#TheOtherTwinsRevenge CHAPTER 49 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW... Bakas sa mukha ni j**s na problemado siya. Nagkaroon na naman ng problema ang buong kumpanya at bumababa na naman ang sales at growth nito. Nakarating na sa mga board members at shareholders kaya naman nagbabalak na rin ang mga ito na mag-pull out ng shares agad-agad bago pa magkagipitan. Kapag nangyari iyon, tuluyang babagsak ang kumpanya. Sa totoo lang, hindi na niya alam ang gagawin. Sa mga nakaraang problemang kinaharap niya dahil sa kumpanya, masasabi niyang ito ang pinakamahirap para sa kanya na isipan ng solusyon. Napatingin si j**s sa bumukas na pinto ng opisina niya, pumasok mula doon si John Miguel na mababakas ang pag-aalala sa mukha. Kaagad siya nitong nilapitan. “Are you ok?” tanong

