One month has passed since l experienced my one night stand. Unti-unti kong napapansin ang mga changes sa katawan ko. At first di ko lang pinansin kasi normal lang naman talaga sa babae ang mood swings kapag malapit na ang time of the month.
Naging picky-eater din ako, halos 'di ko malasahan ang mga pagkaing nasa harap ko. Amoy palang ay parang nasusuka na ako hindi naman ako dating ganito. Hindi ako mapili sa pagkain. I know something is wrong at ngayon palang may hinala na ako kung anong nangyayari.
My heart is throbbing really fast. Tinitingnan ko ang result ng pregnancy test na hawak ko. I gasped, and tears started falling down my cheeks as I stared at the two red lines in the PT.
I'm scared, how can I explain this to my family na nabuntis ako ng lalaking 'di ko man lang alam ang pangalan na naka-one nightstand ko lang?
I'm trembling, alam ko magagalit sila ng todo at may tendency na palayasin ako sa bahay. Natatakot ako para sa sarili ko at para na rin sa magiging baby ko. May kaunti naman akong ipon sa bangko pero 'di 'yon sapat para tustusan ang pangangailangan ko ng isang taon.
Habang nasa hapag-kainan kami ngayon habang kumakain, dad asked me about my studies. I replied that it's okay. Natigilan ako sa pagsubo nang tinitigan ako ng step mom ko and asked me about something.
"You looked fat Abigail, pinapabayaan mo ba ang sarili mo sa kusina? Bakit parang ang lusog mo ngayon? Hindi ka naman siguro buntis?" tanong nito at sinabayan pa nito ng mahinhin na tawa.
I cleared my throat really hard. 'Yong tipong gusto ko na lang lunukin lahat ng laway ko sa katawan. I don't have a choice but to ready myself to what is going to happen.
Alam ko namang hindi ko talaga maipagkakaila sa kanila ang mga ganitong sekreto. Mga doktor sila, ano bang aasahan ko? Syempre malalaman at malalaman talaga nila kahit itago ko pa.
"I–I'm pregnant," nakapikit kong sabi sa kanila. Narinig ko na lang ang pagbagsak ng kubyertos sa lamesa at napadilat ako ng mata. Nakita ko ang mga mukha nilang seryosong nakatitig sa akin.
"That's not a good joke," walang emosyon na saad naman ni daddy.
"Dad... I–I'm really sorry... it's just an accident dad. Hindi ko sinasadya," nakatungong sagot ko sa kaniya. Kagat-kagat ko ang sariling labi habang humihikbi nang mahina.
Parang ngayon lang nag-sink in ang lahat sa akin. Lahat ng mga bagay na puwedeng mawala dahil sa kagagawan ko at kapabayaan. I disappoint them. Kahihiyan ako sa pamilya!
"Who's the father?" malamig nitong tanong sa akin. Ramdam ko ang pagtayo ng buo kong balahibo sa katawan. Dad is calm which means galit talaga siya. Hindi ko matingnan si Daddy. Ni ang marinig ang boses nito ay para akong mawawalan ng hininga. Alam kong galit siya... galit na galit.
"I don't know him, dad," nanginginig namang sagot ko.
"Are you telling me na nabuntis ka ng kung sinong Poncio Pilato lang? Ni hindi mo man lang alam ang pangalan?" hindi makapaniwala na tanong nito.
Ganoon na nga. Nabuntis ako ng lalaking hindi ko man lang alam ang pangalan. Ganoon na nga dad.
"Arnulfo, this is unacceptable. Mapapahiya tayo nito ng todo," nanggagalaiti na sabi ng step mom ko habang nakahawak sa dibdib niya ang kaniyang mga kamay na tila 'di makahinga. "Manang-mana ka talaga sa nanay mong malandi! Kaya hindi na ako nagtaka pa kung bakit disgrasyada ka rin," galit nitong saad sa akin.
Gusto kong umalis sa hapagkainan pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko papaalis. Naungkat na naman ang nakaraan ng sarili kong ina. Isa lang naman akong anak sa labas. Bunga ng kasalanan kong ituring ng step mom ko. Dating kasambahay nila ang ina ko at nagkaroon nga ng relasyon si Daddy at mama. Namatay sa panganganak 'yong totoo kong mama kaya wala silang nagawa kung hindi alagaan ako.
Pero lumaki akong hindi nakaramdam ng pagmamahal. Sa araw-araw ba namang marinig ko ang mga katagang malandi at isa akong bunga ng kalandian ng mama ko. Tumatak na iyon sa isipan ko. Inasam ko na balang araw na matanggap nila ako kaya nga halos isubsob ko na ang sarili ko sa pag-aaral para sa hinahangad kong pagmamahal na galing sa kanila.
I looked at my step mom again. Isang pagod na tingin. The way she looked at me now ay para bang hinuhusgahan niya ang buo kong pagkatao. I know what I did is an embarrassment towards our family pero 'di ko naman ini-expect na ganito nila ako ikahiya.
Nasasaktan ako sa mga pinagsasabi nila sa akin, all my life I devoted myself to become their good daughter, lahat naman sinunod ko to fill in their expectations. Lumaki ako na laging kinukumpara sa ate at kuya ko. Ni hindi ko naranasang lumaking normal. But just a single mistake lahat ng 'yon ay nabura. All of that... for them... it will never be enough.
"Ipalaglag mo ang bata sa sinapupunan mo, Abi. We can't let that thing ruin your life," dad said with finality in his voice. Na tila ba sinasabi nito na siya ang batas at siya lang ang masusunod sa pamilyang ito.
I felt shivers down my spine while hearing these words coming from my father. How could he? He's a doctor.
Shouldn't be he's the one who really knows about the importance of life? He talks about abortion na para bang hindi sya doktor na nagsasalba ng buhay. They're sick in the head. Nilamon na sila ng kanilang ambisyon sa buhay. Paano niyang nagagawang sabihin sa akin 'yan? Anak niya ako.
Itinuring ba talaga nila akong anak o isa lang akong kasangkapan para sa kanilang pansariling kagustuhan?
"Come on, Maria Abigail. This is for the best, hindi dapat masira ang buhay mo. Kailangan mong maging doktor! 'wag mo kaming ipahiya ng daddy mo. Bakit hindi ka nalang sumunod sa yapak ng pamilya natin? Tingnan mo ang kuya at ate mo. They're now both doctors. Bakit kailangang bigyan mo pa kami ng ganitong kahihiyan!" galit na sigaw ng step mom ko.
I can't see them as human anymore. I'm so horrified sa lahat ng pinagsasabi nila.
"No! I'll keep this baby, dad. Hindi ko kayang pumatay ng sarili kong dugo't laman. Paano niyo naiisip yan?" sagot ko sa kanila.
"What are you saying?! Are you really gonna ruin your future para sa isang kakarampot na dugo sa sinapupunan mo?!" nakakatakot na sigaw ni daddy sa akin.
Natahimik ako at natulala sa kawalan. Kakarampot na dugo? 'Yon ba ang tawag niya sa anak ko?–sa apo niya?
"You'll not gonna keep that child, hindi mo sisirain ang mga plano namin para sayo, saang banda ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan!?" galit na galit niyang tanong sa akin."You need to choose, ipapalaglag mo yan o itatakwil ka namin."
"Saang banda ba kamo, dad? Lahat! Lahat ng pinagsasabi ninyo ngayon ay wala akong maintindihan maski isa!" umiiyak kong sagot habang hawak-hawak ang tiyan ko.
Alam na alam ko na rito ako hahantong. Sa lahat ng sinabi ko at sa paninindigan ko simula palang alam ko na ang magiging sitwasyon ko.
"No dad, hindi mo na ako kailangang itakwil dahil kusa akong aalis at kakalimutang naging parte ako ng pamilyang 'to." Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.
"You've already made your decision, now pack and leave this family in an instant. Wala kang masking pisong matatanggap galing sa pamilyang ito," malamig na tugon ni Daddy sa akin at tinalikuran ako.
I saw my step mom faking her cry habang inaalo siya ni daddy. Alam kong masaya na siya ngayong nawala na ako ng tuluyan sa buhay nila. Ang pangit nga namang tingnan kung ang isang tulad ko na Chua ay nabuntis ng kung sino 'di pa matukoy kung sino ang ama. Pumasok ako sa kuwarto ko at tiningnan ang bawat sulok nito. This room has been my comfort ever since, 'di ko sumagi sa isip ko na balang araw ay aalis ako rito sa ganitong paraan.
Kinuha ko ang mga maletang inihanda ko last week, alam ko naman kasi na ito talaga ang mangyayari when I chose to keep my baby. Inihatid ako ni Mang Rome sa terminal. I called Sam and said na nandito ako ngayon sa may sakayan.
She's in shocked nang makarating sya sa terminal. Niyakap niya ako at bumuhos naman ang mga luha na kanina ko pa na pinipigilan na lumabas. Kinuwento ko lahat ng nangyari no'ng gabing 'yon at kung paano ako napunta sa sitwasyong ito.
"Gaga! Hindi ko akalaing gumagawa ka na pala ng milagro no'n. Akala ko talaga umuwi ka lang nang maaga. 'Yon pala, nakikipag-chukchakan ka na," nakangiti nitong sabi sabay hampas naman niya sa balikat ko.
"Ano na ang plano mo ngayon, Abi?" seryosong tanong naman ni Sam sa akin. "You can't raise that baby alone, besh!"
"I'll raise this baby alone Sam, hindi ko hahayaang maranasan niya ang pinagdaanan ko habang lumalaki, I'll make sure na magkakaroon sya ng magandang buhay kahit ako lang mag-isa."
"Subukan mo kayang hanapin 'yung taong nakabuntis sa iyo Abi? Humingi ka ng tulong para sustentuhan 'yang magiging baby mo. Karapatan mo naman 'yon."
Actually, that idea came to my mind pero dahil ni kahit pangalan niya ay 'di ko nakuha wala ring patutunguhan ang paghahanap ko. Natatakot din ako kapag nahanap ko siya at sinabing nabuntis niya ako ay 'di niya rin aakuhin. Ayaw ko ng mapahiya pa ng sobra, okay na ako sa ganitong sitwasyon ang importante ay maging maayos kami ni baby for now.
"Hindi na siguro, Sam. Hindi ko rin alam kung anong pangalan niya at saan ako magsisimula na maghanap sa lalaking 'yon. Ang alam ko lang sa kaniya ay ang kaniyang asulang pares na mga mata. Sa laki ng Pilipinas ni hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. 'Di rin ako sure kung Pilipino ba talaga 'yun." mahabang paliwanag ko sa kaniya.
Hindi na lang din pinagpilitan ni Samantha ang ideyang iyon dahil alam niya rin siguro na imposibleng mahanap talaga namin ang lalaking nakabuntis sa akin. Dinala naman ako ni Samantha pansamantala sa bahay ng mga magulang niya. Nag-stay ako ng mga isang linggo sa kanila upang maghanap ng malilipatan. Hindi naman ako pinabayaan ng bestfriend ko at tinulungan niya ako sa lahat ng bagay.
Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil 'di niya ako tinalikuran sa panahon na kailangang-kailangan ko ng masasandalan. Palipat-lipat kami ng lugar upang maghanap ng komportableng malilipatan dahil napaka-arte ni Samantha sa pagpili ng apartment. Pang-ilang apartment na ba itong tinitingnan namin ngayon.
"Huwag dito Abigail, maliit masiyado 'tsaka baka 'di maging komportable ang magiging inaanak ko rito. Sabi ko naman sayo pwede ka mag-stay sa bahay, 'di mo naman tinatanggap ang alok ko," nakanguso nitong sabi.
"O siya! Kung ayaw niya rito ay umalis na kayo! Mga chaka na 'to! Nanlait pa!" galit na sagot ng may-ari ng apartment.
Agad-agad kong hinila ang kaibigan palabas dahil sa mukha pa lang nito ay gusto nitong makipagsagutan do'n sa matandang bakla. Kilalang-kilala ko ang kaibigan kong 'to kaya bago pa mag-eskandalo si Samantha ay hinila ko na para mapakalma siya.
"Hayop na 'yon! Eh, totoo naman na ang pangit ng apartment niya!" naiinis na sabi ni Samantha habang naglalakad kami patungo sa kotse nito. Hinipan pa nito ang bangs nito at pulang-pula ang mukha dahil sa galit.
"Magagalit talaga 'yon. Nilait mo kasi 'yong apartment niya!" sagot ko.
"Sabi ko naman sa'yo na sa bahay na lang. Welcome na welcome ka naman do'n ah?"
"Napakalaki na ng naitulong mo sa akin ayaw kong dumagdag pa sa poproblemahin ng parents mo Sam, atsaka kapag nag stay ako sa inyo malalaman din ng mga magulang ko kaya't hindi pwede."
"Sige na nga, pero hanap nalang tayo ulit ng bagong apartment. 'Di ko talaga bet ang apartment na 'yon!" maarteng sagot naman niya.
Napatawa nalang ako sa reaksyon niya. Mag-da-dalawang linggo na rin simula noong lumipat ako sa bagong apartment na pinili ni Sam sa akin. Hindi ko rin alam na binayaran pala ni Sam ng patago ang apartment na 'to for a year. Inako niya ang pagbayad sa renta para sa isang taon.
Ang babayaran ko na lamang ay ang tubig at kuryente. Tinawagan ko siya at tinanong kung bakit niya binayaran. Tinawanan niya lang ako at sinabing munting tulong niya lang daw yun para 'di ako mahirapan na magsimula.
Naninibago pa ako no'ng una pero unti-unti ay nasasanay na akong mag-isa, mahirap magbuntis kapag ganitong wala kang kaagapay.
Pero tiniis ko lahat dahil gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya ko. Hindi naman ako huminto sa pag-aaral at thankful din ako na naka advance full payment na si Dad ng tuition fee ko this year dahil dito nagagawa ko paring pumasok. Isang taon nalang din naman at matatapos na ako sa kursong nursing.
For the past few months ay 'di naging madali ang kalagayan ko lalo na no'ng nalaman ng mga classmate ko ang tungkol sa pagbubuntis ko. Naging big deal sa kanila ang pagpasok ko kahit na buntis na ako. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mga bulung-bulongan tungkol sa akin.
Mga isyu na sinasabing malandi ako at nabuntis ako ng 'di ko man lang nakilala kung sino ang ama. Sa totoo lang, wala talagang problema sa akin kahit pa pag-chismisan nila ako ng buong taon, pero si Samantha ay laging napapa-away kapag nakakarinig siya ng mga panlalait na binabato sa akin.
"Hindi bale ng nabuntis eh matalino naman si Abigail, siya pa rin ang nangunguna sa klase. Baka nakakalimutan niyo yan. Running for suma cumlaude itong best friend ko. Eh, kayo? May napatunayan na ba?" pagpaparinig ni Samantha sa mga kaklase namin.
Isa-isang nag-alisan ang mga nakiki-usyoso sa kalagayan ko at tumahimik ang mga bulong-bulongan. Buti na lang after the admins knew about my pregnancy ay 'di nila ako in-expel.
MABILIS lumipas ang mga buwan at kabuwanan ko na ngayon at nakapag-ready na rin ako sa mga dadalhin ko sa hospital. Mas mabuti na ang hand. Habang gumagawa ako ng thesis ko sa kwarto ay biglang sumakit ang tiyan ko. Sa sobrang sakit halos di na ako makatayo. Dali-dali ko namang kinuha ang cellphone ko upang tawagan si Samantha.
"Sam, I think manganganak na ako." kalmadong sabi ko sa kaniya habang namimilipit na ako sa sakit ng tiyan.
"What? Are you sure? Wait for me, Abi! Papunta na ako. Huwag ka munang umire! Oh my God!" natataranta na sagot nito. Napatawa na lang ako sa naririnig ko sa kabilang linya. Parang siya pa 'yong manganganak sa aming dalawa dahil pagiging nerbyosa nito. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Samantha at paghingi nito ng tulong sa parents nito.
Papalabas na ako ng bahay dala ang mga gamit ko ng pumutok ang panubigan ko. Sa sobrang sakit ay napasigaw ako na siya namang naka-alarma sa mga kapitbahay ko at agad-agad naman nila akong tinulungan.
Dali-dali nila akong pinasakay sa isang taxi upang ihatid sa hospital. Sigaw ako nang sigaw sa sakit at pinagpapawisan na ako. m
Mawawalan na ata ako ng ulirat. Pagdating sa hospital ay agad naman akong inasikaso ng mga doktor at nurses papasok sa delivery room.
"Hinga nang malalim misis, nakikita ko na ang ulo ng bata," sabi naman ng doktor.
"Isang push pa misis, ayan na. Isang malakas na ire misis... 1, 2, 3, ire!"
Umire naman ako ng buong lakas at umalingawngaw sa loob ng delivery room ang iyak ng isang sanggol.
"Congratulations! It's a healthy baby boy." rinig kong sabi ng doktor bago ako makatulog.