CHAPTER 33 Nang nasa gate na ako, inayos ko ang pagkakalagay ng aking sumbrero, ang basa sa pawis na telang itinali na mata na lang ang nakikita at ang butas-butas at ang luma at butas-butas na jacket. Nang sigurado na akong hindi na ako makikila pa ay itinulak ko na ang gate para pumasok pero naka-lock sa loob. Pinindot ko ang buzzer. Mabilis na binuksan ng guard ang gate. “Ano ba? Kalalabas mo lang ah? Istorbo ka sa laro eh!” singhal niya sa akin. Muling bumalik ito sa kanyang upuan at naglaro. Nilingon lang ako ng bahagya ang kasama niyang nakaupo lang rin sa guard house. Agad akong pumasok. Hindi man lang niya ako tinignan. Magara ang bahay. May sarili itong swimming pool. Tatlong palapag ito at moderno ang arkitekturang ginamit. Puti ang kulay ng bahay at gawa sa salamin. Nakahi

