#TheOtherTwinsRevenge CHAPTER 53 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW... Gumising si j**s na wala na si John Miguel sa kanyang tabi. Hindi niya naiwasang malungkot. Nanatili pa siyang nakahiga sa kamang naging saksi ng pag-iisa nila. Nakahubad pa rin siya at natuyo na ang pawis at dagta niya sa kanyang katawan na hindi napunasan kagabi. Hindi maikakaila ni j**s na ang kagabi ang pinakamainit at masarap na kailanman, hindi niya makakalimutan. Alam niyang mali ang nangyari pero sa pakiramdam niya, lahat iyon ay tama. Napabuntong-hininga siya. Bumangon siya mula sa kama at nagpunta sa banyo bitbit ang twalya para maligo. Matapos maligo ay lumabas na rin siya, nakatapi sa bewang niya ang twalya. Muntik na niyang makalimutan, wala na pala siyang pasok kaya naman magha

