CHAPTER 40 Ang nangyaring iyon ang dahilan kung bakit lalo naming minahal ang isa’t isa. Kinabukasan, hindi pa rin kami bumalik sa Manila. Sandali kasing nanahimik at hindi na muna gumagambala pa si Ashoka. Nanahimik ng ilang araw samantalang patuloy na dumami ang share at likes ang ikinalat ko sa social media na ginawa ni President Cruz kay Tatay. Sirang-sira na siya sa lahat mula sa istasyon ng mga radyo hanggang sa pinakamalalaking TV network. Lahat ay may mga komento. Marami sa mga taong ayaw sa kanya ay kinamumuhian siya. Naging isang national at international news ang video na iyon. Naroon kasi mismo ang mukha ni Presidente. Alam kong lalo nang nagngingitngit ngayon ang mag-ama. Iyon ang isang dahilan ni Fate kung bakit ayaw pa muna niyang bumalik kami sa Maynila. Gusto niyang pal

