#TheOtherTwinsRevenge CHAPTER 51 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW... “Ok ka lang ba?” tanong ni Juan Miguel kay j**s na napatigil sa ginagawa. Napatingin siya sa una. Nasa loob sila ngayon ng condo unit ng huli kung saan talagang pinuntahan pa siya ng una. “Ok lang... Mabuti na rin siguro na nawala ako sa pwesto... at least magiging malaya na akong gawin ang mga ginagawa ko noon.” Sabi ni j**s. Umiwas nang tingin kay John Miguel at ipinagpatuloy ang pag-aayos. “I’m sorry kung wala na akong nagawa sa pagkakataong ito... Masyado kasing naging mabilis ang mga pangyayari.” Sabi ni Juan Miguel. “You don’t have to do something... Tama na ‘yung ilang beses kang tumulong... Ayokong mabaon sa utang na loob sayo.” Sabi ni j**s. “Ayokong nakikita kang nasasaktan... Alam

