#TheOtherTwinsRevenge CHAPTER 75 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW... Nasa loob ng banyo ngayon si Juan Miguel, nakatitig ang mga mata sa salamin kung saan nakikita niya ang sariling repleksyon. Mababanaag ang pagkalito at... sakit. Napahinga siya nang malalim. “Ano bang nangyayari sa akin? Bakit tila lumalambot ako? Bakit ako nasasaktan? Bakit ako nagkakaganito?” sunod-sunod na tanong niya sa kanyang sarili. Nalilito na siya at sa totoo lang, kahit ang sarili niya ay hindi na niya maintindihan. “Anong bang ginawa mo sa akin?” tanong niya pa sa kanyang sarili. Hindi dapat ito nangyayari sa kanya. Hindi. Muli siyang napabuntong-hininga. “Umayos ka Juan Miguel... Umayos ka.” May diin na sabi nito sa sarili. Inayos niya ang sarili bago nagpasyang luma

