Knock
Dona's POV
KINAKABAHAN AKO habang hinihintay ang pagbabalik nina Kuya Citrus at Tangerine. Sana naman walang masamang mangyari dun.
"Is Kuya going to die?" tanong ni Coral sa'kin at napabaling naman ang atensyon ko. Lah? Uy! 'Wag at paniguradong ako ang suspect.
"Di 'no masamang damo ang Kuya mo kaya't iluluwa siya at 'di mamatay."
Napakunot naman ang noo nito pero tumango naman sa sinabi ko. Hinatak naman ni Ponkan ang damit ko at napatingin naman ako dito.
"Ate, you'll gonna go to jail po.."
Nanlaki naman ang aking mga mata. Kulong agad? Ni-hindi man lang nalaman kung okay si Tangerine masyadong advance mag-isip so Ponkan. Grabe!
"Sama po ko sa jail kati cool.." bulol ungot nito at napakamot nalang ako sa'king ulo kahit na wala naman akong kuto.
"Oh?! That's imposible kasi Ate ang huli-huli ng bad guys kapag policewoman na siya. So no, 'di siya talong.." sabat ni Coral napanguso naman ako. Bakit nasama ang walang muwang na talong sa usapan?
"Hay! Kenakabahan ako nemo lalo na't 'dile pa nauwi ang boys deto." nag-aalalang turan ni Ate Frida na nagluluto ng ulam dahil malapit na maggabi ngunit wala pa din sila. Namamawis na nga kili-kili ko kasi natatakot na ko, eh. Letseng Kurdapyo na 'yun napakahina ng tuhod sa susunod nga papakainin ko ng balot para tumibay o 'di kaya'y uminom ng gatas. Kaloka!
"Good evening! What's our ulam, Ate Frida?" biglang tanong ni Kuya Citrus kaya't napalingon naman ako at nakita ko si Tangerine na mayroon cast sa brasong injured. Napakagat naman ako sa'king labi. Naguguilty ako dahil ako ang may sala kaya't nangyari 'yun dito.
"Ay! Nandyan na pala kayo! Oh! Ano na nemong baleta?" tanong ni Ate Frida at napalingon naman ako sa direksyon ni Kuya dahil gustung-gusto ko malaman ang resulta.
"Okay na po ang resulta though may injury lang siya pero kaya naman ni Tangerine 'yan lalo na't malakas naman 'to. Konting therapy lang naman 'yan and for sure 'di naman papayag itong injured dahil may mga gagawin pa itong invention." sagot nito at tinapik ang balikat ni Tangerine.
"Yes! Kuya's a superhero kaya lakas-lakas siya!" masayang turan ni Coral at pumalakpak naman si Ponkan.
"Yey! Talo na enemy ni Kuya.." tuwang-tuwang turan ni Ponkan at tumakbo't sabay yakap sa hita ni Tangerine. Napangiti naman ito at ginulo gamit ang kabilang kamay ang buhok ng nakababatang kapatid.
"Hay! Nixt taym walang ganyanan. Magmahalan kayong dalawa Bibi Tang at Bibi Dona. Mamaya't mayare ako nina Ma'am at Ser." paalala nito at napabuntong hininga naman ako. Mukhang kailangan kong makabawi kay Tangerine.
--
NAPABUNTONG HININGA ako habang nasa labas ng kwarto ni Tangerine. Gusto kong makausap dito at humingi ng tawad lalo na't 'di ako makakatulog nang ganito.
"Ayst! Bakit ba kabadong-kabado ako e magsosorry lang naman ako." kausap ko sa'king sarili at kakatok na sana ngunit bumukas ito at bumulaga ang mukha ni Tangerine na nakataas ang kilay.
"Lah? Kakatakot palang ako, eh bakit bumukas?" nagtatakang tanong ko at ngumisi naman ito.
"Nakita kita sa camera na nakainstall sa pinto ko." sagot naman ito, sabagay kulang na nga lang gawing robot na nito ang sarili sa sobrang adik sa pag-iimbento.
"Ano palang sadya mo? Hindi ka naman pupunta sa tapat ng aking pinto nang walang dahilan."
"Gusto kong makabawi sayo lalo na't nasaktan ka. Pasenya na talaga, Tangerine." paghihingi ko nang paumanhin. Napanganga naman ito na akala mo'y malabong mangyari ang pinagsasabi ko.
"Woah! Totoo ba 'to? Si Donacelyn ay humihingi ng tawad?" di makapaniwalang turan nito kaya't napaismid naman ako. Minsan na nga akong maging ganito tapos nang-aasar pa, nakakabanas talaga 'tong Kurdapyo na 'to.
"Bahala ka nga sa buhay mong letse ka! Ikaw na nga ang inaalala at humihingi na ko nang paumanhin tapos ganyan lang ang reaksyon mo daig ko pa ang nagsisinungaling. Hmp! Makatulo-" di ko na natapos ang aking sasabihin nang hatakin nito ang papasok ng kwarto nito. Napasinghap naman ako nang tumama ang aking likod sa pinto at halos gahibla nalang ang layo ng mga mukha namin lalo na nung idukdok nito ang sarili.
"I'm sorry, 'di lang talaga ako makapaniwalang nakikipag-ayos sa'kin. Kung saan noon pa ko naaksidente ay matagal na tayong naging close."
Pinitik ko naman ang ilong nito kaya't lumayo ito sa'kin at sinamaan ko nang tingin. Ay! Tanga naman talaga 'no? Sino kayang nanaiisin na naaksidente para lang sa ganun? Napakababaw talaga nitong Kurdapyo na 'to.
"Manahimik ka nga, gago ka 'no? Kung 'di ka lang talaga palaasar edi sana close tayo e pasensya ka bwiset ka kaya naman magdusa ka."
Natawa naman ito at nanlisik naman ang aking mga mata. Mukhang 'di ata pwedeng maging magkasundo kami nito dahil mortal enemy ko na ang Kurdapyo na 'to noong supot pa 'to.
"Nakakabanas ka lang talaga, eh. Umalis ka nga diyan at matutulog nalang ako."
Ngunit hinawakan nito ang aking balikat gamit ang isang kamay at nilapit nito ang mukha sa'kin. Halos magkadaduling na ko sa lapit nito. Ngayon ko lang napansin na maganda ang mga mata nito.
"Gusto ko kasing magpapansin sayo kaya kita inaasar. Ang isang kagaya mo ay mahirap makuha ang atensyon kaya't gumawa ako nang paraan."
Napakunot naman ang aking noo, anong pinagsasabi nitong nagpapansin ito sa'kin? Lah? Anong akala nito sa'kin snobber? 'Di ba pwedeng 'di lang ako friendly dahil ayoko nang fake friends?
"Pinagsasabi mo dyan-" ni-hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang halos maramdaman ko na ang hininga nito sa'king mukha sa sobrang lapit at parang 'di ako mapakali lalo na't sobrang lapit namin sa isa't-isa na talagang nakakapanibago.
"Pwede naman magbago ang lahat, ang enemies pwedeng maging friends at kapag mas lalong nagkaroon ng deeper connection ay magiging lovers. Kaya kong gawin 'yun kung papayag ka. Believe me, pinigilan ko ngunit mamaya'y mahuli ang lahat. Pasensya na at labas sa ilong ang sorry ko."
Napamaang naman ako at nagulat nalang ako nang ilapat nito ang labi sa'kin na talagang 'di ko ineexpect at nanigas ako mula sa kinalalagyan ko. Bakit ako hinahalikan ni Tangerine? Bakit?