CHAPTER 34 “Pagkatapos mo raw maglaho sa CR ng inyong Dean, hinahanap ka sa amin,” naluluhang litanya ni Nanay. “Iyon ang nakapagtataka, paano ka biglang nawala kung alam nilang pumasok sa sa CR na wala ka namang ibang lulusutan tapos sa amin ka hinahanap. Ni wala nga kaming alam ng tatay mo kung anong tunay na nangyari. Nagulat na lang kami na bigla kaming pinuntahan. Wala kaming kamalay-malay kung anong ginawa mo, saan ka nagtago at anong totoong nangyari sa’yo. Wala kaming kinalaman ngunit kami ang kanilang idinidiin. Oo responsibilidad ka namin pero disiotso ka na. Hindi na namin hawak ang buhay at mga desisyon mo. Gusto nilang ilabas ka namin dahil kung hindi, isa raw sa amin ng tatay mo ang magbabayad. Sinubukan ka naming hanapin ng tatay mo. Hindi para i-surrender sa kanila kundi a

