CHAPTER 83 AND 84

2272 Words

#TheOtherTwinsRevenge CHAPTER 83   THIRD PERSON’S POINT OF VIEW...     Sabay na naglalakad ngayon sa malawak na hardin ng mansyon sila Jass at Paulo. Maaliwalas ang paligid na sinamahan pa ng may kalamigang hangin na dumadampi sa kanilang mga balat.     Napapangiti si Paulo sa mga nakikita niya. Sa totoo lang, marami siyang alaala na sumasagi sa isipan niya habang patingin-tingin sa paligid. Minsan na rin kasi siyang napadpad dito.     “Walang masyadong nagbago dito sa mansyon niyo... sa buhay mo lang marami.” Sabi ni Paulo.    Tipid na napangiti si Jass.     “Hindi talaga ako makapaniwala sa mga ikinwento mo sa akin... parang mas nangingibabaw pa ang hindi maganda kaysa sa maganda... pero sa kabila nun... nakikita ko sayo ngayon na matibay ka at masaya pa rin.” Sabi ni Paulo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD