Slow Mo
Dona's POV
"TAP IT! TAP IT!" tili ni Ponkan habang kinikiliti nina Kuya Citrus at Coral. Umiinom naman ng kape si Kuya Apricot na preteng-preteng nakaupo sa paborito nitong silya habang nagbabasa ng dyaryo.
"You little fool! You've farted in front of me!" nayayamot na sabi ni Coral at sinundot-sundot ang tagiliran ni Ponkan na akala mo'y babae makatili. Napailing nalang ako sa kaingayan nila.
"Ey! Ey! Estap in the nim of lab! Magsikaen na kayo at mapalo ko kayo ng sleppers ko na Senderila!" baluktot na dilang sermon ni Ate Frida ang namutawi.
"Sit." utos ni Kuya Apricot at agad na nagsitahimikan ang mga naghaharutan at nagsiupo na sa mga kani-kanilang silya.
"Dona, sit now." puna din sa'kin at namula naman ang mukha ko tyaka sumunod sa utos ni Kuya. Kabaligtaran na very jolly hotdogs ng mga kapatid nito ang pagkaseryoso nito sa buhay. Grabe! Daig pa ang matandang sumanib sa katawan ng batang bilyonaryo. Daig pa nito ang may mga anak na binubuhay, eh kahit wala naman.
"Where's Tangerine?" tanong nito at nagkibit-balikat naman ang mga magkakapatid.
"Dunno, baka naman nag-titingbu- titingbu.." bulol na sagot ni Coral, napailing nalang ako sa kapag Ingles ay ratatat tapos pagdating naman sa Tagalog nababahag ang buntot.
"That's buting-ting, Coral. Dapat nandito na siya at nagpapa-VIP pa sa breakfast."
"Hayaan nalang po natin, Kuya lalo na't malaki ang impact ng pagkatalo nito sa Experiment Zone sa Science Fair nila sa school. What's his invention again, Dona?" singit ni Kuya Citrus at nataranta naman ako. Sinasali talaga nito sa usapan.
"Time Whorl po.."
Napakunot naman ang noo ni Kuya Apricot sa sinagot ko. Aba! 'yun naman ang inimbento ni Tangerine 'di naman ako nag-iimbento 'di ako Scientist.
"Oh, is that so? How come na natalo siya?"
"Hmm.. I don't know too. Masyadong dinidibdib ni Tanjz ang pagkatalo kaya naman for sure ay may ginagawa naman itong revision or new invention." sagot ni Kuya Citrus, katakot naman kachikahan ni Kuya Apricot masyadong lakas maka-prinicipal effect.
"How about you, Ate? What did you do?" tanong ni Coral at bumaling naman ako dito.
"Nag-exhibition ako ng tiyako.."
Nanlaki naman ang mga mata nito at pinaraanan ang buhok na nakatayo na lakas makatusok butiki.
"Wow! That's cool! Can you teach me po?" malambing na sabi nito at napangiti naman ako. Sweet talaga ito kapag pagdating sa mga action.
"Me tu, twee and powr!" singit ni Ponkan na tatawa-tawang sinusubuan ni Ate Frida. Napailing naman si Kuya Apricot.
"No, do your assignments. 'Di porket na walang pasok ay chill lang kayo. You should have an advance study to your next lessons."
"Boo! That's boring, Kuya.." bulong ni Coral at naningkit naman ang mga nito.
"Hayaan na po natin na makapagsaya, Kuya tutal walang pasok. Kailangan din naman ng break from school." singit ni Kuya Citrus, tama naman ito
nakakaguryo kaya ang panay aral kailangan din namang magpahinga para 'di magkasakit.
"Yes! That's true." himutok ni Coral at napabuntong hininga naman si Kuya Apricot. Walang choice dahil walang kakampi, eh.
"Okay, it's break then."
Pumalakpak si Coral at nakigaya naman si Ponkan na tuwang-tuwa pa. Natawa naman si Kuya Citrus sa mga kapatid.
"Ikaw na ang bahala sa kanila, Citrus. Aasikasuhin ko pa ang kompanya." bilin nito at tumango naman Kuya Citrus.
"No problem, Kuya. I will take a break muna from work."
"Yey! Ate teach me, okay?" pangungulit ni Coral at tumango naman ako. Syempre 'di naman agad na mahirap just the basics or mag-taekwondo nalang kaming dalawa. Kung 'di niyo natatanong pero sasagutin ko na din dahil advance naman ako mag-isip na black belter ako.
Napailing nalang si Kuya Apricot bago bumalik sa pagbabasa ng dyaryo. Hala! Edi talagang makakasama ko si Kuya Citrus mamaya? Ay! Sarap tumili kaso 'di pwede baka mahuli ako.
"Sorry, I'm late. Good morning!" bati ni Tangerine at dali-daling umupo sa pwesto nito.
Napakunot naman ang aking noo dahil bakit parang sugat-sugat ang kamay nito at braso?
"Next time, dumating ka sa tamang oras." sita ni Kuya Apricot na 'di inaalis ang tingin mula sa binabasang dyaryo.
"May inaayos lang po, Kuya. Sorry.." magalang na sagot nito at tumango naman ito. Bihira ko lang o mas magandang sabihin na madalang ko lang makitang nag-aaway ang magkakapatid pwera kay Coral at Ponkan. Talagang nakakahanga ang discipline na itinuro ni Tita Ninang syempre 'di din papatalo ang kay Nanay na may pamatay na hanger at tsinelas. Sabog ang nguso at pwet kaya't paniguradong titino ka. Certified batang laki sa palo ang drama ko, e at syempre proud ako dahil 'di naman ako pariwala.
"Kuya! We'll gonna do some action moves later. Ate Dona will gonna teach me tiyanak." bulol na pagbibida ni Coral kay Tangerine na katabi nito at natawa naman ito sabay baling sa'kin at sa kapatid nito.
"Oo, tiyanak ka naman, eh. Sige, talunin mo si Jackie Chan at Jet Li sa mga moves mo."
Tuwang-tuwa naman tumawa si Coral na akala mo'y may malaking inatas sa kanyang papel. Napabuntong hininga naman ako dahil paano kaya nahahandle ni Tita Ninang ang mga lalaking 'to tapos lima pa sabog-sabog na talaga.
---
"YAH! YAH! BOOGSH! BOOGSH!"
Napailing nalang ako kina Coral at Ponkan habang feel na feel na winawasiwas ang isang garter. Syempre 'di ko naman hahayaan na humahawak ito ng totoong tiyako at pektus panigurado sa ulo nila.
"I'm the master! Yey!" tuwang-tuwang litanya ni Ponkan na sali-saliwa ang pagpapaikot kaya't natawa naman si Kuya Citrus at Tangerine sa pinaggagawa ng mga bunsong kapatid.
"No! I'm the master. Look! See my deadly moves?" pagmamayabang na turan ni Coral at ngumuso naman si Ponkan.
"Ay! Sige, ititigil natin 'yan kapag may umiyak sa inyo." sabat ko at agad naman tumikom ang bibig ng mga ito.
"Talagang magpapatuloy ka sa pagpupulis mo, Dona?" biglang sabat ni Kuya Citrus at napabaling naman ako dito. Pwede naman 'di matuloy maging asawa mo nalang, sarap sabihin ang ganun.
"Opo, Kuya. Pangarap ko din na maging pulis at gusto kong magkatotoo po 'yun."
"Bakit naman? Ayaw mo ba ng mga pambabaeng gawain? Paano kapag nag-asawa ka, magpupulis ka pa din?" singit naman ni Tangerine at napakunot naman ang noo ko. Lah? Epal naman 'to nag-uusap kami ni crush, eh pero magandang katanungan 'yun.
"Pwedeng oo pwedeng hindi depende naman 'yun kaso matagal pa ang sinasabi mo at baka maging pulis na ko."
"No matter what happens. Proud na proud kami sayo, Dona. Keep it up!" pagpupuri ni Kuya at tila nagslow mo sa paningin ko ang mukha nito pero siningitan naman ni Tangerine at ngumisi.
"Sus! Baka nga 'di makahuli 'yan ng kriminal, eh." asar nito at umismid naman ako sabay labas ng tiyako ko at nilapitan ko na ikinalaki ng mga mata nito.
"Oy! Oy! Joke lang 'yun!"
Walang joke-joke kailangan naman makita kong takot dito kaya't ipinaikot ko ang tiyako ko at agad na tumayo ito na hinabol ko naman. Syempre 'di naman ako tanga na patamaan ito dahil may puso naman ako.
"Hey! Dona! Stop that!" sigaw nito habang tumatakbo na hinahabol ko naman. Mabilis akong lumapit at nahuli ito ngunit nawalan kami ng balanse at natumba kaming parehas na at agad akong napapikit. Nakarinig ako ng kalabog at napadilat ako. Nanlaki naman ang aking mga mata dahil si Tangerine ay nasa ilalim ko at nakapikit ito nang mariin.
"Are you okay?" nahihirapang tanong nito at pinakiramdam ko ang aking sarili. Wala namang masakit at tatayo na sana ako nang makita kong nasasaktan ang mukha nito. Napakunot ang aking noo at nakita kong may sugat ang kanang braso nito at mas malala pa'y mukhang nagkapilay ito.
"Hey! What happened?! Damn!"
Agad akong tumayo at tinulungan naman ni Kuya Citrus si Tangerine na sapu-sapo ng kaliwang kamay ang injured na kanang braso.
"Parang naipitan ata ako ng ugat or what naramdaman kong may lumagatok.."
Kinabahan naman ako, napakagat ako sa'king labi at pupunta na sana ako kay Tangerine nang bumaling sa'kin si Kuya.
"Ikaw muna ang bahala kina Coral at Ponkan at pupunta kami sa hospital.."
Tumango naman ako at inalalayan nito ang kapatid para masugod sa hospital. Sana naman maging maayos lang si Tangerine at ayokong may mangyaring masama dito kahit na magkaaway kami lagi.