#TheOtherTwinsRevenge CHAPTER 71 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW... Inihanda na ni Jass ang lahat para sa paglabas ni j**s sa ospital. Ayon kasi sa doktor, ok na ang kalagayan ng kanyang kapatid at pwedeng nang lumabas. “Walang nakalimutang gamit a.” Sabi ni Jass sa mga katulong na nandito din sa loob ng kwarto ni j**s at siyang tumulong sa una sa paghahanda. “Wala ho Ma’am.” Sagot ng isa. “O sige... Dalhin niyo na ang lahat ng gamit sa kotse.” Utos nito na kaagad namang sinunod. Napatingin si Jass kay j**s na nakangiting nakatingin sa kanya. “Ikaw Kuya? Ok na ba talaga ang pakiramdam mo? Pwede pa naman tayong manatili pa dito ng ilang araw.” Sabi ni Jass. “Ok na ako.” Sabi ni j**s. Napabuntong-hininga. “Salamat a. Salamat sa lahat-lahat.” Sabi pa

