Chapter 1

1053 Words
The Gem of Rocero's Dona's POV NAPAHIKAB ako't nag-inat-inat bago sumilay ang ngiti sa'king mga labi. Napakasarap ng tulog ko dahil na din siguro sa pagod. Actually, last sem na nga ko sa huling taon ko sa kolehiyo kaya naman todo ang pagpupursige kong makapagtapos. Inayos ko muna ang aking kama bago nagtungo sa banyo para maligo. Nagkamot pa ko sa'king likuran habang naglalakad ako patungo sa c.r. Napabaling ako sa salamin at agad ulit bumalik nang makita ko ang aking itsura dahil may nakaguhit sa noo ko na isang etits. "Argh! Letse ka talaga, Tangerine! Mapuputol ko talaga ang kaligayahan mo!"  Sino ba naman matutuwa kung pagtitripan ka plus the fact na bagong gising lang ako? Dali-daling akong naligo para naman maalis ang etits sa'king noo. Nakakabanas talaga ang lalaking 'yun! Trip na trip ako na akala mo may crush sa'kin kaya binabanas ako at nagpapansin. 'Di naman sa ilusyonada ako pero parang ganun ang dating, eh. Kaso 'di nalang uy! Sakit sa ulo si Tangerine at napakababaero. Porket lang tuli na at kung makaasta akala mo nama'y napakalaki ng pag-aari. Kapal ng mukha, eh. "Gaganti ako akala mo at talagang sinusubukan mo ko, ah. Humanda ka sa gagawin ko at sisiguraduhin kong 'di ka magkakandagulapay at kakabahan ka na talagang bwisitin ako." kausap ko sa'king sarili habang naliligo. Nakakainis talaga, simula nang lumipat kami ni Nanay sa puder ng aking Ninang ay naging ganito ang mundo ko. Tuluyan na din na nasira ang aming pamilya dahil ipinagpalit si Nanay nang tuluyan sa mga manok na pula. Nakakabanas nga naman kung iisipin na ipinagpalit ka sa manok. Masyado kasing minahal ni Tatay ang mga alagang manok nito kaysa sa'min kapag nanghihingi si Nanay ng pera ay binabato lang kami ng mga mura't pati na din lata ng iniinuman ng mga manok. Malaki na din ang pasasalamat naming na may mga taong may busilak na kalooban at isa na dun ang pamilya Rocero maliban nalang sa ulupong na lalaking si Tangerine. Nakakatuwang isipin na pinag-aaral ako ni Tita Ninang sa isang prestilyosong paaralan at sad to say ay school mate ko ang lalaking 'yun. Kasalukuyan akong nagtatake ng Criminology dahil pangarap kong maging isang pulis at ikukulong ko si Tangerine sa salang kagaguhan. Syempre char lang 'yun. Batak na batak ang aking katawan sa mga training kaya nama'y walang binatbat sa'kin si Tangerine kapag gising ako kundi basag ang mukha nito. Daming nalalaman na kung anu-ano minsan pa nga'y ginagawa akong tester ng mga iniiksperimento nitong mga bagay. Isa kasi itong Electrical Engineer ngunit nakikipagkompitensya sa mga sikat na patimpalak sa mga imbensyon at robotics. Nagbihin na din ako ng damit ko para pumasok sa school pero syempre 'di ko nakakalimutan ang ginawa ni Tangerine sa'king prank. Inilibas ko ang aking tiyako dahil may gagawin akong exhibition mamaya. Napangisi ako, sisiguraduhin kong maiihi sa takot 'tong kurdapyo. Pagkatapos kong mag-ayos ay dali-dali na kong bumaba at nakita agad ako ni Ate Frida, ang kasambahay ng mga Rocero. Wala kasi ng dalawang buwan sina Nanay, Tita Ninang at Tito Troy dahil namamasyal sa Paris. Ang bongga, 'di ba? Mapapasana all ka nalang kasi very spoiled si Tita Ninang ni Tito at syempre nakaangkas na si Nanay. "Gud murning, Dona Bebe! Brikpas is up and down!" matigas na usal ni Ate Frida na kakatian ng accent na pang-probinsya. "Hello din po Ate Frids, Good morning din po. Nasaan na po pala si Tangerine?" "Oh? Hemala! Nakow! Sabe ko na nga ba't kras mo si Bibi Tang." Umasim naman ang mukha ko dahil iba naman ang pagkakaintidi ni Ate. Bale si Ate Frida ang loyal kasambahay dito at binabantayan ang bunsong anak ng mga Rocero na si Ponkan. Actually, limang lalaki ang anak nina Tita at Tito. Sina Kuya Apricot, Kuya Citrus, Kurdapyo, Coral at Ponkan. "Eww! 'Di po 'no! Bakit naman po ko magkakagusto sa lalaking manloloko. Alam niyo po bang nilagyan niya ng etits ang noo ko?" himutok ko at nanlaki naman ang mga mata nito. "Oh em gee! Tete pa more!" eksaheradang sabi nito at napailing nalang ako tyaka kumain nalang ng almusal dahil sumasakit ang ulo ko sa mga tao dito. "Aw! Pekon ka kaya't tuwang-tuwa se Bebe Tang na asaren ka." napanguso nalang ako kahit na napakaslang ng tagalog nito ay talaga naman nasasapul ako. "So, noisy! Argh!" inis na bulyaw ni Coral na nakataas pa ang buhok na akala mo'y mangbibiktima ng butiki na nalaglag sa kisame. "Oh, why so grumpy?" masayang bungad naman ni Kuya Citrus na may suot na salamin at gwapong-gwapo sa suot nitong uniporme. "Eh!? Look po Kuya my wallpaper it's a freaking bikini babe!" hiyaw nito at napakunot naman ang noo nito at dali-daling kinuha ang cellphone ni Coral. "Ponkan!" bulyaw ni Kuya at lumabas naman ang nakangising nakakaloko bunso ng pamilya Rocero. "Yesh?" bulol na turan nito, sa edad na limang taon ay talagang makikitaan ng pagkapilyo. "That's bad! Do you want me to slap your tinnie winnie booties?" Napasinghap naman si Ponkan at tumakbo papunta sa'kin kaya't napailing naman ako. "Save me, Ate. Your gonna be a polishwoman! Save me!" bulol na tili nito ngunit dali-daling lumapit si Kuya at kinarga si Ponkan na grabe kung makatili. "Tap! Tap! Ahh! Yayay!" Agad namang lumapit si Ate Frida at pinatigil na ang kulitan ng dalawang magkapatid. "Nakow! Estap na! Magagalet se Koya Aprecot nemo." sita nito at tumigil naman sila. Lumapit na sina Kuya na karga-karga si Ponkan tyaka tumabi sa'kin. Agad namang namula ang aking mukha dahil ang lapit namin sa isa't-isa. Bakit ba? Crush ko siya, eh. Si Kuya Citrus ang ideal man ko. Gentleman at very down to earth. Ganito ang mga tipo ng isang babae kaysa naman sa lalaking kurdapyo na 'yun na napakababaero at maloko. "Dona, may dumi ka.." usal nito at nanlaki naman ang aking mga mata nang lumapit ang mukha nito at  walang arteng punasan nito ang labi ko na natuluan ng chocolate spread na nasa loob ng tinapay na kinakain ko gamit-gamit lang ang daliri nito. Ang lapit-lapit ng mukha nito sa'kin at titig na titig ako sa napakagwapo nitong mukha. "Ayan! Okay na." magiliw na wika nito at nawawala ang mga mata nito sa tuwing ngumingiti o tumatawa. Napabuntong hininga naman ako, mapapansin kaya ako nito kung sasabihin ko ang feelings ko para sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD