CHAPTER 39 Napapitlag ako nang hinawakan niya ang braso ko. Ninenerbiyos ako. Nanlalamig ng husto pero pinagpapawisan. Siya na ang humawak sa braso ko. Dahan-dahan na bumaba iyon sa aking palad. Hinawakan niya iyon sabay bulong ng… “Huwag kang nerbiyosin, ako ang bahala sa’yo.” Magkasinlakas na nga yata ang t***k ng puso ko at ng aking paghinga. "Huhhhhh!" buga ko ng hangin na naipon sa dibdib ko dahil sa nerbiyos habang tinatanggal niya nag sinturon ko. "Okey ka lang?" malambing niyang tanong sa akin. Tumango ako kahit hindi naman talaga ako okey lang kasi nanginginig ang tuhod ko. Pinagpapawisan na ako wala pa naman nangyayari. Hinubaran niya ako. Kahit papa’no pwede kong ipagmalaki ang makinis at maputi kong katawan. Mamasel-masel na rin naman ito at hindi na kagaya dati na patpa

