Chapter 4

1049 Words
Sleep Dona's POV NAKABUSANGOT ako habang nanonood ng Inuyasha na tipong kahit matagal na ay masarap pa ding balikan. Gusto kong makabalik sa moment na nagsabi ako ng etits na malaki edi sana rampa galore ako sa ibaba. Nahihiya ako, eh kaya naman todo tago ako para 'di mayari. Nakatalukbong ako habang nagmamarathon. Napaluha ako nang hinalikan ni Inuyasha si Kikyo na ex niya s***h first love. Ngumuso ako, grabe! "Fuckboy ka, Inuyasha! Nagkikiss ka ng ex mo na tapos nakasilip pa ang taong nagmamahal sayo." Paghihimutok ko at awang-awa ako kay Kagome na kakabalik lang sa mundo ng mga tao tapos ganito ang maabutan. "Kung ako lang 'yan 'di na ko babalik. Bwiset sarap ipatuka sa manok ang etits!" "Love na love mo talaga ang etits 'no 'yung malaki?" Napalingon naman ako sa biglang nagsalita at nanlisik ang mga mata. Ay! Paanong nakapasok ang Kurdapyo na 'to dito? "Oh? Syempre ginamit ko ang imbensyon ko kaya't maning-mani lang ang pagpasok ko. Ah! Inuyasha, my favorite anime. Bakit ka 'di nag-aaya?" Aba! Kasalanan ko pa? Close ba kami nitong lalaking 'to? Kapal ng mukha naman nito. Bakit ko naman aayain 'to e gusto ko ngang mag-isa. "Bwiset ka! Umalis ka nga dito kung mambwibwisit ka lang dun ka nga sa kwarto mo!" Tumawa naman ito at tumabi sa'kin kaya't lumayo naman ako. Nakiburaot pa ng mga potato chips ko. Inalok ko ba 'to? Well, basta't Kurdapyo ay makapal naman ang mukha. Ni-hindi nga inaalok feeling welcome. Nanood nalang kami, buti naman tumahimik na ito dahil masasapak ko 'to. "By the way, pinagtanggol kita kay Kuya kasi puro tanong kaya't quits na tayo mula sa prank ko." Napabaling naman ako dito, ano daw? Imposible naman na gawin ni Tangerine 'yung pagtatanggol part e lagi nga kong pinagtitripan nito. "Neknek mo! Ako pa uutuin mo. Manahimik ka na nga lang. Kinakalimutan na nga pilit mo namang pinapaalala. Nakakagago ka talaga, eh." Napailing naman ito at nahiga sa kama ko. Napakunot naman ang aking noo, pinapahiga ko ba ang Kurdapyo na 'to? Aba! Nakakabanas na, ah. Bubulyawan ko sana ito kaso napahinto naman ako. "Kahit 5 minutes lang pabigyan mo na ko. Gusto ko lang na may kasama.." Bakas sa boses nito ang pagod kaya nama'y pinabayaan ko nalang. Pansin ko din ang pagod sa mukha nito kaya't 'di ko nalang pinatulan. Ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa panonood. Tahimik lang naman ito hanggang sa matapos ko. "Uy! Matutulog na ko bumalik ka na sa kwarto mo, Kurdap-" di ko na natapos ang aking sasabihin dahil pagtingin ko'y tulog na tulog ito at nakayakap pa sa unan ko. Napabuntong hininga naman ako, ang amo-amo ng mukha nito na akala mo'y walang ginagawang kalokohan. "Sa anggulong 'yan mukha kang mabait pero dyan lang naman dahil alam naman nating bwiset ka." Napailing nalang ako at umusog nalang sa kabilang parte lalo na't maluwag naman ang aking kama. 'Di naman masama ang aking ugali na paalisin ang tulog na. Ayoko naman istorbohin ang tulog nito lalo na't mahimbing na at pagod na pagod ang itsura nito. "Magiging successful ka ding imbentor, Tangerine balang araw.." usal ko at ipinikit na ang aking mga mata hanggang sa lamunin na ko nang antok. --- KINAUMAGAHAN, pagkagising ko ay wala na si Tangerine sa higaan ko. Buti naman! Baka naman masira ang araw ko, 'no. Tumayo na muna ako at pumunta sa veranda wala kaming pasok dahil rest day. Nag-inat-inat ako at ngumanga ako para maghikab nang mapukaw ang atensyon ko. May tumugtog ng flute at napapikit ako dahil ang ganda, eh. Nakakaantok na kahit kakagising ko lang. Ang lakas makarelax. Napangiti naman ako dahil alam ko kung sino 'yun dahil si Kuya Citrus ang mahilig tumugtog ng ganun. "Ang super duper talented mo talaga, crush. Sana naman kapag nagconfess ako ng feelings ko sayo ay matanggap mo at 'di mo ko ituring na isang nakakabatang kapatid." Actually, 'di naman kami magkapatid dahil kinakapatid ko lang naman siya since inaanak ako ni Tita Ninang kaso ayoko naman na ituring ako na ganun dahil gusto ko itong maging nobyo. "Feel na feel mo naman ang itsura mo diyan 'no? 'Di ka sexy kaya't 'wag kang pumorma nang ganyan." Napabaling naman ako sa nagsalita at nakita ko si Tangerine na nakangisi sa'kin habang nakasandal sa railings. Magkaroom-mate kami nitong Kurdapyo na 'to sad to say. "Lah? Reklamador ka pa. Swerte mo nga't nakabalandra ang sexy kong katawan." "Yuck! Saan banda?" Nayamot naman ang sa bwiset na 'to kaya't kinuha ko ang tsinelas ko sa'king paa at binato ito sa ulo. Sapul syempre at napahawak ito sa noo. "Ouch! Hey! Ang sakit 'nun, ah. Ang brutal mo talaga dapat ikaw ang unang makulong hindi 'yung kriminal na huhulihin mo in the future!" Nilabas ko naman ang dila ko at mapang-asar na bumwelta dito. Akala nito makakatakas 'to sa'kin? Utot! "Ikaw ang una kong ikukulong kasi bwiset ka!" "Saan mo ko ikukulong? Sa puso mo?" Napahinto naman ako, lah? Anong pinagsasabi nito lakas ng tama, ah. Alam kong maganda ako pero si Tangerine babanatan ako ng ganyang linyahan aba iba na 'to. "Uy! Kilabutan ka nga. Bakit naman kita ikukulong sa puso ko e mortal na magkaaway tayo tyaka 'di naman kita gusto 'no." Tila natulala naman ito at malungkot na ngumisi sabay talikod. Daming arte ng Kurdapyo na 'to akala mo naman mahuhulog ako sa ganun-ganun lang buti kung si Kuya Citrus ang bumanat sa'kin nang ganyan pwede pa kong mahulog kahit mataas pa. Napakislot naman ako nang pabagsak na isara nito ang glass door. Kapal, ah nagalit pa. Napakaano talaga 'di naman pwedeng pumayag ako 'no gaguhan na 'yun. "Asa kang magkakagusto ako sa kaaway ko. Aba! Malabo pa sa sipon mo 'yun." bulong ko at pumasok na ko sa silid ko para maligo. Kapag rest day aba syempre dapat sulitin. Ano kayang gagawin ko? Ay! Sa sobrang excited ko ay 'di ko alam ang gagawin ko. Naku! Patay! Mamaya bigla kaming magkita ni Kuya at tanungin sa etits topic. "Hehe! Nakalimutan na siguro niya 'yun tutal kahapon naman nangyari. Kunwari wala akong narinig o magbibingi-bingihan effect nalang ako. Kainis naman kasi, bakit ko pa sinabi ang etits na malaki? Si Tangerine kasi bwiset!" Napanguso nalang ako at inisip na magiging ayos ang aking rest day 'di maging hiding day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD