Chapter 8

1011 Words
Gift Dona's POV BANAS NA BANAS ako habang naglalakad pauwi. 'Di ako sasabay sa lalaking 'yun at baka madagdagan ko ang injury nito. "Chill ka lang, buddy. Ang pikon ay talo kaya naman 'wag kang affected. Kung 'di mo siya gusto edi wala tyaka parang 'di ka na sanay sa mga kalokohan ni Tangerine." singit ni Yen, napabuntong hininga naman ako. Absent ngayong araw si Ryker kaya naman kaming dalawa lang any magkasama. "Sino bang 'di mababanas ang lakas ng trip. Ugh! Sarap manapak!" Natawa naman ito at inakbayan ako. Buti pa si Yen walang problema at laging masaya samantalang ako naman ay daig ko ang may anak. "Para 'di uminit ulo mo tara't kumain tayo ng kwek-kwek at lumpiang togue sa tambayan." Kumulo naman bigla ang tiyan ko. Aba! 'Di ako kokontra dyan lalo na't paborito ko ang mga nabanggit nito. "Tara na at baka maubusan pa tayo. Alam mo naman na blockbuster ang kwek-kwekan at lumpia ni Tatay Pepe at Aling Nini." Dali-dali kaming tumakbo at daig pa namin ang mga batang naghahabulan. Napatawa nalang ako lalo na't sa mga ganitong trip kami magkasundo ni Yen. Napakaswerte ko na din na may kaibigan akong masasandalan na kagaya nito. Hanggang sa makarating kami dun ay habol-hininga kami at nagtawanan. Napailing naman sa'min si Aling Nini. "Ay! Grabe naman 'tong dalawang dalagindng na 'to. Kaya naman halos mataob ang paninda dahil nagtatakbo." biro nito at naamoy ko agad ang mga pinipritong lumpia at kwek-kwek. Ang dami ding mga mag-aaral lalo na't sa bandang 'yun ang pampublikong eskwelahan tyaka mura't masarap din. Mas pipiliin ko ang ganitong tambayan kaysa makipagsosyalan pa ko tapos butas pa ang bulsa ko pag-uwi. "Hello Tay! Pabili po unli!" Natawa naman si Tatay Pepe sa'kin dahil 'di ko din alam kung nakakailan ako. Actually, kada Friday lang kami naggaganito ni Yen minsan naman kada umuuwi. Inuulam ko kasi minsan sa bahay kapag nagsasawa na ko sa ulam. "Naku! Sige-sige. Sandali lang lalo na't maraming orders. Lulutuan ko na kayo para naman sulit ang paghihintay niyo.." Tumabi muna kami ni Yen at naupo sa bangko. Napatingin ako sa mga batang nagsisipagtakbuhan. Napakunot naman ang aking noo nang may makita akong lalaking nakasuot ng hood na itim na nakatingin sa direksyon ko at may sukbit na backpack na kulay baby blue. Lah? Holdaper ba 'to? Tatayo sana ako nang hawakan ni Yen ang aking balikat kaya't napabaling ako dito. "Uy! Lutang ka na talaga. Kumain ka na nga." sabi nito sabay abot sa'kin ng mangkok na may kwek-kwek. "Kanina pa kita tinatawag tapos 'di ka sumasagot. Sino ba ang tinitignan mo at parang 'di ka na namamansin?" "Kasi may nakatingin na lalaki kanina sa bandang dun sa'kin." sabi ko sabay turo sa direksyon kung nasaan ko nakita kanina ang lalaking nakasuot ng itim. "Gaga ka! Gutom lang 'yan. Paano ka naman titignan ng poste ng meralco? Naku! Kumain na tayo dahil tomguts na ko." Napabuntong hininga naman ako dahil wala na ang sinasabi ko. Ang bilis naman, napailing nalang ako at kumain ng kwek-kwek na may sawsawang ginayat na pipino, sibuyas at sili. Baka nga guni-guni ko lang 'yun lalo na't gutom ako. ---- BUSOG NA BUSOG na ko, kasalukuyan akong naglalakad papunta sa subdivision ng King Fruit Star. Napahinto naman ako sa paglalakad ng may marinig akong batang umiiyak. Lah? Ano 'yun? Napasinghap naman ako dahil may lalaking tumatakbo papunta sa direksyon ko at binunggo ako. Nakasuot ito ng kulay itim at nambalasik naman ang aking kalooban sa sobrang gigil ko ay hinubad ko ang aking bag at binato dito ang bag ko at tumama sa ulo nito. "Gago ka, ah! Ang laki ng daan tapos sa direksyon ko pa talaga nakikiagaw." Ngunit imbes na sumagot ay agad itong tumakbo papalayo. Sino ba 'yun at pagala-gala dito sa labas ng subdivision. Panay iyak pa din ng bata ang maririnig ko at lumapit ako sa direksyon na pinanggagalingan ng iyak. Bumungad sa'kin ang sanggol na nasa loob ng baby blue na baby carrier at umiiyak. Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala namang tao bukod sa'kin. Sino naman kayang gagong nang-iwan ng musmos sa ganitong lugar? "Kawawa naman ang baby, oh.. Tahan na, baby.." wika ko at biglang tumigil ito at sumupsop ng daliri. Mukhang gutom na ito at kinarga ko ito. May kung anong humaplos sa'king puso. Ano kaya 'yun? "Saan ka galing, baby? Bakit ka iniwan dito?" Umungot lang ito at napansin ko ang suot nitong kwintas. May nakalagay na pangalang, "Nemesis." "Nemesis?" usal ko at tila natuwa ang sanggol sabay naglikha ng nakakatuwang tunog kaya't napatawa ako. "Ang cute mo naman, baby. Dadalhin kita sa police station para mahanap ka ng magulang mo--" ni-hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin nang pumalahaw ito ng iyak. "Ay? Ayaw mo, saan ka titira sa'kin?" tanong ko at tumigil agad ito at naglikha ng nakakatuwang tunog. Napangiti naman ako, kahit naman ako ay parang ayokong pakawalan ang batang karga ko sa 'di ko malamang dahilan. Sino ka ba, Baby Nemesis? "Naku! 'di naman ako makakontra sayo lalo na't gusto mo ko.." Umungol naman ito at natawa ako. 'Di ko napigilan ang aking sarili na patakan ng halik ang magkabilang pisngi nitong sobrang tambok. Nakakatuwa naman ito lalo na't naglilikha ito ng nakakatuwang tunog. Biglang kumidlat at napatayo naman ako sabay kuha ng bag nito at ang bag ko at pumasok na sa subdivision. Bahala na, ako na muna ang bahala kay Baby Nemesis. 'Di kaya ng puso't konsensya ko na iwan ito sa kinahihigaan kanina lalo na't uulan pa at baka magkasakit pa ito. "Behave ka lang at baka mahuli tayo, baby.." Kakatwang isipin o guni-guni ko lang sumunod ito at tahimik lang na natutulog sa'king dibdib. Napangiti naman ako, napakamasunurin at malambing nito. Bakit naman kaya naatim ng mga magulang nito na iwan ang ganitong klaseng anghel? Napakaswerte nga ng mga ito na may anak sila, grabe siguro naman mula sa teenage pregnancy si Nemesis? Hay! Basta ako na muna ang bahala dito at ewan ko nalang kung mahuli ako ng mga Rocero lalo na't may dala akong sanggol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD