#TheOtherTwinsRevenge CHAPTER 81 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW... Sa araw na iyon ay naging cold at aloof ang pakikitungo ni j**s kay Juan Miguel. Pagkatapos ng naging pag-uusap nila, doon nagsimulang mag-iba ang trato nito sa boss, nag-uusap pa rin naman sila pero kung ang huli ay hindi pormal, ang una naman ay pormal na pormal. Napabuntong-hininga si Juan Miguel. Hindi siya makapag-concentrate sa kanyang ginagawa. Lagi niyang tinitingnan si j**s na abala sa ginagawa sa laptop. “Ganun na ba ako kasinungaling sa paningin niya? Lahat na lang ba ng sasabihin ko, panloloko ayon sa kanya?” bulong na sabi ni Juan Miguel sa kanyang sarili. He realize something... yes... totoong na-fall na siya... na fall siya sa tingin niya ay hindi dapat pero wala na siyang magagawa.

