Chapter 3

986 Words
Invention Dona's POV "My latest invention is called, "Time Whorl." Yes, I know maraming nagtataka kung magiging epektibo ba ito? Well, here's my example. Just wear your protective gear and enjoy the show." Napakunot naman ang aking noo, aba! kakaiba 'to. Ni-hindi ko alam na may ganyang imbensyon si Tangerine. Sabagay 'di naman kami close para maging updated sa buhay ng isa't-isa. Nagsisunuran kami at nagsuot ng protective gear. May inilabas itong daga at ipinaikot nito ang isang spinning sphere na kulay ginto na kasing laki ng pintuan. Grabe! Magkano kaya ang nagastos nitong Kurdapyo na 'to? Maning-mani lang naman sa pamilya Rocero ang maglabas ng pera, eh. Maya-maya pa'y nagkaroon ng malakas na hangin at nakakamangha naman ang imbensyon nito. Namatay din ang mga ilaw at tanging ang Time Whorl ni Tangerine ang gumagana. Ibinato nito ang isang camera at lumabas sa malaking flat screen TV ang itsura ng loob ng imbensyon at nakakamangha ang itsura na akala mo'y nasa galaxy ka. Maya-maya pa'y binato nito ang daga sa loob at namangha kami dahil tila nagpunta ito sa time portal sa nakaraan at napunta sa kalsada na may maraming karwahe. Itinigil ni Tangerine ang imbensyon. "Sa Time Whorl, pwedeng maadjust ang panahon kung saan mo nanaisin mapadpad. Ang ginawa ko sa subject ay ipinunta ko sa panahon ng paghahatol kay Dr. Jose Rizal." Nakakamangha! Magaling talaga mag-imbento ng mga bagay-bagay si Tangerine pati na din sa kabal-balan. Nagtaas ng kamay si Sir. d***s ang sikat na Science Professor na mahilig manggisa ng students sa bawang at sibuyas. 'Yung tipong pagpapawisan ka sa hirap ng tanong. "Mr. Rocero, as you said na ang pwedeng makabalik sa panahong gusto mong balikan ang pwedeng maiserbisyo ng Time Whorl mo. What if, tao naman ang i-try mo? Gagana pa ba 'yan o itatapon nalang sa basurahan?" Napataas naman ang aking kilay. Aba! HB ata si Sir d***s, eh matignan nga ang galing ni Kurdapyo na imbes na kabahan ay nakangiti pa. "Pwede naman po, Sir. Gusto niyo kayo na pong magtry para malaman po natin kung gagana ba o hindi." Kapal talaga ng mukha nitong lalaking 'to. Ang lakas ng apog na sumagot sa teacher ngunit imbes na magalit si Sir ay tumawa naman. "Oh? Takot ka, Mr. Rocero na pumalpak ang imbesyon mo? Hmm.. I bet 'di mo pa nasusubukan ang tao na paglakbayin sa ibang panahon. Better luck next time." Napailing nalang si Tangerine at napabuntong hininga naman ako. Syempre 'di naman biro ang gumawa ng imbensyon lalo na't ganung kadali lang batikusin ang halos ibuhos mo na ang dugo't pawis para mabuo ang ganitong bagay. Nag-alisan na ang mga manonood at nabigyan na ng parangal ang kaklase ni Tangerine na si Austin na ang imbensyon ay napakasimple lang naman kaysa dito na isang tableta para naman magkaroon ka ng jowa. Mapapasana all ka nalang talaga. Nilapitan ko si Tangerine na lugmok na lugmok at sinisipa ang paahan ng Time Whorl na inimbento nito. Hinawakan ko ang balikat nito at malayong-malayo sa kinaiisang mood nito. "Tangerine.." "Oh, ano? Pagtatawanan mo din ba ako? Walang kwenta daw ang Time Whorl ko. Ano naman kung 'di ko pa nasusubukan na gamitin na subject ay tao? Dadating din ang panahon na magiging successful ang Time Whorl ko." Napabuntong hininga nalang ako at tutulungan ko na ito sa pagliligpit nang magkadikit ang aming mga kamay at dali-daling tinanggal ko. Pakiramdam ko ay may kung anong kuryenteng dumaloy sa ugat ko. "Ahm.. ako na.." Edi siya na, arte pa tutulungan na. Napakaano talaga nito, eh. Umismid ako at tumabi nalang at pinakatitigan ang imbensyon nito na talagang nakakamangha ang bawat detalye lalo na sa malapitan kaya't nakapagtataka naman na ni-walang nasungkit na parangal si Tangerine. "May susunod pa naman na pagkakataon. Malay mo din lang pala pang-Science Fair ang imbensyon mo at magamit mo sa future." usal ko habang pinapadaan ko ng aking daliri ang detalye ng Time Whorl. "Tsk! Asa! Wala naman na nanaisin na pag-aksayahan ng oras ang isang Time Whorl 'no. Bahala na baka sa junk shop nalang 'to pulutin." Agad ko naman itong pinigilan, gago talaga itatapon na ni-hindi pa nga nagtatagal. Tanga talaga nitong Kurdapyo na 'to, eh sarap kotongan. "Luh? Rich kid na kagaya mo nag-jujunk shop? Ano naman ang kagaguhan mo at ikakalakal mo ang Time Whorl. Itabi mo nalang sa bahay 'yan at kapag gumana sayo kapag nabanas ako tapos itatapon kita sa panahon na may dinosaur para wala kang landiin." usal ko at ngumisi naman sa'kin ito at lumapit. Napakunot naman ang noo ko kung bakit lalapit-lapit pa 'to. "Sabi ko na nga ba't patay na patay ka sa'kin kaya't 'di na ko nagtataka na mamahalin mo na ko. Wala naman akong magagawa kung magugustuhan mo ko kasi gwapo ako at mapagtitiyagaan ka naman. Ay puta! Argh!" Binigyan ko ito ng sipa sa binti nito, 'di ko naman maatim na i-roundhouse kick ko at baka makatulog pa tapos masisi pa ko. "Tae! Ang sakit! Totoybits ka talaga kaya walang nagkakacrush sayo na Ibang lalaki dahil mas mukhang lalaki ka, eh." Nayayamot ako dito kaya't kinotongan ko nga at napaasik naman ito pero 'di naman ako pinapatulan. 'Yun naman ang magandang katangian nito na kahit pikon na ay 'di nananakit pisikal kundi puro pasalita at asar lang naman 'to. "Kapal mo, akala mo 'di ko makakalimutan ang nilagay mo na etits na noo tapos malaki pa gago ka! Etits na malaki!" "Huh? Etits na malaki?" Napalingon ako sa biglang nagsalita at gusto kong lamunin ng lupa dahil si Kuya Citrus ang nakarinig. Biglang natawa naman si Tangerine habang sapu-sapo ang tyan kaya't sinamaan ko ng tingin. Gago talaga! "Hahahaha! f**k!" tuwang-tuwa ang Kurdapyo. Kainis naman sa lahat ng maabutan nito ay ang etits na malaki pa talaga. Napakagat ako sa'king labi at napatakbo nang wala sa oras. "Bwiset ka talagang lalaki ka pahamak ka sa buhay ko, Tangerine! Makakaganti talaga ako sayo tandaan mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD