CHAPTER 32 Magkawak-kamay naming nilapitan ni Fate ang jail guard. Hindi ko alam kung pwede siyang mapakiusapan na hayaan na lang kumaya. Imposible pero susubukan. Suntok sa buwan paraan pero kailangang isakatuparan. Hindi ko gustong dumanak ang dugo, ayaw kong pumatay ng mga taong ginagawa lang naman nila ang kanilang trabaho ngunit kung iyon lang ang paraan para makalabas ako ay mapipilitan akong ipagtanggol ang buhay ko para sa nakararami. “Sir, nakikiusap ako. Kailangan ako ng mga tao sa labas. Kailangan kong iligtas ang daigdig sa kasamaan ng isang gumagalang halimaw. Hindi ko alam kung narinig mo na sa balita, napanood sa TV o kaya ay nabasa sa mga balita sa pahayagan tungkol sa isang parang dikyang sumasanib sa tao? Si Ashoka iyon at ako lang ang makakayang lumaban at tumapos sa

