilin ko sayo kundi gaga ka din."  Napakamot nalang ako sa'king ulo kahit wala naman akong kuto dahil ang agang mag-ratatat ni Nanay at walang pinipiling lugar. Pansin ko din na palinga-linga si Nanay ito kaya't nakigaya din ako. Maya-maya pa'y may biglang humintong magarang sasakyan sa'ming harapan na tanging sa telenovela sa T.V lang mapapanood. Halos mapapikit ako nang biglang bumukas ang pintuan at nagkasabay pa sa sikat ng araw kaya't nasilaw ako. "Dina!" Tili ng babaeng halos kaedaran ni Nanay ang nakabasag ng pagtakip ko ng mga mata. Sumalubong sa'king paningin ang napakatinggan na kulay ng suot nitong bestida na kulay ginto. Bigla akong napatingin sa sarili ko't nakaramdam ako hiya na tumabi o dumikit dito ngunit wala namang pakialam si Nanay nakipagyakapan. Lah? Lalaban ba kayo sa daster nito. 'Di mo kaya 'yun 'no! Samantalang ako nama'y nakasuot ng T-shirt na itim na may nakasulat na  Rock n' roll na pinaresan ko ng pantalon syempre 'wag mong kakaligtaan ang sumbrero. "Orange! Naku! maraming salamat talaga, ah! Kung 'di dahil sayo ay 'di ko na alam kung saan kami mapapadpad ng anak ko." Humiwalay naman ang babaeng nakasuot ng ginto at natatawang tinapik-tapik si Nanay. Halata sa awra nito na wala itong arte at masayahin na tao. Nakakatuwa namang may ganitong kaibigan si Nanay bukod sa mga chismosa naming kapitbahay. "Sus! Kaibigan kita simula noong bata pa tayo. Sino pa ba ang magdadamayan kundi tayo-tayo lamang, 'di ba?" "Siya nga pala! Nasaan na pala ang inaanak ko? Si Dona!?" tanong nito at napabuntong hininga naman si Nanay. Aba! Bakit may ganun? Itinuro ako nito na akala mo'y 'di bukal sa kalooban. Napatingin naman ito sa'kin at napatili. "Oh my! Ikaw na ba si Dona? Ang batang laging nireregaluhan ko ng strawberry na panties? Ako ito si Tita Ninang Orange mo." Bigla nitong hinawakan ang magkabilang kamay ko at biglang namula naman ang aking mukha. Ano ba 'yan! Sa lahat ng maalala pa ay ang strawberry na panties pa? "Ngayon kaya mapagsusuot mo ng ganun 'yan? Tignan mo nga ang pustura akala mo'y maton. Babae ang anak ko pero kung makaporma daig pa ang may lawit." nayayamot na sabi ni Nanay na ikinatawa naman nito. "Magbabago naman 'yan 'di ba, Dona? Ayos naman ang itsura niya e kaysa naman magsuot ng mga maiiksing damit na akala mo nagpaparty lagi sa club." natutuwang litanya nito at napanganga naman ako. "Talaga po? Salamat po!" hiyaw ko at humagikhik naman ito. "Mommy, Where's your visitors? I'm famished." singit naman ng lalaking nakasuot ng shades na akala mo'y takot masinagan ng araw. Halatang mayaman ito, napangisi naman ito sa'kin dahil titig na titig ako. "Wow! Hi bro! What's up?" Kinawayan naman ako nito na akala mo'y close kaming dalawa. Ano daw? Anong bro? Tumingin ako mula sa'king  likod ngunit asong umiihi lang ang nakita ko at kumaripas pa ng takbo. Napalingon akong muli dito sabay turo sa sarili ko. "Oo ikaw, kailan tayo magpapatuli? Sabay na tayo?" yaya nito sa'kin. Aba't gago 'to, ah. Anong akala nito sa'kin, lalaki? "Hoy, anong tuli-tuli ka dyan! Babae ako!" "Weh? 'Di nga? Patingin nga ng panty mo?" Sa sobrang banas ko dahil nakakapikon 'to ay mabilis akong lumapit dito at sinikmuraan ito na halatang ikinagulat nito. Praktisado ako dahil sinusuntok ko araw-araw ang mga sako ng feeds kapag nababanas ako. "Aw! Bakit ka ba nanununtok, tomboy?!" asik nito at maubo-ubo pa at inismiran ko ito sabay sipa sa bato kaya't tumama naman sa paa nito. "Hindi ako tomboy! Babae ako! Judgemental mo, ah. Ikaw nga dyan supot pa!" hiyaw ko at namula naman ang mukha nit na halatang napipikon na sa'kin. Aba! Very wrong naman na ako ang nilabanan nito. Paporma-porma pa ng akala mo'y matinee idol pero supot naman. "Hmp! Sige ipagsigawan mo. From now on, magkaaway na tayo Donato!" "Bring it on, supot!"  Nagtagisan kami ng tingin sa isa't-isa at pagkatapos ay nagkapitikan kami ng mga ilong. Parehas naman kaming napahawak sa ilong dahil sa sakit. "Anak simula ngayon sa bahay na natin sila titira kaya't magiging housemate na kayo. Sana maging close kayong dalawa.." singit ni Tita Orange kaya't napanganga naman kaming dalawa at napahinto sa pagpipitikan. "Hindi!!!!" hiyaw naming sabay at nagpapadyak. Ayokong makasama ang supot na 'to. "Tsk! Ayokong makasama ang tomboy na 'yan. Mommy! She punched me!" sumbong nito na akala mo'y napakaliit pa e ang laki-laki na para diyan. Napaikot ako ng aking mga mata at nilapitan ako ni Nanay at pinalo sa pwet kaya't napasinghap ako. "Dona! Umayos ka!" sita nito at napanguso naman ako. Ano ba 'yan! Nakakabawas talaga ng angas si Nanay, eh. "Nay! Kurutin niyo din po ang pwet niyang judgemental na 'yan! Sinabihan ba naman po kong tomboy e babae po ko." himutok ko at namula naman ang mukha ni Nanay sa sinabi ko. Natawa naman si supot pero agad din nawala nang kinurot ni Tita ang pwet nito at kitang-kita ko ang pag-angat ng pwet nito sa ere. Nice! "Ouch! Damn! Mommy!" hiyaw nito at natawa naman ako kaya't nanlisik naman ang mga mata nito. "You'll pay big time!" hiyaw nito sa'kin pero dinilaan ko lang. Asa naman 'to na matatakot ako. "Nye! Nye! Supot!" asar ko at hinabol ako nito syempre tumakbo naman ako 'no. Sa paghahabulan namin ay nadapa si supot malapit sa may tae ng aso sabay hatak sa'king damit kaya naman ang nangyari ay natumba ako at lumanding ang labi ko sa labi nito. Nanlaki naman ang mga aming mga mata. "Dona! Tangerine!" hiyaw ng aming mga ina. Doon nagsimula ang aming bangayan ni Tangerine. Hindi naman talaga kasi ako tomboy, eh. Porma ko lang talaga ang ganito. Mas komportable ako sa suot ko, 'yun naman ang mas importante 'di ba? Kaysa naman magsuot ako ng mga p*p*k shorts na kitang-kita ang kuyukot tapos mga damit na walang itinatago. Madali kayang mabastos ang ganun. Ako si Donacelyn Gutierrez, ang mortal na kalaban ni Tangerine Rocero at ito ang istorya ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
852.7K
bc

Erin's Love Story (Tagalog-SPG)

read
45.7K
bc

The Dark Psycho Angel(TAGALOG)

read
83.9K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
114.0K
bc

Just A Taste (SPG)

read
930.6K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.5K
bc

Driver Sweet Lover - SPG

read
233.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook