Chapter 7

1187 Words
Gigil Dona's POV NAKATULALA ako habang inaalala ang nangyari kagabi at napahawak ako sa'king mga labi. Pakiramdam ko ay nakalapat pa din sa'king mga labi ang labi ni Tangerine. Ang first kiss ko ay kinuha ng aking mortal na kaaway ngunit bakit ganito ang kaba sa'king dibdib? "Oy! Daig mo pa ang nahalikan, ah. May patouch your lips pa ang drama mo, buddy. Imposible namang halikan ka ng crush mo kasi ikaw lang naman ang may gusto, eh." singit ni Yen at parang pinagbagsakan naman ako ng langit at lupa. "Lah? Bangag? Uy! Nasa school ka mamaya ay mapagalitan ka nila Chief." Biglang nagkaroon ng tuksuhan at napakunot ang aking noo dahil may mga nakatingin sa'kin na akala mo'y dyosa ako pero totoo naman 'wag na nilang ipagkaila 'yun. "Ay! So sweet naman nakakainggit!" "Sana all mahaba ang hair kagaya ni brader!" "Lol! Walang hahaba sayo baka bulbol lang yata." "Sarap itapal sa ulo ko ang buhok ni Dona para naman habulin ang gaya ko ni Tangerine my loves." Anong pinagsasabi ng mga kaklase ko? Napasinghap naman si Yen sa'king tabi dahil nasa harapan na namin si Tangerine na may dalang bulaklak at chocolates sa isang kamay dahil may injured pa ang kabilang braso nito. Nakashades pa ang loko na akala mo'y mataas ang sikat ng araw sa loob ng classroom. "Hi Dona! For you.." nakangiting sabi nito at napakunot naman ang aking noo. Ano naman ang trip nito? "Oy! Anong meron? Nililigawan mo ba ang buddy ko? Aba!" singit ni Yen na 'di makapaniwala. Huh? Nililigawan? "Yes, I'm courting her since I've kissed her."  walang prenong sagot nito at napasinghap ang mga tao sa loob ng classroom samantalang ako nama'y ay gusto ko nang hampasin ng armchair ko ang Kurdapyo na 'to. Bakit naman ipinagkakalat nito ang bangungot na 'yun?! "Ay puta ka! May tukaan na palang nagaganap!" napamura nang wala sa oras si Yen na daig pa ang Nanay ko kung makaarte. Paniguradong kulay kamatis na ang mukha  ko dahil sa kahihiyan. "Joke lang 'yun. Bakit naman may kiss na magaganap e magkaaway kami niyan. Kaya 'wag kayong utu-uto." pagmamaneobra ko baka makalusot pa ngunit sino ba ang ginago ko e mga Criminology students pa ang sinabihan ko. "Huli ka na, buddy! 'Di ko aakalain na nililihim mo sa'kin 'to akala ko pa naman best friends tayo tapos malalaman ko nalang na nakikipagtukaan ka dito sa mortal enemy mo." ungot ni Yen at hahawakan ko naman ito ngunit lumayo sa'kin. "Don't touch me. Liar ka! Alam kong magkakalove life ka na pero sana naman shineshare mo ang ganito, buddy sa'kin." Napabuntong hininga naman ako, ang aga-aga lalong pinapasakit ng mga ito ang aking ulo. Bumaling ako kay Tangerine at nanggagalaiti ako lalo na't 'di mabura ang magandang ngiti nito sa mga labi pwes ako 'di masaya. "Bumalik ka na nga sa room mo. 'Wag mo kong banasin ngayon at baka magkaroon ka ng saklay dyan." banta ko at tumaas naman ang kilay nito. "Ganyan ka ba maglambing sa'kin? Napakabrutal mo naman parang 'di tulad kagabi na maamong tupa nung naghalikan tayo." Napa- "ooh.." ang mga kaklase ko at umismid naman ako. Kapal ng mukha akala naman nito na ginusto ko ang halik na nangyari kagabi. Teka nga, 'di naman ako humalik pabalik, ah. Kapal talaga ng mukha nitong lalaking 'to sagad sa buto. "Naghalikan? Humalik ba ako pabalik sayo? Malayo ang sinasabi mo dahil 'di ko ginusto ang halik na 'yun kaya't umalis ka na dahil nababanas na ko! Sige, matigas ka? Ako nalang ang aalis." Natigilan naman ito at natahimik naman ang tuksuhan. Lumabas na ako sa silid at pupunta ako sa c.r.  Naiistress ako tyaka naiihi na ko. Gago talagang Kurdapyo na 'yun walang sinasantong lugar at araw. Ni-hindi pa nga ko nakakarecover sa halik na ginawa nito kagabi. Dali-daling pumasok ako sa cubicle sa loob ng c.r tyaka umihi. Napahawak ako bigla sa'king labi at tyaka sa dbdib ko. Napakalakas ng kabog 'nun na daig ko pa ang nakipagkarera sa field. "Ano bang trip mo, Tangerine? Kagabi ka pa, nakakagago ka na, ah. Ni-hindi na nga ko nakatulog ng maayos tapos may continuation pa ngayon at ipinabalita mo pa sa mga kaklase ko. Nakakainis ka!" bulong ko sa'king sarili, naiinis ako na 'di mawari lalo na't 'di ko maintindihan kung bakit ginagawa nito ang ganung bagay sa'kin. Ang lakas naman ng trip nito at nakakaasar. Nagpunas na ko ng tissue at nagflush ng toilet ngunit napahinto ako nang may mga bubuyog akong impaktitang narinig. "Kapal talaga ng mukha ng mukhang palakang 'yun. Tomboy na nga't walang class tapos may gana pang ipahiya si Tangerine sa mga kaklase." "Yeah right! Akala naman kung sinong maganda e mas maganda pa ang talampakan ko sa pagmumukha niyan, eh." "True! Ginayuma siguro ng babaeng 'yun si Tangerine. Ni-hindi naman ganyan 'yun dati eh dahil laging may girlfriend. Kapal ng mukha. Nagboboil ang blood ko sa chaka girl na 'yan gusto ko siyang sabuntan para matanggal ang kahanginan sa ulo." "Me too! Gusto ko naman siyang isubsob sa inidoro kasi dun siya nababagay at hindi dapat siya feelingera dahil wala naman siyang ipagyayabang." Napataas ang aking kilay, ang tapang naman ng dalawang 'to. Binuksan ko nang dahan-dahan ang pinto ng cubicle at napansin kong nagkakalikot ang mga ito sa mga bag nila ng mga pamahid na elastosil sa mga mukha nilang kawangis ang yero. "Yabang-yabang pa e nagtatapang-tapangan naman. Kaimbyerna ang mga ganyang tao, eh." "Tapos ka na? Ako naman siguro pwedeng sumatsat habang nakatalikod kayo." nanigas naman ang dalawang impaktita. Yari kayo sa'kin lalo na't bad trip ako tapos may paganito pa kayong speech. "Ay! Aalis na kami.." usal nito pero 'di ko sila hinayaan at inilagay ko ang aking magkaparehas na kamay sa balikat nilang dalawa at ramdam ko ang takot. Meron pa pala silang ganun? Ang tapang kanina sa rants tapos 'di maipakita ngayong nakaharap ako? "Lah? Bakit ang bilis? Hmm.. ang gaganda pala ng sinasabi niyong dalawa. Alam niyo kung may problema kayo sa'kin harapin niyo ko at 'wag puro sa likod tumira dapat sa harap." "Ah? Why ka naman namin pag-uusapan? It's impossible naman 'no." pagsisinungaling nito at lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa balikat nilang dalawa kaya't napaigik ang mga ito. "Next time, ayusin niyo rants para sa'kin, ah. Masyadong lame ang galit mo gusto ko 'yung tipong nakikipagsabunutan at sampalan. Gusto ko matry ngayon lalo na't alam na alam mo buhay ko e, kasama ata kita sa isip ko dahil alam na alam mo lahat pati ang kapangitan ko." "Ikaw, gusto mo bang gawin ko ang sinasabi mong ilulublob ko ang mukha mo sa inidoro. Kapal naman ng mukha niyong dalawa para pagsalitaan ako nang ganyan. Kung gusto niyo nang away, tara suntukan!" Nanginginig naman sa takot ang dalawang impakta. Akala nila 'di ko sila papatulan, lakas ng mga apog. "Sa inyo na din si Tangerine, 'di ko naman gusto 'yang kinababaliwan niyo." Iniwan ko na ang dalawang impaktitang namumutla sa takot. Kabadtrip naman, bakit ba big issues sa kanilang lahat si Tangerine. Napayukom ang aking kamao, 'di na talaga matatahimik ang mundo ko at talagang paguguluhin ito ni Kurdapyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD