CHAPTER 38 Nang pasikat na ang araw at nasa bukirin na kami sa bahaging iyon ng Bagabag ay binuksan ni Fate ang bintana ng sasakyan niya. Malamig at preskong simoy ng hangin ang humampas sa amin. Maliit pa ako nang umalis kami sa priobinsiya kaya hindi ko na tanda ang paligid kaya pakiramdam ko ito pa lang ang unang pagkakataong umuwi ako sa probinsiya. Unang pagkakataong makakita ng ganoon kaberdeng lugar, ka-presko ng hangin. Ipinapaalala nito ang Grandstrike sa akin. Nasasabik din ako kay Mama. Kumusta na kaya sila roon? Hindi ko naman kasi pwedeng hatiin ang aking katawan kaya kung nandito ako sa mundo ng mga tao, nami-miss ko si Mama. Mabuti nga at mabilis lang namin naibalik ang aming alaala ni Fate. Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ko si Fate. Hindi ko alam kung makab

