#TheOtherTwinsRevenge CHAPTER 73 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW... Ngayong araw ang simula ng trabaho ni j**s bilang secretary ni Juan Miguel. Siya ang magiging taga-ayos ng schedule nito at pati na rin ang mga dokumentong kailangan nitong makita at pirmahan. May sarili itong office desk sa loob ng opisina ni Juan Miguel, sa bandang kaliwa malapit sa pinto para kung sakaling may papasok, siya muna ang unang makakausap bago ang una. Marami ang nagulat sa pagiging secretary niya ni Juan Miguel, ang iba nga ay hindi makapaniwala dahil mula sa pagiging Chairman and CEO, naging secretary ito. “Japs... Halika nga.” Pagtawag ni Juan Miguel kay j**s na napatingin naman sa kanya. Tumigil ito sa ginagawang pag-aayos ng kanyang mesa at lumapit sa kinaroroonan ng una.

