Stalker Dona's POV NAKATULALA ako habang namimili ng ireregalo kay Nemesis nang biglang hampasin ni Yen ang balikat ko at napabalik ako nang wala sa oras sa reyalidad. "Naiyot ka lang, natulala ka na. Kaloka! Ano ba 'yan! Tignan mo naman ang hawak mo at balak mo bang iregalo kay Nemesis 'yan o sa matulis nitong ama?" asik ni Yen sa'kin at napatingin naman ako sa hawak ko at agad naman namula ang mukha ko dahil brief na pang-adult ang hawak ko. Dali-daling ibinaba ko naman ito at napakamot ng ulo. Napairap naman sa'kin si Yen. "Naku-naku! Kumain ka na nga muna tayo at naiistress ako sayo." Napanguso naman ako pero nagpatianod nalang. Baka nga kapag kumain kami ay mabawasan ang kalutangan ko. "Kapag ako magkakajowa, 'di ako magiging super lutang. Kaloka! Daig mo pa ang penguin na magl

