Juniper’s POV
Pagbalik ko sa hospital at sa Emergency Room agad ang bagsak ko. Maraming bumati sa akin pagbalik at kinamusta ang bakasyon, I just answered them nicely. Hindi ko naabutan sila Rami and Suhanna sa ER, ang sabi ng isang attending nurse ay nasama sila sa rotation for this month, pero kung bakante naman sila ay pwede naman sila bumaba-baba rito sa ER.
Parang hindi nga ako umalis. Same amoy ng antiseptic, same ingay ng monitors, same sigaw ng pangalan sa triage. Yung katawan ko, automatic na gumagalaw bago pa matapos yung first tawag.
“Juniper, dito ka!” sigaw ng isang nurse sa akin. “Ang daming pasyente—assist ka muna sa triage!”
“Okay,” sagot ko, tapos suot gloves agad.
Paglapit ko, may babae na hawak yung tiyan, namumutla, pawis na pawis. Naka-yuko siya sa upuan na parang babagsak. May kasama siyang lalaki at bakas din sa mukha nito ang pag-aalala.
“Ma’am, tingin po sakin,” sabi ko, steady lang. Halos maging sanggol na kasi siya sa pwesto niya. “Ano po ang masakit sa inyo? Kailan po nangyari?”
“Ngayon lang… sobrang sakit…” hingal niya.
Kinuha ko BP cuff, kinabit ko sa braso niya. “Sir,” tawag ko sa kasama niyang lalaki, “paki-hold po yung arm niya, ha. Ma’am, hinga tayo. Slow lang.”
“May ibibigay po akong info board and pakisagutan na lang po ha? Then pakihintay na lang po yung paglapit ng Doctor natin.”
Tumango ang lalaki sa akin. “S-Sige po, salamat. Matagal pa po ba ‘yung Doctor?” tanong nito.
Nginitian ko lang sila. “Marami po kasi tayong pasyente ngayon, Sir. Maasikaso naman po kayo kaagad ng Doctor kapag tinawag kayo.”
“Aah, sige po.”
“Maiwan ko po muna kayo, may lalapit po na nurse para kuhaan si Ma’am ng dugo.”
Tinanguan ako nito. This is the reality of hospitals here in the Philippines, mapa-public man o private. As long nakikita pa nila na kaya mo, hindi ikaw ang uunahin nila, pwera nalang kung duguan ka o critical ka, at kailangan mo talaga ng urgent care. Kaya as a nurse, lagi kong pinapagaan ang pakiramdam nila by taking care of them.
Habang lumalabas yung reading, naririnig ko sa likod ko yung iyak ng bata—malakas, tunog takot. Lumingon ako saglit, kita ko may sugat sa tuhod, tapos yung nanay halos maiyak na rin. Buti na lang ay isinasikaso iyon agad ng isang nurse.
Pagkatapos ko asikasuhin yung babae ay napatingin ako sa iba pang kakapasok lang.
May lalaki na hawak yung wrist niya, namumula at medyo namamaga. “Na-sprain ata, Nurse.”
“Okay po sir, tingnan natin,” sabi ko. Gentle pero mabilis.
“Rate niyo po yung pain from 1 to 10?”
“Mga seven.”
“Noted. Check ko po circulation ha… pakiwiggle yung fingers.”
Pinisil ko lightly yung dulo ng daliri niya, tinitignan ko kung bumabalik yung kulay. “Okay. I think kailangan niyo po ng x-ray, for now, elevate po muna natin.”
May isa ring babae na ganun din ang case pero ankle naman. After nila kuhaan ng blood pressure ay sinabihan na ako na available na yung x-ray room kaya kinuha ko na ‘yung wheelchair para isa-isahin ‘yung mga patient na kailangan ng x-ray.
“I’ll help you,” someone said in a low tone.
Napatingin ako rito at nakita ko ang isang nurse na lalaki. I am not familiar with him, mukhang bago.
“Hello, I’m Gael po.”
“Ah, you’re new here?”
He nodded. “Yes po, 3 weeks ago,” he answered.
Tinulungan namin makapasok sa Imaging room yung babaeng may ankle sprain at nung makalabas kami at doon iniabot ni Gael ang kamay niya.
“Hi, again! I am Gael po,” as he smiled.
I looked at his hand. “How old are you?”
Nakita ko ang paglaki ng mata niya at nginisian ko siya. Napahawak siya sa batok bago sumagot. “Ahm, 30—”
Pinutol ko siya. “We're the same age, don’t ‘po’ me.”
Bahagya siyang natawa sa binanggit ko at inilahad na ulit ang kamay. Tinanggap ko naman iyon. “Call me Juniper.”
Nginitian ako ni Gael at kitang-kita ko ang pantay at maputi niyang ngipin. Nakita ko na si Gael kanina sa ER, hindi ko naman pinansin masyado, he didn’t walk in like someone trying to be noticed. He just… fit into the flow. But you still register him.
He’s tall, tall enough that you can spot him even when the hallway’s packed. His hair is thinning, like a buzz cut. I think he really chose the clean, practical look instead. It suits him.
He has a straight, prominent nose and the kind of good-looking features that don’t need effort—sharp, neat, composed.
What stood out more than his face, though, was how he moved kahit na kanina ko lang siya napansin. No wasted motion. No loud energy. He listened, nodded once, and did the work like he’d already learned the ER rhythm.
“First job?” I asked him as we walked through the hallway.
“No, and yes sa private hospital, but I was working as a family private nurse before.”
“Good luck and welcome,” I told him and inunahan ko na siya sa paglalakad para umasikaso pa ng iba.
Ang buong shift ko ay umasikaso lang ako ng mga pasyente, jampacked ang ER kaya hindi ako agad nakakain. Buti na lang may binili akong meal bago pumasok at iyon na lang ang kinain ko.
My day went by unusual… because of Gael. Hindi ko kasama sila Rami at Suhanna pero may Gael naman na dumidikit sa akin. I understand dahil bago siya at mukhang naghahanap ng magiging kaibigan. I don’t find it weird, mabait naman si Gael. Hindi siya ‘yung tipong maiinis ka kapag kaharap at kausap mo. Napansin kong magaan din ang loob sa kanya ng mga ibang empleyado, kaya wala na akong nagawa. Ayoko naman maging rude at baka matsismis pa ako.
Nalaman ko rin na sa unang araw na pagbalik ko sa hospital ay dumating din si River. Nagkaroon daw siya ng meeting with the Board. Grabe ang pagdadasal ko na huwag siya makita at pinagbigyan naman ako ni Lord.
Handa naman ako pero ngayong alam na niya ay hindi ko na alam. Huwag lang talaga na lumabas iyon sa kahit anong news dahil didiretsuhin ko talaga siya. Sa pagbalik ko ay wala pa naman akong naririnig na mga tsismis about doon.
Nakakuhar rin ako ng balita sa Velvet & Vine at nalaman na hindi na rin bumabalik doon si River. Dahil doon ay nakampante ako bumalik-balik sa Velvet & Vine.
It’s been a month since I went back from my break and peaceful naman… pwera na lang sa 3 musketeers sa hospital na kilala ko.
“Anong tawag nila kay Juniper?” Rami asked Gael.
Natawa si Gael at napatingin sa akin. Inirapan ko lang sila at ipinagpatuloy ang pag inom ng coffee. Nasa canteen kasi kami ngayong apat at magkakasama na nag-break. Yes, magkakakilala na silang tatlo at masasabi kong iba ang pinasok ko. Mabilis na nagclick ang tatlo at akala mo ay ilang taon na silang magkakaibigan.
“Ice princess,” Gael said.
Nagtawanan ‘yung dalawang bruha na para bang wala nang bukas. Tinanggap ko na lang na hindi na ako makakawala sa kanilang tatlo. Dati dalawa lang ang lumalapit lapit at humahatak sa akin, ngayon tatlo na. Wala na akong laban sa kanila.
Kinuwento ko nga sila kay Sielo at natuwa naman ito. Waka naman daw mawawala kung makikipagkaibigan ako. Alam niya kasi na pihikan ako sa mga nakakasalamuha.
Kasama ko silang tatlo kasi natsambahan na parehas kami ng shift at morning pa, kaya sabay sabay ang break namin.
Ang mas natuwa naman ako ay ang hindi na pag-open up ni Rami ng nakwento ko sa kanya about kay River. Kahit kating-kati na raw siya ay pinipigilan niya ang sarili para sa privacy ko na rin daw. Kung kusa naman daw ako magoopen up ay makikinig siya at makikipagkwentuhan. Alam ko nabanggit na niya kay Suhanna pero nangako naman sila sa isa’t isa na kanila lang at hindi nila ipagkakalat.
“May gagawin ba kayo after shift?” I blurted out.
Nakita ko ang gulat kay Suhanna at Rami, pero normal na reaksyon ang kay Gael.
“Aaaah! May himala!”
“Magugunaw na ba ang mundo?”
Napairap na naman ako sa reaksyon nung dalawa at nakita ko pa na nagyakapan sila.
“Si Juniper na mahirap ayain kahit lang sa labas for a coffee ay nag-aaya na ngayon?” Rami said. Natawa si Suhanna at umaktong parang naiiyak.
“Sure ka bang mag-aaya ako? Pwede bang nagtanong lang.”
Natawa si Gael at nailing. “I’m sorry, guys, may schedule ako sa gym today.”
“Aba syempre! Available naman kami ni Rami ‘no!” Suhanna exclaimed.
“Okay, let’s meet at 8pm sa Monterria Heights.”
Napatakip na lang ako sa tenga dahil sa pagsigaw nung dalawa. Binanggit ko na i-treat ko sila ng dinner. Hanggang sa matapos ang shift namin ay hindi mawala sa mukha nila ang ngiti.
Nauna na ako sa kanila at uuwi raw muna sila. We still have 3 hours na free kaya umuwi ako sa apartment para kumuha ng damit. I also invited Sielo at pumayag naman siya. This will be the fvcking first time na mag-aaya ako ng ibang tao sa Velvet & Vine. I just want to give back sa pagiging mabait nila sa akin kahit na ganito ako.
I threw on a beige turtleneck long-sleeve tucked into high-waisted jeans, finished off with a clean pair of shoes for a simple, cozy, and effortlessly put-together outfit.
Mabilis din akong nakarating sa Velvet & Vine. The place was still in that in-between hour—hindi pa peak, pero hindi naman empty. I told our staff to reserve a private area for Rami Suhanna, Sielo and I.
The scent of citrus and alcohol hung in the air, familiar and almost comforting. Velvet & Vine always smelled like a promise you shouldn’t make.
I walked straight to the bar counter, sleeves still neat, hair still in place—like I didn’t just rush here. I was about to mix my go-to drink, the one I make without thinking, when I noticed one of the staff hovering near the shelves, eyes scanning bottles like he is lost.
“Uy,” I called, softer than the music. “Ano ’yon? May hinahanap ka?”
He looked relieved the second he saw me, parang may dumating na backup. “Ma’am, may customer po sa VIP. Cocktail po… pero medyo specific. Hindi ko kabisado ’yung recipe.”
I glanced at the ticket he was holding. The handwriting was clean and controlled, like the person who wrote it had practiced being precise.
“Okay,” I said, already reaching for the tools. “Ako na.”
“Ay, ma’am—” he started.
“I said, ako na,” I repeated, with a small smile that made it sound like a favor, not an order.
He nodded quickly and pointed toward a spot near the VIP area. “Doon po, ma’am. Sa table na ’yon. Naka-hat po, naka-jacket.”
“Okay, go, ako na.”
I set the shaker down, washed my hands out of habit, and started building the drink with the kind of calm that only comes from doing something a thousand times.
Ice. Measure. Pour.
The sound of the shaker cutting through the music felt satisfying. The glass fogged slightly as I chilled. I strained, garnished, and checked the surface for clarity. Perfect. Clean. Controlled. Just how I want it.
I placed the drink on a tray and walked toward the private area. The closer I got, the quieter the world seemed. Even the bass felt muffled, like someone turned the volume down just for me. The VIP lights were softer, warmer, giving every shadow a chance to hide.
And then I saw someone.
A man, broad shoulders, sitting with his back to me. Jacket. Cap. Elbows resting on the table like he owned the space without needing to prove it. His posture wasn’t relaxed—just… contained.
I forced my breathing to stay even. Why does his back look familiar?
“Good evening po,” I said, voice smooth, professional, casual—like this was any other customer.
“Here’s your drink, Sir.” I set the drink down carefully, no clink, no tremble.
He didn’t move right away kaya nagtaka ako. Hindi man lang ako pinansin.
For a second, he stayed still, and that second stretched. The kind of pause that feels intentional. The kind of pause na para bang sinasabi na, I heard and felt you the moment you entered the room.
Then he lifted his head.
The brim of the hat revealed his eyes first, dark, familiar, unreadable. Then the rest of his face came into view like a memory stepping out of fog.
Agad kong naramdaman ang panunuyo ng lalamunan ko. s**t.
It's River.