Chapter 12

1856 Words
Juniper’s POV “Oh my god! Oh my god! Oh my god!” “Aaaaah!!! Juniper!!!” Halos matumba ako sa kinauupuan nang marinig ko yung napakalakas na sigaw ni Rami. “What the hell, Rami?!” sita ko rito. Buti na lang ay wala masyadong tao sa lobby ng hospital dahil madaling araw na. Agad itong umupo sa sofa katabi ko at hinawakan ang dalawang balikat ko. “Ano bang–” “Nagpasa ka ng resignation?!” pagpuputol sa akin. I remained calm when I heard that. “Where did you get that news?” Nailing siya at nanlalaki pa ang mata. Hindi pa rin niya ako binibitawan at kita ko ang gulat at lungkot sa mukha niya. “Nagpasa ka nga?!” Hindi ako sumagot. “Bakit?!” Hindi pa rin ako sumagot. I haven't passed my resignation to the Director, I just told him about planning to resign. Even the Director was surprised and even asked kung bakit ko naisipan iyon. Kahit ako ay hindi siya nasagot nang maayos kaya sinabi niya na pag-isipan ko nang maigi. One thing that comes to my mind kaya ko iyon nabanggit ay ang paglalapit namin ni River. Ang gulo tuloy ng utak ko. Kung magreresign ako at alam na niya talaga, mahahalata niya na iniiwasan ko talaga siya. At kung aamin ba ako, titigilan ba niya ako? May mangyayari ba? Tatahimik ba ulit ang buhay ko? Sielo even recommended na sabihin ko na lang para tapos na. Baka gusto lang naman kasi ako pasalamatan ni River kaya niya ako hinahanap. Naisip ko rin ‘yan pero naging sarado ang utak ko lalo na ayoko sa mga tulad niya. Baka gusto niya lang talaga pasalamatan yung tao na nagligtas sa kanya. Tapos. Tapos? “Aaah! Hindi ko na alam!” Halatang nagulat si Rami sa inasta ko kaya napabitaw siya sa akin. Ginulo ko ang buhok ko at pumadyak padyak pa na parang bata at saka sumandal sa sofa. “Huy, are you okay?” Rami asked. This is new to Rami, etong reaksyon na ipinapakita ko ngayon sa kanya? Bago lahat eto. I am not like this in front of them. Tahimik ako. Composed. I set boundaries. “I’m not,” tipid kong sagot. “Kung need mo ng kausap, andito lang kami ni Suhanna, ha?” aniya at tinapik tapik ang balikat ko. “Pero huwag ka muna mag-resign! May plano pa kami, eh!” dagdag niya at bahagyang natawa. Masama ko siyang tinitigan at mas natawa lang siya. Ayan na naman yung plano nila na if ever pag rekomenda ng nurse para sa medical mission at office of the mayor ay ako ang isusuggest nila. I don’t have a lot of friends, sobrang picky ko sa mga taong makakasalamuha. I only have Sielo, my family, and myself. I enjoy my time alone. I enjoy being alone. I think iyon ang naituro ng naging trabaho ko dati. I need to be brave enough to conquer anything kahit na mag-isa lang ako. That I will only serve people needing my help or to save lives– nothing more, nothing less. Kung si Rami, Suhanna, at River ay natutuwa sa pakikisalamuha sa ibang tao… iba ako. Not unless I am in hospital to do what I love and when I am in Velvet & Vine to serve the customers. Outside those two, my entire system will shut down. “Mayor River,” I blurted out. Napatingin sa akin si Rami na may pagtataka sa mukha. “Oh? Bakit?” sunod sunod niyang tanong. “Remember his accident?” “Yes! Sinong hindi makakalimot doon?! Naging laman ng mga balita iyon!” napatingin siya sa akin at unti-unting napatayo. Tinuro niya ako at mukhang nakukuha na niya ang gusto kong sabihin. Nilapit niya ang mukha niya sa akin. “D-Don’t tell me… D-Don’t tell me i-ikaw yung nagligtas sa kanya?!” aniya sa mahina pero matigas na tono. “Juniper?!” Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya. Lumayo siya sa akin at napatakip sa bibig, gulat na gulat. Umupo ulit siya sa tabi ko. “Ikaw nga talaga?” ulit niya. Tumango ako sa kanya at doon na naman siya napasigaw. Napatakip ako sa tenga sa sobrang lakas. Hindi na ako magugulat kung maipatawag kami dahil sa pagsisigaw niya. “Pwede ka bang kumalma?” Napahawak siya sa dibdib na para bang hinahabol niya ang hininga niya kaya napairap ako. Ang OA naman! Mamaya himatayin pa ito at kasalanan ko pa. “Okay, okay, wait—” siya at itinaas pa ang dalawang palad na para bang nagmemeditate. After ng ilang segundo ay tumingin ulit siya sa akin. “s**t. Kaya pala hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas ‘yung nagligtas sa kanya… kasi nagtatago ka?! Kaya pala wala pang balita doon sa taong ‘yun ay dahil ikaw! Kasi tahimik ka!” Tumingin lang ako sa kanya. “Oo, alam namin ni Suhanna na tahimik ka pero hindi naman ‘yung aabot sa ganito. Diyos ko po! Paano nangyari? Paano mo siya nailigtas?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Nailing ako. “Just like a good samaritan, call the emergency hotline and tapos.” Nanlaki ang bibig niya at nahampas ako. Parang nadismaya at nabitin pa siya sa sinagot ko. “Kainis ka naman! Si Mayor na ‘yun oh!” medyo humina pa yung boses niya pagdating sa salitang ‘Mayor’. “Pinaguusapan namin ni Suhanna ‘yan eh, na kung iba at normal na tao ang nagligtas kay Mayor at may malasakit talaga siya, hindi niya iiwan si Mayor—” “So, I’m cruel for leaving him there?” “Hindi! Ang ibig sabihin ko ay kung hindi ikaw ang talagang nagligtas kay Mayor– kumbaga ibang tao, nasa news na siguro siya!” she explained. I just shrugged my shoulders. “Ayokong madikit sa kanila Rami,” pag-amin ko. Sumimangot ito. “Kaya pala kapag naguusap kami about kay Mayor ay wala lang sayo! Pero may mga politicians naman na mababait ‘di ba? Tulad niya! Kasama nga siya sa International Anti Corruption Awardees!” pagmamalaki nito. Tumango na lang ako. “Pero ‘yun lang ba talaga ang rason mo? O may nangyari pa? Buong pilipinas ang nag-aabang sa nagligtas kay Mayor, Juniper–” “That’s also why I disappeared, Rami. Ayokong ma-involve sa kanila, ayoko sa ma-expose sa public.” She sighed and gave me a nod. “Mukhang gusto ka pa naman pasalamatan ni Mayor ng personal kaya hinahanap ka nila. Just like your normal day in this hospital, may patients kang aasikasuhin and they will thank you for the service, tapos!” Nailing ako. Hindi nila ako maiintindihan. This is the first time na nagkaroon kami ng mahabang kwentuhan ni Rami. She promised me that she will keep it a promise. Hindi ko na nabanggit na nakaharap ko na si River, hindi rin naman nila alam ang kwento ng buhay ko. Pakiramdam ko ay kahit anong pagtatago ko sa sikreto na ‘yun ay hindi na ‘yun tatalab. Kung may ideya na si River, alam na niya kung saan ako hahanapin. Wala ka na talagang kawala, Juniper. You must face this. Hindi ako umuwi sa bahay, sa apartment ako umuwi after ng shift ko, umaga na nga iyon. Tumawag na lang ako kay Tiya para hindi na sila mag-abang sa akin, papasok din naman ako sa hospital ng hapon. Hindi ako masyadong nakatulog, panay ang gising ko at pagiisip ng mga nangyayari. I need distractions. Ilang araw akong gano’n. Hindi na rin muna ako bumabalik sa Velvet & Vine at baka magkita pa kami ni River. Kumukuha na lang ako ng impormasyon sa mga staff at nalaman ko na nakailang balik daw si River doon. Hindi naman daw nagtatanong tungkol sa akin kaya nahismasmasan ako. Hindi ko na masyadong prinoblema dahil sino ba naman ako, mas marami pa siyang bagay na kailangan isipin kesa sa babaeng nagligtas sa kanya. Napansin na nga nila Rami na iba ang itsura ng eyebags ko kumpara sa normal na araw ko sa hospital. Sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko kaya wala akong maayos na tulog. Ang dalawang linggo ay naging isang buwan, ang isang buwan ay umabot ng dalawang buwan. 2 months akong hindi bumalik sa Velvet & Vine, and I took a break from the hospital. Binalikan ako ng Director sa nasabi kong plano na pagreresign and I told him na hindi ko naman itutuloy, naisipan ko lang talaga. He suggested na mag-break na lang daw muna ako para makapagisip and I took the chance. I spent my free time with Sielo and his friends. Ilang linggo din kaming tumatambay sa shooting range nila Hart. Yes, aside medical related, I also know how to use a gun, tulad ng sabi ko I was trained just like them. I spent most of my weeks here tumutulong sa mga guests. Someone caressed my back. “Kamusta? Babalik ka na sa hospital next week,” and I heard Sielo’s voice. Kakarating lang niya galing work, I told him to go here sa shooting range. Inabot niya sa akin ang pinabili kong burger, namilog ang mata ko nung kinuha ko iyon sa kanya at umupo sa sofa. Agad ko iyong nilantakan na ikinatawa niya. “I’m fine and thanks for my biggies,” I told him. He chuckled. “Basta ikaw,” at tinitigan niya ako. Knowing Sielo at ganyan siya makatitig may gusto ‘yan malaman sa akin. After my last interaction with River, ilang beses pa lang namin ulit napagusapan ni Sielo si River. “I’m fine and I’m ready,” I said. Natawa siya. “Ready for what?” Inirapan ko siya. “Shut up, you know what I’m talking about.” “Just testing you, Juni. But are you really sure?” I gave him a nod. He let out a sigh. “May nalaman ako kela Jeff and Hart,” at doon ako napatingin sa kanya. “River collab with the hospital kung saan ka nagwowork for their medical mission and other plans.” Tumango lang ako rito at ipinagpatuloy ang pagkain sa burger. I didn’t see that coming. Wala rin akong balita kela Rami dahil they respect my break. “Kung magkikita man kami ulit, ready ako.” Napameywang si Sielo sa harapan ko at ngumisi. “Really, huh? And what if I told you na alam na niya?” At doon ako napatigil sa pagnguya. “Nalaman nila Jeff from a reliable source that River’s team already retrieved the memory card from the surround-view cam of his car—” Pinutol ko siya. “Kailan pa?” I asked him. “Two weeks ago, Juni. I didn’t tell you right away since I don’t want to spoil your break.” Nginitian niya ako at naupo na sa tabi ko. “Am I doomed?” Doon natawa si Sielo at sinabayan ko na rin siya. “Don’t worry, pasasalamatan ka lang ni Mayor.” Mapanukso niyang sambit at pinisil ang pisngi ko. Inirapan ko siya. “Sana nga.” Oh no, goodluck, self.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD