CHAPTER 37 “Now that you have your sword and you killed the outlaws in your area,what’s next?” tanong ni Fate sa akin habang naglalakad na kami papunta sa kanyang sasakyan. “Kailangan ni Nanay ng matutuluyan. Hindi pwede natin labanan si Ashoka na kasama siya. Baka madamay siya. iyon ang pinkahuli kong gustong mangyari. “Tiga saan ka nga pala noong dalaga ka, Tita?” tanong ni Fate kay Nanay. “Sa Bagabag, Nueva Vizcaya, Ma’am. Bakit?” “Pwede bang Fate na lang ho? Si Damon lang naman ang nag-insist noon na tawagin ninyo akong Ma’am. Now that he’s not with us and I am cutting my connection na with him, baka pwedeng Fate na lang ho, okey lang ho ba?” “Sige, Fate. Salamat,” nahihiyang tugon ni Nanay. “Sa Nueva Vizcaya ho ‘ka ninyo?” “Oo, Fate. Bakit?” “Tiga doon si Daddy. May bahay bak

