THE SPELL

1988 Words

CHAPTER 16 Ngayon na napapansin na siguro ni Ashoka na hindi kami basta-basta kalaban, na lahat ng pinadala niyang papatay sa amin ay natumba namin, pinalabas na niya ang mga huli niyang kawal. Oo, hindi pa kami nananalo ngunit sa dami ng aming napatay, humihina na ang kanyang hukbo. Nakaramdam na ako ng pagod at alam kong si Zoyd ay ganoon din. Si Drako, hindi na ganoon kalakas ang binubuga niyang apoy. Pero wala nang atrasan pa ito. Hindi na kami dapat pang umatras. Hindi kami aalis hangga’t hindi namin kasama sina Mama at Fate na lumisan. Ngayon pa na napapatunayan na namin na kaya rin naman pala namin? Hindi na patas ang laban. Nakita kong nakatayo na rin sa ere si Ashoka at sinesenyasan niya ang kanyang mga panghuling kawal na sugurin kami at gawing abo.. Sinenyasan ko rin ang akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD