School Fair
Dona's POV
NAPABUNTONG HININGA ako habang nakalumbabang nakatanaw sa labas ng bintana. Napakasaya ko naman kahit na nakakabadtrip ang paggising ko at tila bula namang nawala dahil kay Kuya Citrus.
"Oy! Ano na naman 'yan? Mukha kang tanga diyan na para kang nakasinghot ng utot."
Napanguso naman ako dahil panira talaga sa'king day dream ang aking buddy s***h best friend na si Yen Mitzuoka.
"Lah? Grabe naman 'to! Support mo nalang ako, buddy. Gumanda kasi bigla ang araw ko dahil kay crush.."
Tumaas ang kilay nito at napangisi sabay upo sa desk ko.
"Paano bang support ang gusto mo? 'Yung sasabihin kong 'di ka naman magugustuhan pabalik ng crush mo?"
Napabaling naman ang tingin ko dito at nag-peace sign ito at lalong lumabas ang pagiging haponesa nito.
"Chill! Ikaw naman, oh! 'Wag kang HB mamaya'y magkakaroon ng rotation sa pagbabantay sa School Fair. Doon pala tayo nakadestino sa Experiment Zone."
Naningkit naman ang aking mga mata. Aba! Doon pa talaga sa lungga na pinagkakaabalahan ni Kurdapyo ang destino ko.
"Medyo curious ako sa imbensyon ngayon ni Tangerine, eh. Balita ko'y kakaiba daw at talagang kakabiliban natin."
Natawa naman ako at napailing. Lah? Kakabiliban? Utot nito kamo. Last time ay alam niyo ba ang imbensyon? Robot na nakakagawa ng condom para wala daw mabubuntis and magkakaroon ng protective s*x kapag may mga flings. Napakababaero talaga 'no?
"Paniguradong triggered na naman ang mga kalaban ni Tangerine. Alam mo naman daming supporters, eh."
Naputol ang usapan namin nang dumating si Ryker na may dalang donuts. Nakapaskil ang ngiti nito kaya't napangiti din ako.
"Dona, may dala pala akong mga donuts ginawa namin ng kapatid ko kanina. Tara, kain tayo."
"Lah? How about me? Parang 'di mo ko napansin, ah. Walang ganyanan kapag pagkain na ang usapan." singit ni Yen at natawa naman ako samantalang si Ryker ay napakamot ng batok.
Actually, magkakaibigan kaming tatlo ni Ryker at Yen. Solid ang samahan naming tatlo at napakaswerte ko dahil 'di nila pinaramdam sa'kin na iba ako lalo na't sinabi ko ang aking buhay na 'di naman ako mayaman at nakikitira lang kami ng Nanay ko sa Ninang ko.
"Sus! Bakit ko naman kakaligtaan ang kagaya mo, Yen? Para naman sa inyong dalawa 'yan, eh."
Umismid naman si Yen at napailing nalang ako bago tumingin sa labas ng bintana. Napakunot ang aking noo dahil si Kurdapyo ay daig pa ang may-ari ng paaralan at nagkakagulo ang mga sumusunod na babae dito habang nakasuot ng shades nito. Nayayamot talaga ako sa pagmumukha nito gusto kong sapakin.
"Mamaya pala ready tayo sa opening ng school fair. Ikaw ang mag-eexhibition, 'di ba Dona?" tanong ni Ryker at tumango naman ako.
"Pambato natin 'yan, eh ayaw kasing sumali sa Mr. and Ms. Campus." singit ni Yen at sininghalan ko ito. Ayoko nga 'no! Wala akong katalent-talent pagdating sa mga pageant at mas gusto ko ang mga ganito, bakbakan o 'di kaya'y aksyon.
"Oo nga, susuportahan ka naman namin ni Yen tyaka alam namin na mananalo ka lalo na't ang ganda-ganda mo at napakatalented." bwelta naman ni Ryker at napanguso naman ako. Masyado nitong pinapalaki ang tainga ko sa papuri nito.
"Hmp! Wagas ang pagkapuri, ah. Magtira ka naman para sa'kin." singit ni Yen at natawa naman si Ryker. Sana talaga maging maayos ang School Fair.
----
HALOS mapanganga ang lahat ng mga manonood lalo na sa ginawa kong exhibition gamit ang tiyako. Lumapit si Yen na nakangisi habang may hawak din na tiyako at nagsabay kaming gumawa ng mga tricks. Binitawan ko ang hawak ko at tumambling at kasabay 'nun ay nagpalakpakan ang mga kamag-aral namin.
"Ang cool talaga ni Dona!"
"Ang galing talaga ng tandem nina Dona at Yen. The best!"
"Crush ko talaga si Dona kaso takot ako baka bugbugin ako."
"I love you, DoYen!"
Napapailing nalang ako sa pinagsasabi at pinagsisigawan nila at 'di ko namalayan na dumaan pala ako sa pwesto ng Electrical Engineering Department at nakita ko si Tangerine na nakahawak sa baba na akala mo'y nanunuri. Kapal talaga nito, akala mo naman ang galing puro kahanginan lang naman ang nasa utak nito. Inismiran ko ito bago nagtungo sa pwesto namin sa Criminology.
"Astig talaga ni Brader Dona!" puri ni Eliot, kaklase namin ni Yen.
"Syempre naman, tropa ko 'yan, eh." pagmamalaki naman ni Ryker at napangiti naman ako ng abutan ako nito ng tubig. Ininom ko na 'yun at pinunasan ako nito ng pawis sa mukha. Sanay naman ako sa ganung trato nito dahil halos ganun ang ginagawa nito kada pagkatapos ng training namin.
"Lah? Ako? Grabe! Kinakalimutan mo ko, eh?" singit naman ni Yen at dali-daling binigyan ni Ryker ito ng tubig. Umupo na din kami sa upuan namin para magpahinga.
Maya-maya pa'y lumabas ang grupo ng mga Chemical Engineering para magperform. Halos mapakislot ako sa'king kinauupuan dahil sa lakas ng hiyawan.
"Ingay!" himutok ni Yen sa'king tabi at napailing nalang ako dahil sasayaw pala si Vivecka at ang kagrupo nito na V-shock. Napakasexy ng mga ito sa costume kaya't nagkakagulo ang mga lalaki sa kakapito, sigaw at pag-cheer.
"Napaghahalataan talaga ang mga ma-L at tigang."
Napailing nalang ako sa pinagsasabi ni Yen. Well, sino ba ang 'di ang mapupukaw ang atensyon sa mga ito lalo na si Vivecka bukod sa running for c*m Laude ay napakatalented pa at don't forget to mention ay sikat pa o edi saan ka pa?
"Sus! Talbog natin 'yan kapag bumira tayo ng sayaw 'yung viral tahong ni Carla. Tignan ko lang kung 'di tumulo laway ng mga 'yan." sabi nito at may senyas pa na talagang nakakaloko.
"Ewan ko sayo, sayawin mo 'yun mag-isa. Nandadamay ka pa sa kalokohan mo."
"Kill joy ka, eh kaya 'di ka napapansin ng crush mo kasi ganyan ka. Bahala ka nga diyan baka mamaya sa kakaganyan mo 'di kayo magkatuluyan tapos mapunta ka pa sa 'di mo iniexpect."
Napakunot naman ang noo ko, hugotera 'tong si Yen daig pa ang may experience sa pag-ibig. Wala naman akong nababalitaan na may jowa ito, eh. Napalingon ako nang 'di sinasadya sa pwesto ni Tangerine at nanlaki ang mga mata ko dahil nakatingin 'to sa'kin at nang napansin ako ay ngumisi ito na akala mo'y nahuli ako. Kapal ng mukha naman nito
ito na nga nakatingin sa'kin tapos akala naman nito pinagpapantasyahan ko 'tong Kurdapyo na 'to. Ulol, 'di na 'no.
Hanggang sa nagpalakpakan na ay 'di pa din kami nagtatanggalan ng tingin. Kapal ng mukha nito 'di ko pa din nakakalimutan ang pagguhit sa noo ko ng etits. Ang lakas ng trip talaga nito at akala naman nito dapat akong lumuhod sa kanya. Asa!
Napahiwalay nalang ako sa tinginan namin nang biglang pinitik ni Yen ang tainga ko. Napahawak naman ako at nanlaki ang aking mga mata dahil nandito si Kuya Citrus. Mukhang bumibisita, napangiti tuloy ako dahil isa na itong successful Businessman na talagang proud na proud ang aming paaralan.
"Hi Dona! Surprise!" natatawang litanya nito at naningkit ang mga mata nito habang nakasuot ng salamin. Akala ko kasi papasok ito sa opisina lalo na't nakasuot na ito ng casual na uniporme nito doon.
"Ay! Kuya! Ako din i-surprise mo." singit ni Yen at natawa naman ito.
"Surprise sa inyong dalawa! By the way, ang galing ng ginawa niyong exhibition. Ang astig tignan sana kaya ko din ang ganun."
Impit naman ang tili nito samantalang ako nama'y pinipigilan lang. Grabe! Ako talaga ang unang pinuntahan nito kaysa dumiretso sa stage.
"Sige, mamaya nalang. Pupunta na ko sa pwesto ko." paalam nito at nagtungo na dun saglit pang dumaan ito sa pwesto ni Tangerine at ginulo ang buhok nito.
Napabuntong hininga naman ako, so hanggang mamaya pala'y nandito si Kuya. 'Di ko mapigilan na mapangiti dahil mukhang 'di magiging boring ang School Fair at paniguradong pupunta ito mamaya sa Experiment Zone. Sakto! Doon ako nakadestinong magbantay.
"Lah? Katakot ngiti mo parang si Chucky, buddy."
Napanguso naman ako, kailangan kong umayos lalo na't nandito si Kuya napadako ang tingin ko sa stage at nakita nito akong nakatingin at kumaway pa ito habang nakangiti. Paano ba kumalma ngayong nandito ang crush mo?